Tuesday, May 9, 2017

Walang Pahinga para sa mga Matuwid

(Sapagkat ang mga Balakyot ay Hindi Nagpapahinga)

(Ang panahong kasalukuyang kinabubuhayan natin sa ngayon ay hindi naiiba sa panahon bago wasakin ng Diyos ang Sodoma at Gomora)

Pagkatapos ng lahat ng dinaanan ko at ng aking pamilya nitong mga nakalipas na mga taon, akala ko ay makakapapagpahinga na ako at makakapagrelax kahit papaano. Ipinagpalagay ko na nakita ko na ang pinakamalalang mga kalagayan, yamang ang dami ko nang pinagdaanang maaapoy na mga pagsubok at pag-uusig at malamang ay hindi na pahihintulutan pa ni Jehova na salutin pa kami ng anumang malaking problema. Subalit ang mga paghihirap, pag-uusig at mga pagsubok ay ibinibigay nang napakagalante sa mga nagdurusa nang lingkod ng Diyos na gaya ng isang patalastas sa shopping channel sa telebisyon kung saan pagkatapos ng bawat bahagi ay ating maririnig, “sandali, mayroon pa!” o sa wikang Ingles, “but wait, there’s more!”

Ang napakahirap subalit hindi naman kagulat-gulat na realidad ay na ang mundong ito na kasalukuyan nating kinabubuhayan ay isang napakasahol na daigdig. Ang lugar na ito ay ang paboritong pook ng pagsasaya ng mga demonyo at ng kanilang mga kasabwat na tao at isang dakong pahirapan para sa lahat ng mga tapat-puso at matuwid na mga indibidwal na ang tanging hangad lamang ay na laging gawin kung ano ang tama at kalugod-lugod sa paningin ni Jehova sa abot ng kanilang makakaya. Kung hindi tayo magagawang udyukan ni Satanas na talikuran si Jehova sa pamamagitan ng mga nakapanlulumong mga pagsubok at pag-uusig, susubukan naman niya tayong hilahin sa mga kalaliman ng Gehena gamit ang kaniyang pain ng tukso at kasalanan, kadalasan sa pamamagitan ng paggamit sa atin mismong sariling mga kahinaan upang tayo ay ilihis mula sa matuwid na landasin.

Ang talagang nakababahala para sa mga tunay na Kristiyano ay na kahit na gaano ka katagal na nakapaglingkod sa Diyos o gaano karami ang isinakripisyo mo para sa Kaniya, ang katotohanan ay nananatili na sa isang maling hakbang, isang maling pagpapasiya, isang sandali ng pagiging pabaya at maling pagtantsya, ay maaring maiwala mo ang lahat- kasama na ang iyong dako sa paraiso o ang iyong dako sa langit. At ang kasalukuyang kapaligiran sa mundong ito ngayon ay lalu lamang lumilikha ng isang mas mahirap na kalagayan para roon sa mga nagnanais na mapanatili ang kanilang katapatan sa Diyos. Ang panahon na kasalukuyan nating kinabubuhayan ngayon ay hindi naiiba sa panahon noon bago wasakin ng Diyos ang Sodoma at Gomora- isang lugar na puno ng mga karima-rimarim at napakasamang mga tao.


Sa kasalukuyan, ang moral na patnubay o moral compass ng sangkatauhan ay lubhang hindi na gumagana ng tama anupat karamihan sa mga tao ay wala nang anumang pakialam sa kung ano ang tama at mali. Maraming mga tao ang wala na ring pakundangan maging sa kanilang mga kapuwa tao. Gumagawa sila ng sarili nilang mga batas at alituntunin at sila rin ang nagbibigay ng sarili nilang pakahulugan sa kung ano ang tama at mali. Ang kawalan ng mataas na mga pamantayang moral ng mga tao ay maaring maihalintulad sa isang salot. Ang mga ito ay magkatulad sa paraang labis itong nakakahawa para sa mga taong mayroong mahinang kalusugan sa espirituwal at kapag nahawa ka na nito, napakahirap nang makabalik sa pinakamainam na espirituwal na kalusugan; sa maraming pagkakataon, ito ay nakamamatay pa nga. Subalit ang higit pang nakakatakot dito ay na ang salot ng imoralidad na ito ay hindi lamang nakakaapekto doon sa mga mahihina ang pananampalataya kundi maging roon sa mga pabaya at hindi maingat na mga indibidwal na patuloy na naglalantad ng kanilang mga sarili sa nakahahawang salot at sa mga nahawahan na nito. Maraming tao sa paligid natin, maging yaong mayroon nang matagal at mahusay na rekord ng katapatan ay hindi ligtas mula sa panganib na maikompromiso ang kanilang katapatan sa Diyos at mula sa pagiging tagapagdala ng salot na ito anupat nagsisikap ring hawahan ang iba ng kanilang kawalan ng pamantayan sa moralidad.


Mga Kabayong Pinananaigan ng Seksuwal na Pagnanasa

Hindi ko alam kung ano nga bang nasa hangin at napakaraming mga tao ang humaling na humaling sa sekso, hindi na nga ito kumakapit lamang sa mga tin edyer at mga kabataang dumadaan sa hormonal na mga pagbabago. Ang napakalakas na hatak ng laman ay makikita kapuwa sa mga kabataan at nakababahala, maging doon sa mga waring napakatanda na para sa ganoong uri ng mga pagnanasa. Ang kalakran ngayon ay katulad ng ating mababasa sa Jeremias 5:8 kung saan binanggit ng Kasulatan na ang mga tao ay tulad ng: “mga kabayong pinananaigan ng seksuwal na pagnanasa, na may malalakas na bayag. Bawat isa ay humahalinghing sa asawa ng kaniyang kasamahan.” Hindi ko lubos maisip na mabubuhay ako sa isang panahon kung saan ang mga tao ay wala nang hiya na ilantad ang kanilang mga hindi masupil na mga pagnanasa. Subalit heto tayo ngayon. Maari kang lumabas ng bahay isang araw upang bumili lamang sana ng pagkain sa isang malapit na restauran at pagkatapos ay mayroon nang lalapit sayo upang alamin ang iyong pangalan at iba pang personal na mga detalye at hayagan kang alukin ng kanilang malalaswang alok. Isang beses (bukod sa maraming iba pa) noong kasama ko ang aking asawa at kami ay naghahapunan sa isang kapihan ay bigla nalamang may matandang mamang sumali sa aming usapan at patuloy na nagpapahiwatig na siya ay mayroong gusto sa akin at baka maari akong pumayag na sumiping sa kaniya. (para sa inyong kaalaman ay hindi pa man lamang ako nakakapagsuklay ng aking buhok, ako ay may sakit, ako ay mukha naman talagang may sakit at disente naman ang damit na suot ko.) At kung inaakala mo na maari kang magkamit ng tagumpay sa iyong napiling larangan ng karera sa pamamagitan ng iyong pinaghirapang mga kredensyal at napakahusay na mga abilidad, magigising ka sa malagim at katakot-takot na katotohanan na ang short cut sa gayong uri ng trabaho ay hindi libre- babayaran mo ito sa pamamagitan ng pagtatanggal mo ng iyong mga damit. Maari kang dumalo ng isang pagpupulong sa Kingdom Hall at ang kalagayan ay maaaring hindi rin naiiba, siyempre malamang na mangyari ito sa isang mas hindi gaanong lantarang paraan. O maaari rin na ikaw ay pumunta sa isa sa mga tila ba banal na mga website sa internet na madalas gamitin ang pangalang “Jehova! Jehova!” dito at doon at pagkatapos ay ang mismong mga taong madalas na gumamit ng kaniyang pangalan pa ang mga mismong lumalaspastangan rito sa pamamagitan ng kanilang kasula-sulasok na makahayop na mga pagnanasa at kapag ikaw ay tumanggi at kapag kinuwestyon mo ang kanilang mga paggawi, ikaw ay mapapatapon at itatakwil bilang isang mapaghinanakit, mainggitin, at delusyunal na tao na mayroong sakit sa isip o personality disorder dahil lamang sa ikaw ay tumanggi sa paggawa ng kung ano ang mali.

At gaya nga ng kalakarang usong uso at kalat na kalat sa mga kongregasyon ngayon, kapag ang biktima ay nagsalita, ang kaniyang kredibilidad ay agad na sisirain. At ang may sala, na madalas ay isa pa nga sa mga nangungunang lalaki ang siyang pagmumukaing biktima, at ang tunay na biktima na nagdurusa na nga sa kasalukuyan ay makararanas ng higit pang galit at kawalang katarungan pagkatapos na mabahiran ang kaniyang pangalan at siya ay siraan nang sa gayon ay hindi paniwalaan ang anumang kaniyang sasabihin. Lumang tusong istilo na ito.

Kapag mga worldy, gaya nga ng katawagan ng mga Saksi sa mga hindi Saksi, ang gumagawi sa paraang hindi katanggap-tanggap ay napakadali nating sabihing: “Sabagay ano nga ba ang alam ng taong ito sa mga katotohanan sa Bibliya, Hindi kilala ng taong ito si Jehova, Ang taong ito ay makasanlibutan, Ano nga ba ang aasahan natin?” Subalit kapag ang mismong mga tao na gumagamit ng pangalan ng Diyos sa araw-araw, naghaharap ng kanilang mga sarili at nangangaral ng Bibliya sa publiko ang nagsasagawa at nagpapasimuno pa nga sa gayong mga mahahalay na mga gawain at iba pang kasuklam-suklam na libangan, ano ang sasabihin natin? Marami ang tiyak na magugulat subalit kung iisipin, hindi naman ito isang kakaibang bagay. Pinaalalahanan ako ng isa sa mga kamag-anak ng aking asawa kung papaanong napakaraming mga balakyot na mga tao noong sinaunang panahon ang maligayang nagpakasasa sa paggawa ng kasuklam-suklam na mga bagay sa paningin ni Jehova, sa mismong banal na templo pa niya! At iyon ay ilang henerasyon na ang nakalipas? Gaano na tayo kalayo ngayon mula sa kasakdalan, gaano na kaya mas kabaha-bahala ang ginagawa ng mga waring maka-diyos na mga tao ngayon? Sa palagay niyo kaya ay sapat na ang mga hindi naman gaanong lihim na mga gawain sa sekso ng mga homoseksuwal at mga iba pang indibidwal sa mga Bethel? Sa palagay ko ay hindi.

