These are chapters 1-4 of the book "Jehovah Himself Has Become King - a Primer for the Apocalypse"

Please click the image to be directed to the English/original version of the book




Ito ay ang kabanata 1-4 ng aklat na "Si Jehovah Mismo ay Naging Hari" 

Pakisuyong i-click ang larawan upang makapunta sa website na naglalaman ng kaniyang libro sa orihinal na Ingles na bersiyon.

SI JEHOVA MISMO AY NAGING HARI

1: Ang Katotohanan

“At malalaman ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ay magpapalaya sa inyo.”

-Jesu-Kristo


Isip-isipin ang pananabik na idinulot nang si Jesus ay nagpahayag ng isang kagulat-gulat na anunsiyo upang ibalita sa buong lupa: “Ang kaharian ng langit ay malapit na!”

Halos 2000 taon na ang lumipas mula nang si Jehova ay orihinal na nakipagtipan kay Abraham para sa layunin ng pagluluwal ng mesyanikong binhi para sa pagpapala ng lahat ng mga bansa. Sa kabila ng maraming walang basehang paniniwala ng mga apostol tungkol sa kaharian, sa okasyon ng bautismo at pagiging pinahiran ni Jesus, ang kaharian ng Diyos ay talagang lumapit na.

Dahil wala pang hari mula sa linya ni David ang umupo sa trono ni Jehova sa Jerusalem pamula ng pananakop ng Babilonya limang siglo na ang nakakalipas, tunay ngang makabagbag damdamin ng si Jesus ay pumasok sa Jerusalem habang nakaupo sa bisiro ng asno at tinanghal na hari ng Israel. Ito nga ang katuparan ng Zacarias 9:9 na humuhula: “Magalak kang lubos, O anak na babae ng Sion.  Sumigaw ka nang may pagbubunyi, O anak na babae ng Jerusalem. Narito! Ang iyong hari ay dumarating sa iyo. Siya ay matuwid, oo, ligtas; mapagpakumbaba, at nakasakay sa asno, isa ngang hustong-gulang na hayop na anak ng asnong babae.”

Kahit na ang makalupang Jerusalem ay hindi na trono ng kaharian ng Israel at ng Juda nang panahong iyon, iyon pa rin ang ekslusibong sentro ng relihiyosong pagsamba para sa Diyos na Jehova noong panahong nandito si Jesus sa lupa. Ngunit maging ang mga bagay na iyon ay magbabago na rin sa kalaunan.

Si Jesus mismo ay nagsabi sa isang Samaritanang babae ng magaganap na pagbabago. Sinabi nga niya sa kaniya: “ Ang oras ay dumarating na kahit sa bundok na ito ni sa Jerusalem man ay hindi ninyo sasambahin ang Ama.” Ang kaharian ng Diyos na unang nagpakilala sa pamamagitan ng apostolikong kongregasyon ni Jesus ay naghuhudyat ng pasimula ng kaatapusan para sa naka sentro sa templong Judiong uri ng pagsamba.

Ang mga sulat ng apostol na si Pablo, partikular na ang kaniyang liham para sa mga Hebreo ay nagpapaliwanag kung paanong ang tradisyunal na uri ng relihiyon ay naglalarawan lamang sa higit pang espirituwal na mga realidad. Ang tunay na katotohanan ay matatagpuan hindi lamang sa loob ng santuaryo kundi maging sa labas nito, ibinunyag ng kinasihang apostol. Si Pablo ay higit pang nagpatotoo sa kaniyang sulat sa mga taga Galacia na ang Batas ng tipan ay nakapagsagawa na ng layunin nito sa pamamagitan ng pagsisilbing tagapagturo na umaakay patungo kay Kristo. Kasabay ng pagdating ni Kristo, ang kurso ng pagtuturo ay sumapit na sa natural na konklusyon at kasama nito ang buong sistemang Judio ay lumipas na at nabura mula sa pag-iral. Kulang-kulang isang dekada pagkatapos na si Pablo ay lumiham sa mga Hebreo, ang lungsod ng Jerusalem at ang dakong banal ng pagsamba ni Jehova ay lubusang dinurog ng mga hukbong Romano.

Taliwas sa maaring inaasahan ng isa, ang mismong sistema na orihinal na inilaan ng Diyos bilang nagliligtas buhay na tagapagturo hanggang sa dumating si Kristo, ay isa ring potensyal na silo para sa mga Judio na walang sapat na pananampalataya upang magawa nang husto ang kinakailangang pagbabago mula sa Judaismo patungo sa Kristiyanismo.