Subalit sa totoo lang ay gusto ko lang namang malaman, ano nga ba ang mayroon sa pangalan ni Jehova anupat akit na akit ang mga pinakamasasama, mga makakasarili at mapagpaimbabaw na mga tao sa kaniyang pangalan anupat naging paborito na nila itong libangan, o pampukaw sa kanilang seksuwal na mga pagnanasa na gamitin ang kaniyang pangalan sa kawalang kabuluhan araw at gabi bilang paraan upang masila nila ang kanilang bagong biktima habang itinatago kung sino talaga sila? Maaari po ba ninyo akong paliwanangan tungkol dito, Diyos na Jehova, papaano po ninyo nagagawang pahintulutan ang mga bagay na ito nang napakatagal na panahon? Papaano po ninyo napipigilan ang inyong galit mula sa lahat ng kabuktutang ito? Hindi po ba ang pangalan ninyo, kayo mismo ang hinahamak at nilalapastangan nang lubos-lubusan? Kung maaari lamang po sana ay pahiramin po ninyo ako ng kahit na maliit na porsiyento lamang ng inyong pagtitimpi. Sa totoo lang ay hindi ko na po talaga kayang pagtiisan pa ang mga nakababaliktad-sikmurang gawain ng mga taong ito.

Sinubukan ko pong pigilan ang aking sarili na pakisuyuan kayong kumilos sapagkat hindi ko po nais na pakialaman kung anuman po ang mga plano ninyo, hindi ko po sana nais na manghimasok. Subalit ngayon ay napakalubha na nito at alam ko po na hindi rin kayo natutuwa kaya po nakikiusap ako, aking Diyos, Banal at Makapangyarihan-sa-lahat Diyos na Jehova, Matuwid na Hukom, pakisuyo alang-alang sa inyong pangalan ay iunat po ninyo nawa ang inyong mga kamay at ilantad po ninyo ang gawain ng mga taong ito nang matigil na ang kanilang kapaimbabawan!


Patimpalak ng Pagsuway

"Hindi ako umupong kasama ng mga taong bulaan; At hindi ako pumapasok na kasama ng mga mapagpakunwari. Kinapopootan ko ang kongregasyon ng mga manggagawa ng kasamaan, At hindi ako umuupong kasama ng mga balakyot." –Awit 26:4,5

Kagaya nga ng akin nang isinulat sa aking nakalipas na sanaysay na “Patiently Endure Unfair Treatment,” sa halip na bigyan ng pabuya o komendasyon sa paggawa ng kung ano ang tama, mayroong mga pagkakataon kung saan ang ating pagpapasiya na sundin ang mga simulain ng Bibliya ay nagiging dahilan pa nga upang tayo ay kamuhian at itakwil ng mga taong minsang tinawag nating mga kaibigan at mga kasamahan. Iyan mismo ang dinanas namin isang taon na ang nakalipas.

Kung iisipin, ako ba ay papayag sa paggawa ng kung ano ang mali sa paningin ni Jehova upang maging bahagi lamang ng “kongregasyon ng mga manggagawa ng kasamaan?” Mayroon bang anumang grupo o samahan sa mundong ito na napaka prestihiyoso anupat isasakripisyo ko ang pagsang-ayon ng Diyos para lamang mapabilang rito? Hindi bale na lamang. Hindi ako nagbata at nagdusa buong buhay ko para lamang ipagpalit ang aming magiging buhay at kinabukasan ng aking pamilya sa paraisong lupa para lamang sa isang walang kabuluhan at nakadidiring kasalanan at para lamang sa pag-sangayon ng mga mapagkunwaring manggagawa ng kasamaan na wala namang kakayahang gawin ang isang pulgada man lang ng kayang gawin ni Jehova para sa akin. Kaya tinatanggap ko ang galit, ang mga paninirang puri, ang mga panunuya at panghahamak nang maluwag sa dibdib. Kung manggagaling naman ito sa mga taong walang pakundangan sa mga simulain ng Bibliya at walang pagsang-ayon ni Jehova; bakit naman magkakaroon ng anumang halaga sa akin ang kanilang opinyon?

Sa dahilang hindi kayo patuloy na tumatakbong kasama nila sa landasing ito sa gayunding pusali ng kabuktutan, sila ay nagtataka at patuloy na nagsasalita nang may pang-aabuso tungkol sa inyo. -1 Pedro 4:4


Oo, mas maigi pa para sa amin na muling itakwil at ipatapon, siraang puri at kamuhian katulad na katulad rin ng ginawa sa amin sa aming huling kongregasyon, kaysa naman sa maiwala namin ang aming mga buhay at ang magandang kinabukasan na matagal na naming inaasam-asam. Kahit papaano ay nasanay na rin ako sa kalakaran ng pagpapalabas na ako pa ang masamang tao kapag hindi nakukuha ng iba ang gusto nila mula sa akin. Subalit wala nang mas nakakatakot pa at mas hindi katanggap-tanggap kaysa sa pagkatapos ng lahat ng ito ay magagawa pa akong may kamaliang akusahan ng mga taong ito na ako raw ay nalulungkot at naiinggit sapagkat ako ay nabigong makasali sa kanilang karima-rimarim na gawain! Hindi ko lubos na maisip kung gaano kabuktot ang kaisipan ng mga taong ito upang mapapaniwala nila ang kanilang mga sarili na ako ay lubhang nasisiil sapagkat ako ay nabigong makamit ang tropeo sa kanilang prestihiyosong pagdiriwang, ang kanilang “patimpalak ng pagsuway kay Jehova.”

Kung ako man ay nalungkot sa pangyayaring iyon, iyon ay dahil sa pagkakita sa isang taong minsang lubos na iginalang ko na mahulog at malugmok sa isang kalunos-lunos na kalagayan at masayang ang lahat ng mga ginawa niya para sa Diyos. At kamusta naman ang pagkadama ko ng pagkabigo, ang pagtraidor sa akin, ang paghila sa akin na gawin ang isang bagay at pagkatapos ay iwanan ako sa ere dahil lamang sa hindi ako mapapakinabangan upang sapatan ang kanilang “ibang mga pangangailangan.” Kanila na ang tropeo. Kung gusto ko mang magkaroon ng pagkilala, hindi iyon magiging tungkol sa ibang bagay na lubhang karima-rimarim sa paningin ng Diyos. Ano nga bang kapurihan o kainggit-inggit ang mayroon sa paggawa ng bagay tulad ng imoralidad at paninira sa sagradong kaayusan ng pag-aasawa?

Masasabi nga namin na hindi kami bahagi ng mundong ito, hindi kami bahagi ng kongregasyon, hindi bahagi ng anumang idolatroso o tulad-kultong relihiyosong website sa internet at ayos lang iyon sa amin. Kahit kailan naman ay hindi ako nabagay sa anumang samahan ng mga tao. Ang amin ngang pamilya ay namumuhay na nakabukod sa karamihan at kung tutuusin, sa kalagayang ito na napakatalamak ng imoralidad sa mundo, mukhang mas mabuti na ngang gayon nalang ang kalagayan namin. Gaya nga ng kasabihan, “mas maigi nang mag-isa kaysa naman may masasamang kasama” o sa Ingles, “better be alone than in bad company.” Kaya namin at nagawa na nga namin na isakripisyo ang napakaraming mga bagay sa mundong ito para sa mas mainam na mga bagay, para sa permanenteng kaligayahan at sa mga mas malalaking mga pagpapala na inaasahan naming matanggap sa bagong sanlibutan na ibibigay ng Diyos na Jehova. Kung ang wakas ay tunay ngang malapit na, na mukha namang gayon nga, kung gayon siguro naman ay makakapaghintay pa kami ng kaunti.

Siguro nga ay hindi talaga ako nagugustuhang kasama  ng ibang mga tao at hindi nila ako isinasaalang-alang na “cool” wika nga, ay dahil noon pa man ay isa na akong duwag... duwag sa paraang lagi akong natatakot na gumawa ng isang bagay na mali, duwag dahil natatakot akong hindi mapaluguran ang Diyos na Jehova, duwag dahil hindi ako kailanman nagkaroon ng lakas ng loob na hamunin ang Diyos na Jehova sa pamamagitan ng pagkakaroon ng dobleng pamumuhay sa kabila ng panggigipit mula sa aking mga kamag-anak at mga kasamahan. Aaminin ko, na maraming taon na ang nakalipas nang ako ay napakabata pa, ay nabigo kong paluguran ang Diyos na Jehova at nakagawa ako ng mabigat na kasalanan kaya naman malamang na iyon ang dahilan kung bakit ako nagkakaroon ng mga bangungot sa aking pagtulog, kung bakit ako laging natatakot na muli kong mabibigo ang Diyos at maiwala ang kinabukasang napakatagal kong inasam at ang pagsang-ayon ni Jehova na tanging nagbibigay sa akin ng kapayapaan ng isip araw at gabi. Alam na alam ko ang pakiramdam na hindi pansinin ni Jehova, na para bang sarado ang mga pintuan ng langit sa aking mga panalangin. Alam ko kung ano ang pakiramdam kapag hindi Siya nalulugod sa akin at isang itong bagay na napakasahol at labis na nakasisiil, para itong malalim na sugat na mag-iiwan ng sa iyo ng malaking peklat at magdudulot sa iyo ng trauma nang napakatagal na panahon. Kaya walang anumang kasalanan ang magiging sulit kung ikukumpara sa kagalakan at kapayapaan ng loob na ating natatamo sa pagkakaalam na nasa  panig natin ang Diyos at binabantayan at ginagabayan niya tayo, 24 oras, 7 araw sa isang linggo.

At kahit na ako ay nakagawa ng maraming mga pagkakamali sa aking buhay, kapuwa malaki at maliit, katulad ng karamihan sa atin, subalit isang bagay na sinisikap kong huwag maging ay isang taong mapagpaimbabaw. Lagi kong naiisip kung gaano kahirap na gumawa ng mali at pagkatapos ay magpanggap buong panahon na parang ang Diyos ay lugod na lugod sa akin. Mamimili lang ako ng isa, maaari kong iwanan si Jehova at huminto na lang sa pagsasalita tungkol sa kaniya kung hindi ko naman kayang mamuhay ayon sa kayang mataas na mga pamantayan o sisikapin kong gawin ang tama habang pinaglilingkuran ko siya at ipinangangaral ang kaniyang pangalan sa madla. Hindi ko maguni-guni ang kasanayan at talento ng mga tao na hayagang lumalabag sa mga batas ng mga Kasulatan sa salita at gawa at pagkatapos ay magkaroon ng napakatinding lakas ng loob na ihayag ang pangalan ni Jehova na para bang isang anghel mula sa langit. Ibang klase at kahanga-hanga ang abilidad nila sa paggawa ng dalawang magkaibang magkaibang bagay ng sabay! Kaya nilang magkaroon ng dalawang pamumuhay o higit pa nga. Marami sa mga nagaangking mga lingkod ng Diyos, o mas madalas yaon pang mga nagaangking itinalaga ng Diyos sa mga posisyon ng awtoridad ang nag-iisip na sila ay walang iba kundi mga artista at ang mundong ito ay ang kanilang entablado. Sila ay masayang masaya na sa paggawa lamang ng kanilang trabaho ng regular na pagpapabango ng kanilang mga pangalan at pagtatago ng kanilang tunay na mga pagkatao habang naghahanda ng bitag para sa mga bago nilang biktima. Ang pagtatanghal ng mga artistang ito ay nararapat bigyan ng mga parangal yamang madalas ay lubha itong kapani-paniwala, labis na nakakukumbinsi anupat sila ay nararapat na bigyan ng standing ovation. Hindi ko alam kung papaano ko magagawa iyon. Wala akong masabi sa kanila. Talagang napakahusay nila. Hindi ko maiwasang mapaisip kung papaanong may mga taong sabay na nagagawang maging ubod nang sama at pagkatapos ay mapagmukha ang kanilang mga sariling para bang mga napaka-babanal. Baka iniisip nilang napakahina at napakabagal ng Diyos na Jehova sa pagpaparusa anupat kapag sumapit na ang panahon upang parusahan sila ay matagal na silang patay. O baka naman sadyang hindi lang sila naniniwala sa kaniya man lamang. Sinong nakaaalam? Ang alam ko lamang ay ito: Ayokong maging tulad nila. Ayokong maiwala ang kaisa-isang pagkakataon ko upang mabuhay habang buhay nang maligaya at normal kasama ng aking mga mahal sa buhay at tiyak namang walang taong nasa katinuan ng isip ang gugustuhing ibigin lamang si Jehova ng pakunwari, yamang alam naman nila ang kinabukasang naghihintay sa kanila sa paggawa ng bagay na iyon.

 “Nakikita mo ba, O anak ng tao, kung ano ang ginagawa ng matatanda ng sambahayan ng Israel sa dilim, ng bawat isa sa pinakaloob na mga silid na may kani-kaniyang rebulto? Sapagkat sinasabi nila, ‘Hindi tayo nakikita ni Jehova. Iniwan na ni Jehova ang lupain.” –Ezekiel 8:12

Oo, maaring hindi nga nila kinatatakutan si Jehova. Maaring hindi rin talaga sila naniniwalang umiiral man lamang siya. Baka iniisip nilang hindi na nila kakailanganing pagbayaran pa ang mga masasamang bagay na ginawa nila. Subalit ang bagay na hindi naisaalang-alang ng mga manggagawa ng kasamaan na nabubuhay ngayon ay kung paanong maaaring iba ang pagkakataong ito, kung paanong ang mga ulo nila ay maaring gumulong nang mas mabilis at mas masakit kaysa sa mga balakyot na nauna sa kanila yamang anumang oras, anumang araw ngayon, ang wakas ay maaaring biglaang dumating. Ang mga tanda ay kapansin-pansin naman at nakalantad sa buong paligid at tiyak na hindi ito isang magandang panahon upang pukawin ang galit ni Jehova. Isang palaisipan kung papaano nagagawa ng mga balakyot na tao na maging lubhang nabubulagan anupat hindi nila makita ang napakalinaw na nagbabadyang mga sinyales na ang kanilang pagsasaya ay malapit nang matapos at mapalitan ng pagdurusa na idudulot ng nag-aapoy na galit ni Jehova. Tiyak na isa itong kalagayan na hindi gugustuhing kalagyan ng sinumang taong may katinuan sa espirituwal.


Pagpapanatili ng Pinakamainam na Kalusugan sa Espirituwal sa Lahat ng Panahon

Ang ating panghahawakan sa ating katapatan sa Diyos ay mahirap ngayon higit kailanman. Ang mga pag-uusig at pagsubok ay dumarating sa mga tunay na lingkod ng Diyos mula sa lahat ng direksyon. Katulad ito ng pagkakabaril gamit ang isang machine gun, kung saan minsan ay wala ka nang oras na magpahinga pa bago ka muling tamaan ng mga bala. Kaya naman ang malahiningang uri ng kaugnayan ng isa kay Jehova ay hindi kailanman magiging sapat upang makatulong sa isa na mapanatili ang kaniyang katapatan sa ganitong uri ng daigdig, sa ganitong uri ng panahon. Sa kabila ng pagpapamalas ng mahabang pagtitiis, pasensiya, at pagbabata ng mga pag-uusig at ng katampalasan ng mismong mga lalaking nagaangking mga pastol ng Diyos, kailangan rin nating mapanatili ang ating katapatan at ang ating mabuting kaugnayan sa Diyos sa isang marumi at salat sa moralidad na daigdig na ito.

Upang mapanatili ang ating mabuting kaugnayan sa Diyos, kailangan na isa tayong multi-tasker yamang ang trabaho natin rito ay hindi lang basta maghintay nang may pagtitiis at batahin ang lahat ng mga paghihirap. Maaring ikaw na ang pinaka-matiisin at mapagbatang lingkod ng Diyos sa mundo subalit isang araw, sa isang kisap mata, maaari kang mahulog sa silo ng kasalanan katulad ng imoralidad o materyalismo halimbawa na, at maaaring maiwala mo ang lahat. Hindi ka maaaring magpahinga o sabihin mo sa Diyos na ikaw ay pagod na at baka naman puwedeng magpabaya na tayo sa ating pagiging mapagbantay ng kahit na isang sandali lamang at magrelaks. Hindi natin maaaring sabihin sa Diyos na bigyan tayo ng diskwento mula sa mga pagsubok at suliranin katulad ng may kamalian kong ginawa noon yamang naniniwala tayo na dumanans na tayo ng higit pa sa pagdurusa na dapat nating danasin. Bilang isang Kristiyanong mananamba ng tunay na Diyos- alam natin na dapat ay handa tayo sa pakikipagdigma sa lahat ng oras. Hindi natin alam kung kailan darating ang mga problema, pag-uusig at mga tukso at ang pagkakaalam natin sa bagay na ito ay dapat na magtulak sa atin upang gawin ang ating buong makakaya araw-araw nang sa gayon ay hindi natin mabigo ang Diyos. Ang Diyablo at ang mga demonyo ay napaka sigasig at lubhang pursigido sa kanilang layunin ng paghatak sa pinakamarami sa atin na maaari nilang hatakin patungo sa paghatol, na ipagpapalagay kong ang tanging nakakapagpalubag sa kanilang mga loob.

Ang buhay ng isang Kristiyano ay napakalupit, hindi natin maikakaila iyon at ang tanging paraan lamang na maaari tayong makatawid sa kabilang panig ay sa pamamagitan ng pagdaan natin sa lahat ng kasamaan at pinakamasasaklap na mga karanasan.

Naalala ko pa ang isang napakagandang pahayag na ibinigay ng isang kapatid sa aking kongregasyong pinagmulan, mga 10 taon na ang nakakalipas. Ang tema ng pahayag ay tungkol sa tinatawag na “sweet persecution” o matamis na pag-uusig. Ikinuwento ng speaker ang tungkol sa isang unggoy na matapang at matiyagang kumapit sa puno habang ang malalakas na hangin ay humahampas at patuloy na yumanig sa puno patungo sa kaliwa at patungo sa kanan. Kahanga-hanga siyang nakakapit nang nakapakatagal sa kabila ng pagdaluhong ng malakas bagyo. Subalit nang lumipas ang masamang panahon, ang malamig na hangin ay humihip, ang unggoy ay nakatulog, siya ay nakabitaw sa puno, nahulog at namatay. Ano ang aral ng kuwento- maaaring napakahusay natin sa pagbabata ng mga pag-uusig at pagsasakripisyo para sa Diyos subalit kung hindi natin magagawang manatiling mapagbantay at alerto sa lahat ng panahon, maaari nating maiwala ang lahat dahil sa kasalanan. At ang lahat ng ating mga pagsisikap para sa Diyos ay maglalahong parang bula, ganoon lamang kabilis.

Maaaring tawanan lamang ng iba ang mga sanaysay na tulad nito, na nagpapaalala sa atin tungkol sa mga pangunahing simulain ng Bibliya subalit ang talagang nakakatawa dito ay kung paanong ang mga waring mga banal pa ang siyang sumasablay nang malubha sa pagsunod sa mga pinakasimpleng kautusan ng Diyos. Ang gayong uri ng kaisipan, ang pagkakaroon ng labis na tiwala sa sarili at pagiging kampante ng isa ang siyang nagpapawawalang bisa sa maraming taon ng tapat na paglilingkuran ng isa sa Diyos, yaong kaisipan na masyado na tayong maygulang sa espirituwal at napakahusay pa nga sa malalalim na kaalaman sa Bibliya na pumapalya na tayong maging mapagbantay sa ating pag-iisip at pag-kilos hanggang sa umabot na ito sa kasukdulan.

Ang kasalukuyang klima sa mundong ito ngayon na nilikha ng mga mapamukaw sa sekso at erotikong tema ng mga sikat na mga pelikula, mga bastos at mahahalay na mga awitin, mga imoral na tema ng mga aklat at ang pagbaba ng moralidad ng sangkatauhan sa kabuuan dahil na rin sa impluwensiya ng Diyablo at mga kasabwat nito, kasama na rin ang ating likas na tendensiyang magkamali na malalim nang nakaukit sa bawat isa sa atin, makadiyos man o hindi ay isang sakdal na recipe ng kapahamakan na umaakay tungo sa kahatulan. At upang makapanaig mula sa lahat ng ito, ang isa sa pinakamahalagang dapat nating gawin ay sundin ang utos ng Bibliya na: “Patuloy na subukin kung kayo ay nasa pananampalataya, patuloy na patunayan kung ano nga kayo.” – 2 Corinto 13:5

Sa isang nakalalasong mundo tulad nito, kung saan halos lahat ng ating naririnig, nakikita o nababasa ay umuudyok sa atin upang gawin kung ano ang mali, napakahalaga nga para sa atin na umasa kay Jehova at buong pusong aminin sa kaniya at sa ating mga sarili araw-araw na hindi natin magagawang makapanatiling tapat sa kaniya kung wala ang tulong niya. Gaya ng Salmista sa Bibliya, dapat na regular tayong makiusap sa Diyos para sa kaniyang tulong upang dalisayin ang ating mga puso at isip at alisin sa atin ang anumang maling mga kaisipan na maaaring magdulot ng ating pagbagsak  sa di kalaunan. –Awit 26:2

Ang hamon para sa akin, sa aming pamilya at para sa lahat ng mga Saksi sa mundo ngayon, lalung lalu na para roon sa mga itinulak palabas ng mga kongregasyon o para roon sa mga hindi na nakadadalo ng regular sa mga pagpupulong, ay hindi lamang basta mapanatili ang kanilang pananampalataya sa Diyos sa kabila ng lahat ng kasinungalingan at kawalang katarungan ng liderato ng Organisasyon at ng mga nangungunang mga lalaki nito, kundi na sundin rin ang utos ng Bibliya at gawin ang ating pinakamainam “upang sa wakas ay masumpungan niya kayong walang batik at walang dungis” habang may pananabik nating inaasam ang pagdating ng dakilang araw ni Jehova. Bilang mga indibidwal na nagpapahayag ng pangalan ni Jehova, hindi natin dapat na ipagwalang bahala ang pananagutan na kaakibat ng pagkakaalam natin ng kaniyang pangalan, ang pribilehiyo natin na ipahayag ang kaniyang kalooban at ang katotohanan na anuman ang ating gawin ay tiyak na magkakaroon ng epekto sa Kaniyang banal na pangalan na tiyak na pagsusulitan natin.


“Siyang Nag-iisip na Nakatayo Siya ay Mag-ingat Upang Hindi Siya Mabuwal.”

Ang dami ko nang nalampasang mga pagsubok, ang dami kong kamangha-manghang bagay na nagawa para kay Jehova, ang dami kong isinakripisyong mga oportunidad sa sanlibutang ito para sa kaniya sa kabila ng pang-aabuso sa akin ng mga elder at pagpapatapon sa amin sa labas ng kongregasyon. Ang galing galing ko; kakamayan ko ang aking sarili. Tapos na ang trabaho ko rito at ako at ang aking buong pamilya ay mayroon nang mga ticket para sa kaligtasan hindi ba?? HINDI. Napakalayo niyaon sa katotohanan. Ang ating pakikipaglaban upang manatiling matapat kay Jehova ay hindi matatapos hanggang sa malampasan natin ang pagsubok sa dulo ng 1000 taong paghahari ni Kristo at malamang maging pagkatapos niyaon. Ang ating mabuting kaugnayan sa Diyos ay isang bagay na dapat nating pagsikapan nang patuluyan, araw-araw. Hindi tayo makakakuha ng bakasyon mula sa bagay na ito. Kaya nga ngayong araw ay babasahin natin ang Bibliya, mananalangin nang matiyaga at maraming ulit ngayon, mangangaral tayo tungkol kay Jehova at paglilingkuran siya ngayon, gagawin natin ang ating buong makakaya upang labanan ang mga tukso ngayon at bukas ang rilo ay muling uurong at panibagong araw nanaman iyon ng pakikipagpunyagi na kailangan nating mapagtagumpayan nang paulit-ulit. Tunay ngang walang pahinga para sa mga matuwid. Walang ligtas na panahon na maaari tayong maging ligtas sa kabila ng pagiging pabaya, hindi ngayon at malamang hindi rin sa malayong hinaharap. Wala nang iba pang mas mainam na panahon upang patibayin ang ating pananampalataya at palakasin ang ating mga kahinaan kung hindi ngayon, ngayong araw na ito at bawat araw pagkatapos nito. Ang pintuan patungo sa Gehena ay laging nakabukas at ang kaalaman na dapat na magpanatili sa ating gising at alisto ay ang katotohanan na hindi naman laging yaong mga nagsimulang balakyot ang siyang napapatapon rito kundi may mga pagkakataon kung saan ang minsang matuwid subalit hindi maingat na indibidwal ay maaari ring humantong roon. 

Ang paggawa ng kasalanan ay maaaring nakakahumaling at maaaring maikumpara sa pagkain ng isang sikat na tsitsirya na may katagang “once you pop, you can’t stop” o sa madaling salita, kapag natikman mo na ito ay mahihirapan ka nang tigilan ito. At iyon ang paraan kung papaanong ang isang matuwid subalit pabayang tao ay maaaring mahulog sa silo ng kasalanan at hindi na makapanumbalik pa upang maligtas.

Naobserbahan namin na yaong mga madalas na nahuhulog sa silo ng mabigat na kasalanan ay hindi naman laging yaong mga baguhan na walang regular na programa ng personal na pag-aaral sa Bibliya o yaong mga hindi gaanong masisigasig sa paglilingkuran, kundi minsan sila yaong mga beterano, yaong mga matatagal na sa katotohanan at yaon pa ngang mga nabigyan ng pananagutan sa kongregasyon o maging sa labas nito, gaya ng inaangkin ng ilan. Bakit? Sapagkat miyentras na marami tayong ginagawa para kay Jehova, habang tumatagal tayo sa paglilingkuran sa Diyos at nagsasakripisyo para sa kaniya at yaong mga nangunguna sa bayan ng Diyos ang siyang pinakapaboritong puntiryahin ng kaaway. Sila yaong mga nagsikap nang lubusan, tinukso nang maraming ulit at nanaig, subalit minsang hindi naging maingat at nasalisihan ng kalaban. Habang lumilipas ang panahon, yaong mga naglingkod sa Diyos ng matagal nang panahon at nakapagpanatili ng kanilang katapatan ay maaring maiwala na ang kanilang pagiging alisto sa pagiging mapagbantay laban sa mga panganib sa kanilang espirituwal na kalusugan, na lubusang nagtitiwala sa kanilan sariling mga puso, na nag-iisip na sila ay masyado nang malalim na nakatanim sa espirituwal para mahulog sa kasalanan. At hindi nga ba mas masakit at mas nakaiinsulto kung ang isa na nanatiling tapat sa Diyos sa loob ng mahabang panahon at nangunguna pa man din sa kaniyang bayan ang siya pang maaagawan ng buhay na walang hanggan? Tiyak na iyan ang magpapaligaya sa kaaway. Kaya para roon sa mga nangunguna o sa mga nag-iisip na sila ay beterano na sa paglilingkuran sa Diyos ay dapat na mag-ingat ng doble, kung sila ay hindi pa nahuhulog. Para naman roon sa mga nakagawa ng kasalanan at dinisiplina, yakapin ninyo ang disiplina sapagkat iyon ang paraan ng Diyos ng pagpapakita ng kaniyang pag-ibig at iyon din ang tanging paraan na maaari ninyong muling makamtan ang kaniyang pag-sangayon at mailagay ang inyong mga pangalan sa aklat ng buhay. Para naman sa mga napapaisip kung bakit mayroong mga tao na tila ba hindi naparurusahan o waring laging nakaliligtas mula sa disiplina, kahatulan na ang naghihintay sa kanila kung kaya wala nang iba pang dahilan kung bakit sila dapat pagkaabalahan pang ituwid ni Jehova, yamang hindi naman na sila maililigtas pa, sa madaling salita wala na silang pag-asa.

Konklusyon

Imposible para sa akin na isulat ang sanaysay na ito nang hindi inaatake ng nerbyos o panic attack. Ang temang ito ay isang bagay na ayoko sanang talakayin subalit kailangan kong gawin.

Ang pagkahulog sa bitag ng malubhang kasalanan ay lubhang nakakatakot dahil katulad na katulad ito ng isang awitin na may linyang, “It can happen to anyone of us” o sa wikang Filipino kung isasalin ng tuwiran ay nangangahulugan ng: “maaari itong mangyari sa kahit na kanino sa atin.” Maaring ngayon ikaw ang mahulog, bukas maaaring ako naman. Kung hindi tayo mag-iingat at kung hindi natin mapapalakas ang ating mga kahinaan bago dumating ang mga tukso, napakaliit ng tyansa nating makaligtas.

Isinulat ko ang sanaysay na ito lalu na para roon sa mga hindi na aktibo sa pagdalo sa mga pagpupulong o para roon sa mga natisod at nawalan na ng tiwala sa Organisasyon subalit nagsisikap pa ring manatiling tapat kay Jehova, yamang ang mga katulad natin ang siyang mas malaki ang tyansang mahulog sa mga espesyal na inihandang patibong ng kaaway.

Ang paggawa ng kasalanan ay maikukumpara nga sa paggamit ng credit card: “Enjoy ngayon, bayad mamaya.” Marahil ay nagtataka rin ang ang ilan inyo kung bakit para sa iba tulad ko ay napakabilis dumating ng bill para sa aking mga pagkakamali gaano man ito kaliit. Para bagang expedited ang shipping. Dala dala ito ng jet plane at maikukumpara sa serbisyo ng FedEx Express yamang dumadating ito kaagad-agad habang para sa karamihan, ang bill para sa kanilang mga kasalanan ay parang ipinadadala gamit ang pinakamurang postal na koreo lamang at pagkatapos ay bumabiyahe ito sakay ng isang maliit na bangka na tumatawid pa mula sa kabilang panig ng daigdig at kapag sa wakas ay dumating na ito sa bansang patutunguhan, ito naman ay nadedelay ng mabusising inspeksiyon ng mga tauhan ng customs at pagkatapos nitong dumating sa lungsod na patutunguhan ay malalaman mong baliwala rin pala ang sulat sapagkat mali ang nailagay na pangalan ng tatanggap nito o sa madaling salita ay hindi ito dumarating. Sa loob ng mahabang panahon, halos ganoon ang naging kalakaran. Ang mga balakyot ay panatag sa habang panahon, laging madali ang buhay ayon nga kay Asap. Subalit para roon sa mga naririto at nabubuhay sa panahong dumating ang panginoong Jesus, iba ang magiging istorya nila yamang ang bill ng lahat ng mga tao sa kanilang mga paggawi ay darating nang sabay sabay. Sa pagkakataong ito, ang balakyot ay hindi na makaliligtas pa mula sa kaparusahan.

Karamihan sa aking mga isinusulat ay hango sa amin mismong mga personal na mga karanasan at ang sanaysay na ito ay hindi naiiba. Kinailangan kong matutunan sa masakit na paraan kung paanong ang hindi pagiging maingat at mapagbantay sa ating mga sarili sa espirituwal ay maari nating pagbayaran nang matindi. Hindi ko pa nga makikita ang pagiging seryoso ng kalagayang kinalagyan ko kung hindi pa ako itinuwid at dinisiplina ng Diyos upang ipaunawa sa akin na aking pagiging pabaya ay umakay sa akin sa isang napakamapanganib sa sitwasyon, na nagpapasalamat akong iniligtas niya ako mula roon. Malamang nga na nakapagtatag ako ng isang kapuri-puring rekord ng katapatan pagdating sa pagbabata ng mga pag-uusig at mga  kawalang katarungan na ipinaranas sa amin subalit ako naman ay pumalya sa pagiging mapagtiwala sa tao na muntik ko nang naiwala ang aking pagkakataong mamuhay sa paraisong lupa kasama ng aking pamilya. Napaka walang karanasan ko upang paniwalaan ang sinasabi nga mga tao kung sino talaga sila. Napakahangal ko para magpamalas ng ganoon katinding kabaitan sa isang taong maliwanag namang nais lamang akong pagsamantalahan. Dapat ay agad na akong umalis at nagpakalayu-layo noong una ko pa lamang mapansin ang sinyales ng panganib subalit sadyang ayoko lamang paniwalaan na magagawa iyon ng isang taong wari bang napaka banal at napaka maka-diyos. At dahil sa aking kapabayaan ay naparusahan ako at patuloy kong pinagbabayaran ang aking kamalian. Mas mabuti na lang din ang ganito, na ibaba ako ni Jehova kaysa naman sa maiwala ko ang lahat at mapatapon ako sa Gehena. Lagi itong ipinaaalala sa akin ng aking asawa. Masakit man ang disiplina ni Jehova, ito naman ay pagpapakita ng pag-ibig sa kaniyang bahagi, na tutulong sa atin upang makabalik tayo sa tama at matuwid na landasin bago pa man tayo higit na maanod palayo.

“Maglagay ka ng bantay, O Jehova, para sa aking bibig; Bantayan mo ang pinto ng aking mga labi. Huwag mong ikiling ang aking puso sa anumang bagay na masama, Upang magsagawa ng kahiya-hiyang mga gawa sa kabalakyutan Kasama ng mga taong nagsasagawa ng bagay na nakasasakit, Upang hindi ko kainin ang kanilang masasarap na pagkain. Saktan man ako ng matuwid, magiging maibiging-kabaitan pa nga iyon; At sawayin man niya ako, magiging langis pa nga iyon sa aking ulo, Na hindi tatanggihan ng aking ulo.” –Awit 141: 3-5

Sadyang napakaraming iba pang kaakibat ng buhay ng isang Kristiyano kaysa sa inakala ko. Ito ay isang buong panahong trabaho na walang anumang mga bakasyon o sick leave. Walang kahit isa man lamang sandali na maaari tayong huminto sa pagiging mapagbantay. Ang kaaway at ang kaniyang mga kasabwat ay laging nagmamatiyag, naghihintay at naghahanap ng anumang pagkakataon na maaari nilang samantalahin upang subukin, tuksuhin at hilahin tayong pababang kasama nila. At kahit na gaano pa kalaki ang naipon na natin sa langit, sa isang iglap, sa isang kisap mata, maaari nating maiwala ang lahat.

Maliwanag,

 walang pahinga para sa mga matuwid.




27 comments:

  1. Daming ganyan sa Bethel kaya Ate mga galing probinsya na mga lalakeng may kahinaan kwento nga samin minsan mga elder pa nangunguna. Mga manyak din sila tama talaga sodoma at gomora. Nakakahiya sila mga taong banal kuno.

    ReplyDelete
  2. Daming pinahiran daw kahit sa mga internet websites talamak silang lahat. Pwedeng lahat yan may baho din naman na lihim. Tama ka naman dapat magiingat tayo sa moralidad lalo ngayon madaming internet sexual predators. Thank you sa reminder pang family din sya. From Pampanga to

    ReplyDelete
  3. para sa mga natisod sa lider ng organisasyon, sa mga itinakwil sa labas sa mga hindi na aktibo sa pagdalo, o nakaranas ng walang katarungang pagtitiwalag ay malaking hamon talaga ang mapanatili ang katapatan sa Diyos na Jehova. Ang konklusyon ng maraming saksi ay “mamumuhay na yan ng tulad ng sanlibutan na may mababang moral, walang ng katapatan.” Kung sabagay marami na nga akong nakita na ganyan ang nangyari. Naalala ko nga ang sabi ng isang elder na kung ikaw ay matitiwalag din lang ay sulitin mo na. ibig sabihin niya ay yung nasiyahan ka sa ginawa mo. samantalahin mo na ang pagkakatiwalag mo o habang wala ka sa organisasyon. tutal pwede mo nang gawin kahit ano.
    Pero di ba parang ang kalagayan natin ay tulad ng kay Job. Minaliit ng kaaway ang katapatan ni Job na sa ilalim daw ng pagsubok na napakatindi na tila ba hindi na siya makakapahinga ay itatakwil na nya si Jehova. Sa katulad na paraan ay parang sinasabi ni satanas sa Diyos na Jehova na kapag tayo ay wala na sa organisasyon sa anumang kadahilanan ay mawawala na ang ating pagiging matapat sa Diyos na Jehova at magiging makasanlibutan na ang pamumuhay. Pero sa totoo lang, sa kabila ng aming kalagayan na natiwalag ng walang katarungan hindi namin hinangad na mamuhay na taliwas sa sinasabi ng Bibliya. lagi naming isinasamo sa Diyos na Jehova na ingatan kami at malampasan ang mga pagsubok. nais naming patunayan na mali ang bintang ni satanas na imposbleng maging tapat ang isa na natisod sa lider ng organisasyon.
    Hindi namin nais bumukod pero sila ang nagpangyari nito sa amin. mas gusto pa nilang paniwalaan ang sinungaling na tagapanguna kaysa sa salita ng isang pangkaraniwang lingkod ni Jehova.
    Wala bang pahinga para sa mga matuwid? Dahil siguro simisikap nating wag langhapin ang kanilang hangin. Sa sanlibutang ito ay may awtoridad na namamahala sa hangin, na nagpapakilos na ang mga tao ay maging masuwayin (efeso2:2) Nakakalungkot na aminin na ang hanging ito ay nalalanghap na rin sa organisasyon. Pero hindi natin ito dapat langhapin o magpakilos sa atin anuman ang gawin sa atin. Kaya isuot natin ang kumpletong kagayakang pandigma mula sa Diyos upang maging matatag tayo (efeso 6:13).

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yung nga lang po Kuya yung nasa organization natin kahit papano nakikita natin ng literal Yung mga nasa online websites na mga leader hindi man lang natin alam kung sila nga ba ay matino pag wala sa mga websites nila. Malay natin kung mga sex offenders or mga pedopilya pala. Kaya​ Kaya mas dapat vigilant tayo sa online spritual leaders.

      Delete
    2. Korek ka diyan. Bilang halimbawa, ay oo nga at kay raming mga isyu laban sa mga lokal na mga elder at sa mga miyembro ng lupong tagapamahala subalit at least sila Kung sakaling gumawa ng kabuktutan o maging lubusang tiwali, at least may Ibang mga elder o miyembro ng lupon na magtutuwid sa kanila. Kaya nga may mga natitiwalag pa rin kahit mga may matataas na katungkulan sa Organisasyon, hindi ba? Pero papaano Kung ang isang nangunguna ay Hindi na nga natin kilala o nakikita man lang ng personal, lalu kung tiwalag pa nga ang isang ito, kapag siya ay naging tiwali sinong magtutuwid? Kung Siya ba ay gumawa ng malulubhang kasalanan kanino mo siya isusumbong? Kung siya ay matagal nang tiwalag ano pa bang katatakutan niya? Iyon and punto ko noon pa. Oo nga at maraming mga kurap sa loob ng Organisasyon pero higit na mas may laban ka naman doon Kung sakaling may gawin sila sa iyo kaysa sa mga kung sino sino lamang sa internet na hindi mo na Alam Kung anong ginagawa sa personal nilang mga buhay. Maraming mahusay sa pagiging con-artist wika nga. Kung sa totoong buhay nagagawa iyon ng iba di lalung madali kung sa internet lang. Parang mga artista Lang na iba I a ang legend wika nga.

      Delete
    3. para kay rowel jimenez

      pareho lng ang kasalanang ng natisod at nagpatisod...kung natiwalag ka pwed ka namng bumalik.
      "Hindi namin nais bumukod pero sila ang nagpangyari nito sa amin"
      in a way tama nmn pero...
      .hindi nyo ninais na bumukod pero choice nyo na manatiling nakabukod...di ba po? sa dyos dun lng ang fair justice.. yung blogger nga dumadalo ng asembly pero sabi nya tinaboy din xa ng organisasyon pero dumadalo nakakaalala ng basic na ng tunay na lingkod kelngan makipagitipon sa kapwa lingkod sa kabila ng mga problema..tawag dun maturity..huwag mong ilayo ang sarili mo sa dyos dahil hindi nmn dyos ang nagkasala sayo kundi kapwa mo tao...parehas kayo mananagot sa dios...wag nating asahan na yung mga nangunguna ay laging makakapagdesisyon ng tama.wag kang magpatisod sa mga pagkakamali ng iba kc pag ganun ikaw ang lugi..yung kinatisuran mo nagsisi na ikaw hindi pa puno parin ng tampo at hinanakit ang isip at puso mo..move on ika nga.sa karanasan ko itinaboy din ako dinisiplina na sa tingin ko ay injustice pero hindi ko inisip na stop na ako umatend ng pulong stop na ako mag share ng beliefs ko sa iba..nagpakumbaba lng ako inisip ko lng hindi ako sa tao naglilingkod kundi sa dyos...

      kung hindi mo choice na bumukod sigurado may choice ka na manatiling hindi nakabukod...

      Delete
  4. Yung samin kasi dating Elder Bethelite nang molestiya sa pinsan ko yun pala may record na kaya bumalik sa province taga Bacolod siya. Lalo na pag di mo kakilala pa dahil sa internet maraming nagpapanngap. Kaya tama yang artikulo na yan. Napapanahon.

    ReplyDelete
  5. Di bat sinabi ng Panginoong Jesus sa mateo 11:28,29 na "Pumarito kayo sa akin, lahat kayo na nagpapagal at nabibigatan, at pagiginhawahin ko kayo."
    Ang pagsunod natin sa halimbawa ng Panginoong Jesus ay makakatulong upang mapaginhawa at makapagpahinga sa mga nagpapabigat sa atin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama naman po ang punto niyo kuya Rowel may kanta pa nga diyan eh diba yun bang "Cast your burdens upon me, those who are heavenly laden..." wika nga ni Basil Valdez kaya lang po ang punto ko rito ay yaong mga pagsubok sa ating pananampalataya, minsan may panahong bubuhos talaga at halos wala ka nang pahinga. Hindi pa naman nasusulosyunan ang isang problema ay may bago nanaman. Isa pa yung ating pagiging alisto at mapagbantay sa espirituwal, yaong pagsisikap na mapanatili ang ating katapatan sa Diyos sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga gawaing hinahatulan ng Bibliya, makakapagpahinga ba tayo may kinalaman sa mga bagay na iyon? Siyempre hindi. Gawa nga nang hindi ako naging maingat noong minsan dahil katuwiran ko noon eh pawang mga makaka-Diyos na tao lang naman ang mga kasalamuha ko ay muntik muntikan na akong malinlang at maisahan ng Diyablo. Alam niyo na ang istorya. Napakasaklap ng nangyari. Kaya ngayon sinisikap naming maging alisto kami palagi sa lahat ng bagay, sa pakikitungo sa lahat ng tao, sa lahat ng pagkakataon. Sa bagay na iyon, sa pagiging maingat ay wala tayong pahinga.

      Delete
  6. Faith builder siya kapatid Salamat. For family din ang artikulo na ito. Salamat angkop siya sa time natin- Californians

    ReplyDelete
  7. lahat ng relihion may mali at pagkakamali yamang tao parin ang nagngunguna at tao parin ang mga myembro...at hindi exempted dun ang jw...hindi komo saksi ka na hindi ka na makakagawa ng mali or kasalanan.. ang punto dun pag may nakitang kang ganun sa isang organisasyon matitisod kb...maturidad ang kelangan. kung si jesus na ang nagkamali or gumawa sau ng masama eh matisod ka na .. kung kapwa mo tao wag tao parin yan hindi sakdal khit nagsisikap na mging matuwid nagkakasala parin yan malubha man o hindi..yung israel nga noon paulit ulit na nagkasala. si moises pinili pa ni yaweh nagkamali parin..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat po sa komento ninyo. Ang pagkakarooon po ng hindi kanais-nais na mga kaganapan sa loob ng Organisasyon ng mga Saksi ni Jehova dahil sa hindi kasakdalan at pagpapahintulot po ng Diyos na magkasamang manatili sa kaniyang bayan ang kapwa tapat at balakyot na alipin ang siya pong layunining bigyang diin ng blog na ito mula pa noong una itong itinatag. Kung inyo pong mababasasa sa itaas ng blog na ito malinaw pong nakasulat ang katagang: "An English-Tagalog blog dedicated to encouraging stumbled and doubting Witnesses to continue serving Jehovah despite hardships they have to face and errors of the Watchtower Society..." Samakatuwid ang layunin po namin sa kabila ng lahat ng masasamang bagay na ginawa sa amin ng liderato at mga miyembro ng mga Saksi ni Jehovay ay MAGPATIBAY pa nga sa ibang mga katulad namin na dumanas rin ng pang-aapi at kawalang katarungan at HINDI po MAKATISOD. Kung tungkol naman po sa mga hari ng Israel at mga manunulat ng Bibliya na pinili mismo ng Diyos subalit nagkasala ng mabibigat, dinscuss ko na pa ang bagay na iyan sa maikli sa aking komento sa Ingles na salin ng artikulong ito.

      Delete
    2. "Kung may nakita kang pagkakamali, matitisod kb?" Hindi, hindi nyo po kasi naiintindihan.
      Ito po ang siguro ang tamang tanong, kung may nakita pagkakamali ang isa sa mga nangunguna magbubulag bulagan ba sya? Kung may nakitang pagkakamali salig sa ebidensya, kasalanan bang isiwalat ito? Kung may nakita kang pagkakamali at isiniwalat ito, ititiwalag mo ba sila? Kung pangyayari ay higit pa sa pagkakamali kundi maliwanag na panlilinlang sa mga kawan at maraming napapahamak itinuturo ba ng Bibliya na sumunod ka pa rin? Nagkasala ba ang mga propeta ng isiwalat nila ang pagkakamali ng mga hari at sasredote sa bayan ng Diyos? Mali bang hanapin ang katwiran? (Zefanias 2:2,3)
      Huling punto ko kung nabubihay ang Panginoong Jesus sasabihin ba nya na hindi maygulang ang mga natitisod? O sasabihin nya silay mapagmataas tulad ng kaisipan ngga panatikong saksi? Di bat sinabi nya na ang mga nakatisod sa tupa ay dapat tumalon na lang sa dagat na may gilingang bato sa leeg. Sa puntong ito kinampihan ba ng ating Panginoong Jesus mga nakatisod o ang simpatya nya ay sa mga natisod? Ang laki ng obligasyon ng mga nangunguna sa bayan ng Diyos.Hindi sila ang aalagaan ng kawan, kundi sila ang mag-aalaga sa kawan natisod man ito o hindi kung gusto nilang tukaran ang Mabuting Pastol

      Delete
    3. "Ang laki ng obligasyon ng mga nangunguna sa bayan ng Diyos.Hindi sila ang aalagaan ng kawan, kundi sila ang mag-aalaga sa kawan natisod man ito o hindi kung gusto nilang tukaran ang Mabuting Pastol..."

      TANONG GUSTO BANG MAGPAALAGA NG TUPA NA NATISOD SA IBA SA PASTOL? SA LITERAL NA PAGKATISOD HINDI KNB BABANGON? MANANATILI KANA BANG TISOD HABANG BUHAY? KUGN MATISOD KA CGURO SA LITERAL PALAGAY KO BABANGON KA KAAGAD BKIT? KC NAKAKAHIYA.. NAKKAHIYANG MAKITA NG MGA TAO NA IKAY NATISOD.YAN AY SA LITERAL NA PAGKATISOD.ISA PA LAHAT NG ORGANISASYON SA LUPA NA ANG BUMUBUO AY TAONG MORTAL TIYAK NA MAY MALI AT MAY MGA PAGKAKAMALI... KUNG GUSTO MO NG SAKDAL NA ORGANISASYON SA LANGIT MERON DUN CGURADO MASUSUMPUNGAN MO YUN. YAMANG NASA LUPA KA MALABO YUN.. LATER ON AFTER ARMAGEDON SURE YAN DITO SA LUPA...ALAM NA ALAM MO YAN DAHIL NAG MTS KA DIBA? ANYWAY HINDI KO PO SINASABI NA BUMALIK KA HA SA RELIHION MO DATI...YAMANG IYAN AY SARILI MONG PAGPAPASYA...LAHAT TAYO AY MAY SARILING PAGPAPASYA YAMNG PAGDATING SA RELIHION ANG PINAGUUSAPAN DUN KALULUWA.pAKISUYO HUWAG MONG HAYAANG KAPWA MO TAO ANG SUMIRA NG KAUGNAYAN MO SA DIYOS...KUNG MASAYA KA SA GANYANG KALAGAYAN NA NAKABUKOD NASA SAYO PO IYAN...TOTAL LAHAT TAYO AY TATAYO SA PAGHATOL NG DYOS...

      PASTE KO ULIT UNG COMMENT KO SA TAAS PARA SA IYO PO.
      "Hindi namin nais bumukod pero sila ang nagpangyari nito sa amin"
      in a way tama nmn pero...
      .hindi nyo ninais na bumukod pero choice nyo na manatiling nakabukod...di ba po? sa dyos dun lng ang fair justice.. yung blogger nga dumadalo ng asembly pero sabi nya tinaboy din xa ng organisasyon pero dumadalo nakakaalala ng basic na ng tunay na lingkod kelngan makipagitipon sa kapwa lingkod sa kabila ng mga problema..tawag dun maturity..huwag mong ilayo ang sarili mo sa dyos dahil hindi nmn dyos ang nagkasala sayo kundi kapwa mo tao...parehas kayo mananagot sa dios...wag nating asahan na yung mga nangunguna ay laging makakapagdesisyon ng tama.wag kang magpatisod sa mga pagkakamali ng iba kc pag ganun ikaw ang lugi..yung kinatisuran mo nagsisi na ikaw hindi pa puno parin ng tampo at hinanakit ang isip at puso mo..move on ika nga.sa karanasan ko itinaboy din ako dinisiplina na sa tingin ko ay injustice pero hindi ko inisip na stop na ako umatend ng pulong stop na ako mag share ng beliefs ko sa iba..nagpakumbaba lng ako inisip ko lng hindi ako sa tao naglilingkod kundi sa dyos...

      kung hindi mo choice na bumukod sigurado may choice ka na manatiling hindi nakabukod..."

      Delete
    4. para sayo po mr. rowell jimenez at para sa mga maaring natisod, natitisod, nag aalinlangan at mga mag aalinlangan sa mga bagay bagay...
      watch and think
      https://youtu.be/VbPxvvbqnDY

      Delete
    5. Hindi ako naghahanap ng sakdal na grupo. Pero ang sabi ng kasulatan hanapin aNg katwiran zepanias 2:2,3 at ito ang hanap ko. Kung kaya ng budhi nyo ang nangyayari nasa inyo na yon. Pano kung hindi kaya ng budhi ng isa. Ang katunayan ng alagad ay pag-ibig, kaya wag sana mating husgahan kung ang iba kung Hindi dumalo ang isa. Kahit di sila kasama ng org marami akong alam na taglay Ng katangiang iyan.ang Diyos ay di tumitingin kung ikaw b aktibo sa pagadalo kundi ano bang uri jang lingkod

      Delete
    6. tama na cnbi ng bibliya na hanapin ang katwiran...tanong makatuwiran ba ang sadyang hindi makipagtipon sa kapwa mga lingkod kahit ito ay kahilinagn sa mga tunay na kristyano na itinatag ni kristo? walang tutol na pag ibig ang pagkakakilanlan sa tunay na mga alagad...tanong hindi ba ang pakikipagtipon ay isang paraan ng pagpapakita ng pag ibig sa mga kapwa lingkod?(sinabi kong isang paraan yamang maraming paraan ng pagpapakita ng pag ibig) kung may laban ka sa kapwa mo lingkod ang mungkahi ng bibliya ayusin hindi yung ibubukod ang sarili... hindi madali pero kelan pagsikapan...si jose,noemi,esther mga halimbawa sa bibliya na napabukod dahil sa mga di kontroladong mga dahilan pero bandang huli muli nilang nakapiling ang bayan ng diyos...naghinanakit ba sila? nagtampo ba sila? nanatili ba sila na nakabukod? hindi ..dahil alam nila ang kahalagahan ng pakikisama sa bayan ng dios...
      pwede mo bang sabihin kay jesus na... panginoong jesus taglay ko nmn ang pagibig gaya ng iniutos mo sa mga alagad mo kaya lng huminto na ako sa pakikipagtipon sa kanila dahil para sa akin hindi na makatuwiran at hindi na kaya ng aking budhi o kaya namn ibinukod nila ako?....anu kayang nagiging sagot ni jesus? well malaman natin yan pag dumating na xa...
      im sure alam na alam mo itong texto na ito yamang ikaw ay nag aral ng mts...
      1 Peter 5:6 “Humble yourselves therefore under the mighty hand of God, that he may exalt you in due time:”

      muli hindi ko po sinasabi na bumalik ka na maging aktibo muli iyan ay personal mong pagpapasya mo...isipin mo lng kung anu ang epekto ng bawat desisyon mo sa mga anak mo. kung mabasa nila ang mga katuwiran mo sa blog na ito masasabi kaya nila na pinalaki mo sila sa disiplina at pangkaisipang patnubay ni jehovah/yahweh?

      Delete
    7. Anonymous who gave the link,
      I don't usually approve comments na may link but I made an exception kasi it's a JW public talk and anything that would help promote Jehovah's sovereignty receives a thumbs up from this blog. Thank you for the link. I watched it and will watch many many more times. It's talks like this that really gets me looking forward to meetings and conventions Kaya lang madalang na rin kasi. It reminded me of so many things that I needed to keep in mind.

      Delete
    8. hindi mo naiintindihan ang sinsabi mo. alamin mo muna ang tunay na kulay ng gov body. ang tanging naging kasalanan namin ay sabihin ang pagpapaimbabaw nila batay sa mga ebidensya. hindi ko sinabi at ipasiya na ayaw ko ng maging lingkod ni Jehova. MAgagawa ko sanang dumalo kahit ipokrito sila. pero yung itiwalag ka dahil nagsabi ka ng katotohanan na mahirap paniwalaan ng mga tulad mo, ay ibang usapan. di ko sinabi na palitan sila kung sila ay nagkasala. pero hindi kasalanan ang ilantad ang malaking kamalian nila. ano ang dahilan at dadalo pa ako.wala akong kaligayahan kung gagawin ito. bawiin ko ang mga sinabi ko at magsinungaling na lang? hindi ko kontolado ang mga bagay kasi kontrolado ng gov body ang isipan ng mga panatiko. pero tulad ng mga tapat na lingkod ni Jehova (Jose, noemi...) makakapiling ko ang tunay na lingkod ni Jehova...kapag napabuti na ang mga bagay. yung may patas na pagdinig.
      At mali namang akusahan ng pagmamataas ang mga tumigil na sa pagdalo o hindi na kasama ng bayan ng Diyos. pagmamataas ba na ayaw mong tanggapin ang maling paniniwala. Di bat kung alam mo ang tama at di mo ginawa kasalanan yun sabi ni santiago. pano masusunod yon kung alam mo na sa simula batay sa kasulatan na mali ang turo at mali ang pamantayan ng GB gaya pag amin nila. susunod ka kahit mali.e bakit pa tayo magbabasa ng bibliya, magbasa na lang tayo ng bantayan.
      at hindi ganyan ang kaisipan ni Jehova. Bakit hindi mo basahin ang Ezekiel 34. dito nagsipangalat ang tupa ni Jehova. sa anong dahilan? ang talatang 1-6 ay nagsasabi ng kasagutan...sino doon ang may kasalanan, sino ang dapat sisihin? ang nga PASTOL ni Jehova. kung huhusgahan mo ang mga tupa ni Jehova sa ngayon dahil hindi na sila nadalo hindi mo taglay ang kaisipan ng Diyos...dahil ang sisi mo ay sa tupa.
      Pero hindi ganyan ang aking Ama sa langit na si Jehova, hindi sya hahatol ng walang katwiran kaya nga sinabi nya na hahanapin ko ang nagsipangalat na tupa.
      Di bat itoy isa sa mesyanikong hula na binbanggit sa bibliya kung ano ang mangyayari sa bayan ng Diyos. Di bat kaya ito rin ang dahilan kung bakit hahatulan ng PAnginoong Jesus ang bayan ng Diyos sa hinaharap pa lamang. Malakias 3:1-4; 1Pedro 4:17 (taliwas sa turo ng wt hindi ito naganap noong 1918-1919).

      Delete
    9. At sa mga anak ko itinuturo at pinalalaki ko sila sa daan ni Jehova, Hindi sa tradisyon/kaayusan/salitsaling sabi ng samahan na napapawalang saysay sa salita ng Diyos. Hindi ko sinasabi na wala akong magiging problema sa amin, alam ko na ang mga problema naming kakaharapin bago mo yon maisip, sa kanilang magiging kasama, libangan, pag-aaral, magiging partner sa buhay at iba pa. Pero pinalaki ko sila na magkaroon ng takot sa Diyos na Jehova at lumakad sa katotohanan at wag sumunod sa paniniwalang salungat sa Bibliya. Ang totoo pag napasama kapula-pula kami, pero kung mapabuti ang anak namin negatibo pa rin ang dating ko sa mga panatiko. dahil ang nakikita nila ay HINDI KAMI NADALO. Pero ang alam ko hindi iiwan ni Jehova ang tapat gaya ng ginawa nya kay Jose at noemi. at si Jehova ay hindi tulad ng mga nangunguna sa bayan ng Diyos ngayon, dahil sabi ni Abraham malayo na si Jehova ay kumilos ng kawalang katarungan.
      Ang payo ko sa mga nakatisod kasama na ang gov body ay sundin ang sabi ng Panginoong Jesus na bago ka humarap sa altar ay iwan mo muna ang iyong hain at makipagpayapaan sa iyong kapatid. at kapag nagawa na ito saka siya maghain. Pero ito ang HINDI NILA MAGAWA. sa palagay mo tatanggapin ba ng Diyos ang paglilingkod nila kung nakasakit, nakatisod dahil ititiwalag nila ang mga natuklas ng kanilang pagpapaimbabaw (pagiging U.N. member ng wt, pagtatalip sa mga salarin sa child molestation, ang kasinungalingan ni Geoffrey jackson sa australian royal commission atbp)?
      Tungkol sa mts na sinasabi mo (parang kilala na kita) isang bagay na tumimo sa isip ko ay ang isang simulain sa biliya na itinuro sa paaralang iyan na siyang nagbukas ng aking isipan para suriin kung dapat ko bang sundin ang lahat ng turo at patakaran ng samahan. Ang sabi ni Pablo na "Huwag ninyong higitan ang mga bagay na nakasulat." Bakit di mo bulayin yan kung kinakapit ng wt.

      Delete
    10. "At sa mga anak ko itinuturo at pinalalaki ko sila sa daan ni Jehova...pinalaki ko sila na magkaroon ng takot sa Diyos na Jehova at lumakad sa katotohanan at wag sumunod sa paniniwalang salungat sa Bibliya. "

      sana nga po yamang bandang huli masasabi mo na nagtagumpay ka sa pagpapalaki kung cla ba tlga ay naging lingkod din ng dyios ng jehovah sa paraang itinuro mo...tanong ko po ulit, ksama po ba sa paglakad sa katotohanan na itinuturo mo sa kanila ang sadyang hindi makipagtipon? pagkatakot po ba sa diyos ang pagpapakita ng halimbawa sa kanila na huwag sundin ang utos na huwag pabayaan ang mga pagtitipon dahil makakasama mo doon yung mga taong nakasakit sayo o naging sanhi ng katitisuran para sa iyo? bakit ninyo po iniisip ang maaring sabihin ng mga taong pinaplagay mo na panatiko?sila ba nag nag utos sa inyo na huwag pabayaana ng pagtitipon? kanino po ba kayo nglilingkod sa mga pinapalagay ninyo na panatiko o sa dyios na sinasamba ninyo?ang huhusga sa atin(sayo, sa akin at sa mga taong pinapalagay mo na panatiko ay walang iba ang diyos)

      sabi mo po
      "kung huhusgahan mo ang mga tupa ni Jehova sa ngayon dahil hindi na sila nadalo hindi mo taglay ang kaisipan ng Diyos...dahil ang sisi mo ay sa tupa.
      "Pero hindi ganyan ang aking Ama sa langit na si Jehova, hindi sya hahatol ng walang katwiran kaya nga sinabi nya na hahanapin ko ang nagsipangalat na tupa."

      walang tutol sa sa talatang iyan ng bibliya at sa ngalan ng malayang pagpapahag akoy sumasang ayon... kung mahanap ka ba ni jehovah yamang sa palagy mo ay ikaw ay tulad ng tupang nangalat handa kbng sumama sknya?tapos nalaman mo na dadalhin ka nya ulit kasama ng mga tupa na may dahilan ng pagkakapangalat mo?sasabihin mo ba sknya na ay ayaw ko na po sumama kc makakasalamuha ko ulit yung mga panatikong tupa na yan na siyang dahilan kung bakit ako napawalay sa kawan?... yamang graduate ka ng mts alam na lam mo cguro ang sinabi ni pablo na walang makapaghihiwalay satin sa pag ibig ng diyos hnd iba? totoo nmn iyan pero kung ang tupa mismo ang hihiwalay sa pag ibig ng diyos walang mgagawa ang diyos kundi hayaan ang tupa sa ngalan ng malayang pagpapasya...

      ang sabi ng blooger sa sagot nya sa isang nagkomento dun sa isang essay nya ay ..." please do not forget that the congregation, the Organization belongs to JEHOVAH GOD alone. Neither you nor anyone has the right to prohibit me from attending meetings or conventions as a baptized Witness with good moral standing, most especially."

      anong masasabi mo... mapapatibay kb ng ngsulat ng blog na ito sa kanyang cnbi?pakisagot_____ salamt

      Delete
    11. maraming salamt sa pagpapalagay na akoy iyong kilala subalit sigurado po ako hindi nyo ako kilala personaly yamang hind nyo ako nakita at nakausap...hindi rin po ako graduate ng paaralang mts..kaya sa abot ng aking hindi sakdal na kaisipan hindi po tayo magkakilala ng personal.

      maraming salamt..pakisuyo visit this link https://youtu.be/VbPxvvbqnDY...
      naisulat ko na ynha sa bandang itaas ng mga komento at salamt sa blogger na nag approve nyan...hindi man po yan para sayo subalit bka sakiling may mapulot kng aral na makakatulong sa pagpapalaking iyong mga anak..pakisuyo at salamt

      Delete
    12. Anonymous,
      Please do not misinterpret me ha kasi although I do support and promote attending meetings I also have said in the past that there are some cases kung saan hindi applicable na ipilit sa tao ang pagdalo. Kung kaya ng individual na magpatuloy sa kabila ng lahat eh di good diba kung hindi naman let us not judge them. It's okay to give suggestions but not be very pushy to the point na parang inenenterrogate na natin ang ibang tao dahil sa mga desisyon nila. Sabi mo nga desisyon niya yun pero lagi ka namang umaalma. Last time nga na dumalo kami ng convention nitong June lang may nagsabi sa akin ng inappropriate words kasama ko pa ang 8 year old daughter ko. Gusto man naming dumalo sa kabila ng lahat pero I don't feel safe na doing it. Kung ganoon naman ang sitwasyon papaano pa kami makikinabang. Ayoko na nga sanang banggitin kasi gusto kong patibayin ang iba na patuloy na dumalo kaya lang I have to b honest too. Ang punto ko lang is magkakaiba tayo ng kalagayan. Hindi natin pwedeng gawing basis ng pagiging matuwid o pagkaligtas ang pagdalo sa mga pagpupulong lalu kung may valid reasons naman ang isa kung bakit hindi niya it nagagawa. I have nothing against you, I just don't want debates to go on and happen here. As much as possible we do not tolerate personal attacks. Ang gulo gulo na ng mundo, let's keep things here as peaceful as possible. And also don't forget that in every rule, there is always an exception. God doesn't always judge by the book, hindi Siya dogmatic pero laging case to case basis. Hayaan na natin si Kuya Rowel. Only Jehovah knows the true story. Let him and him alone be the judge. Thank you.

      Delete
    13. maraming salamat po gng. vinuya sa punto mo, aking pinahahalagahan.hindi ko rin po nais na makipag debate actually kung mapapansin mo sa mga sagot ko at komento karamihan ay nasa anyong patanong upang sa ganun ay masuri ng mga mambabasa ng blog na ito ang aking katwiran na nais iparating..hindi ko rin nais na maging "pushy" kung sa paanu man ganun ang dating sa iyo ipagpaumanhin po ninyo...isa pa po hindi ko rin xa hinuhusgahan yamang cnu ako para humusga sa iba..ipinahayag ko lng po ang aking katwiran sa bgay na iyon sa paraang abot ng aking isip at pagkaunawa tungkol sa pakikipagtipo na kahilingan sa mga kristiyano n aitinatag ni kristo na ipinagkaloob sa atin ng dios batay sa pagbabasa ko sa bibliya.bahala na po ang mga mga mambabasa kung cnu ang nasa katwiran(nasa katuwiran po nag binaggit yamng lahat tayo ay may kanya kanyang katiwiran sa ating sriling pananw at pagkaunawa.ang mambabasa ng huhusga kung cnu ang nasa katwiran).

      muli maraming salamt at paumanhin

      Delete
  8. Ginoong/Ginang Anonymous,
    Wala pong say ang mambabasa rito kung sino ang nasa tama o mali o nasa "katwiran" wika mo nga. Ang Diyos lamang ang nakakaalam ng lahat ng bagay at siya ang huhusga hayaan na natin iyon kay Jehova. Lahat tayo ay may kani-kaniyang opinyon at iba iba ang kalagayan. Ang sayo na tama, pwedeng sa pananaw ng iba ay hindi. Hindi naman ako nagagalit sayo para humingi ka ng paumanhin sa akin. Gusto ko lang sana igalang rin natin (kung hindi man magagawang intindihin) ang kalagayan ng iba lalu nga kasi at ang blog na ito ay para roon sa mga wala na sa loob ng kongregasyon o sa mga nanghihina sa espirituwal dahil pinag-uusig sila o natisod sila o kung anu pa mang dahilan. Hindi naman fair sa kanila na kuwestyunin sila nang paulit-ulit dahil sa naging pagpapasiya nila. Papaano pa po pupunta rito ang mga natisod at naaubuso kung may uusig rin naman pala sa kanila. Wala na ngang mapuntahan ang mga kaaawa-awang mga tupang iyon pati ba naman rito hindi sila welcome? Regardless kung paaano mo vnoice out ang concern mo, kahit pa magalang man yan o patanong man yan etc pero ang ibig mong sabihin ay malinaw naman sa mga comment mo. Ang Diyos ay matuwid humatol, may katarungan pero pangunahin rin niyang katangian ang pagpapamalas ng pag-ibig at habag. There is always an exception to every rule at hindi makitid ang utak ng Diyos para mag-ala kamay na bakal sa mga nagdudusa na ngang mga lingkod niya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat kapatid na kat sa iyong pang-unawa. nais ko lang ipaalam na hindi ang pagpayo na dumaloalo ang laging sagot sa mga natisod o nanghina o nawalan ng gana na sumama sa kapatiran. realidad yan sa karanasan ko sa dami ng mga kapatid na kilala ko malapit sa akin o hindi pero hindi ko hinusgahan, at para sa akin hindi makakatulong ang sabihin sa kanila dumalo ka, dumalo ka. ang dahilan kasi ay hindi na sila napapatibay sa kanilang pagdalo. ang kailangan ng mga ito ay pag-ibig, pang-unawa. hindi ko sila iniwasan. mas gusto ko sila dahil naging totoo sila at di tulad ng iba na palagian sa pulong pero hindi nalilinang ang tulad kristong katangian. may kilala pa nga ako na di-aktibo pero sa ilalim ng pagsubok para sa akin naging tapat pa rin siya sa Diyos na Jehova at hindi nakipagkompromiso, dahil gumana ang kanyang budhing sinanay sa Bibliya. paro ng ang ganong sitwasyon ay naranasan ng mga aktibong kapatid nakipagkompromiso sila. pero ang kaniyang karanasan ay hindi mailalahad sa mga pulong o asembliya, dahil ang dahilan hindi na siya nadalo. meron pa nga na lalong nawalan ng ganang dumalo dahil ang pagdalo ang bukangbibig.
      salamat sa blog na ito dahil malaya kong naipapahayag ang saloobin ko, bagy na di ko magawa nong akoy aktibo pa. alam ko kukuwestyonin agad ako kahit may punto ako, dahil para sa kanila wala ako sa punto tulad ng nadadama ko sa sinabi ni anonymous. maaring patanong ang kanyang linya pero nasa tanong niya ang gusto niyang isagot ko.

      Delete
    2. kung hindi namin nakikita ang pag-ibig sa pagtitipon bakit namin hihimukin ang aming anak. sinusunod ba namin ang utos ng Diyos. buweno ito ang sabi ng PAnginoong Jesus, kung may dalawa o tatlo na nagtitipon sa aking pangalan (hindi sa pangalan ng wt) nasa gitna nila ako. hindi sa dami ng nagtitipon kung papaboran ng panginoong Jesus ang pagtitipon.
      may pagkakataon na ang minorya ang kanyang dinidinig at bibigyan rin niya ng atensyon. alam ko na kukuwestyonin itong punto ko. kasi si Rowel Jimenez lang naman ako. hindi ito nakakakiliti sa tenga na gusto ng iba.
      pero kung ang mga punto ay galing sa wt kahit ito ay mali walang kokontra. kung sa bagay alin ba sa punto ko ang pumuntos. bakit ba ako makakapuntos e hindi nga ako nadalo.
      sinabi ko ito hindi para makipagtalo, kundi para maipahayag ang niloloob ko ito man ay sang-ayunan o hindi. sabi ng ni apostol Pablo kung nasaan ang kalayaan nandon ang espiritu ni Jehova. at pinahahalagahan ko kapatid na Kat ang paggalang sa aking mensahe ito man ay sang-ayunan nila o hindi katulad ng paggalang ko sa kanilang opinyon. basta walang panghuhusga kahit sa paraang patanong.
      at huling punto ko, for the sake of argument ika nga, sabihin na natin na mapupuksa ang hindi dadalo tulad ko, tatanggapin ko na kaysa maligtas ako na makakasama ko ang mga mapagpaimbabaw at mga untouchablea sa organisayon. at kung mapupuksa ako dahil hindi sa pagdalo ang buhay na natitira sa akin ay iaayon ko pa rin sa pamantayan ng Diyos na Jehova, (hindi lang pagdalo ang pamantayan ng Diyos). taas noo kong masasabi na ang pag-aalay ko sa diyos na Jehova ay hindi dahil sa 1975, o mauubos na ang salinlahi ng 1914, o nasa huling araw na tayo o gusto ko lamang ng buhay na walang hanggan. kung ililigtas ako ay bonus na ito para sa akin. iligtas man ako o hindi iibigin ko pa rin ang Diyos na Jehova ng buong puso, kaluluwa at pag-iisip...at iibigin ang kapwa (lalo na ang mga natisod sa org) dahil yan ang PINAKADAKILANG UTOS.

      Delete