Ilang siglo na ang nakalipas pamula nang inanunsyong ang kaharian ng Diyos ay malapit na. Malamang na hindi nagkataon lamang sapagkat halos 2000 taon na- halos kasintagal din ng pagitan pamula ng makipagtipan ang Diyos kay Abraham at nang mabautismuhan si Jesus. Samantala, pamula nang apostolikong kapanahunan, ang Kristiyanismo ay nalugmok at nabaon sa parehong landas ng katiwalian, idolatriya at apostasiya, katulad rin ng Israel, kung kayat ang purong mga turo ni Jesus ay matagal nang nababad sa babilonikong mistisismo, nasyonalismo, at iba pang makakasanlibutang kaugalian.

Ngunit noong papalapit na ang ika-19 na siglo, isang higit na kinakailangang pagbabago ang nagsimulang maganap sa pagitan ng isang maliit na grupo ng mga estudyante sa Bibliya sa pakikipagtulungan ng isang masigasig na kabataang lalaki na nagngangalang Charles Taze Russell. Ang epekto ay hindi naiiba sa naganap nang maghari ang bata at masigasig na haring si Josias (659-629 BCE) na mula sa Juda. Isaalang-alang ang ilang pagkakatulad: Bago maghari si Josias, ang kaharian ay nalugmok sa napakalalim na lusak ng kamangmangan at idolatriya na maging ang aklat ng Kautusan ni Moises ay naiwala! Ngunit sa ulat ng 2 Cronica 34:14 ipinababatid sa atin na habang nagaganap ang muling pagsasauli ng nalansag na templo na pinangunahan ni Josias, “nasumpungan ni Hilkias na saserdote ang aklat ng Kautusan ni Jehova sa pamamagitan ng kamay ni Moises”.

Bilang resulta ng pagbasa sa kanya ng Kautusan ni Moises, hinapak ni haring Josias ang kaniyang panlabas na kasuotan bilang pagpapakita ng kaniyang pagkatanto na ang bayan ay lumabag sa kanilang tipan sa Diyos at na walang dudang hinamak nila si Jehova sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ibat-ibang uri ng paganong pagsamba. Tiyak na napagtanto ni Josias na ang aklat ng Kautusan ni Moises ay magpapangyaring mawasak ang bayan kung sila ay lalabag sa kanilang sagradong tipan sa Diyos. Ang may maka-Diyos na takot na si Josias ay nagpadala ng delegasyon upang magtanong sa propetisang nagngangalang Hulda upang alamin kung ang nakatakdang kaparusahan ay maaring maiwasan sa pamamagitan ng kanilang pagsisisi.

Ang propetisa ay nagsabi sa hari na si Jehova ay determinado pa ring magdulot ng kalamidad laban sa suwail na bayan. Ngunit, bilang konsiderasyon sa mga repormang isinagawa niya, hindi wawasakin ni Jehova ang Juda sa panahon ni Josias. Pagkatapos nito, tinipon ni Josias ang lahat ng mga tao at pinabasa ang aklat ng Kautusan sa kanila.

Sa isang katulad na paraan, waring ang Bibliya ay nawala sa mundo pamula ng panahon ng kadiliman patuloy. Ngunit kahit na ang Bibliya ay hindi literal na nawala, ang katotohanan naman ay nawala. At kahit na maraming indibidual bago pa si Charles Russell ang sumubok ring tuklasin at ilantad ang matagal nang naiwalang katotohanan mula sa Bibliya, walang sinuman sa kanila ang naging matagumpay na tulad ng Samahan ng Watchtower sa pagpapakilala sa mga katotohanang ito. Nagkomento hinggil sa kahalagahan ng ginawa ni Charles Russell ang librong Kingdom Proclaimers at nagsabi:

“Kung gayon paano nalaman ni Russell ang atas na kanilang ginampanan sa paglalantad ng mga katotohanan sa Bibliya? Ipinaliwanag niya: ‘Ang aming atas … ay ang tipunin ang matagal nang nangalat na mga piraso ng katotohanan at ipresenta ito sa mga lingkod ng Diyos hindi bilang isang bagong bagay, hindi bilang sa amin, kung hindi sa Diyos.’ ”

Sa pamamagitan ng masusing pag-aaral niya ng kasulatan, napagtanto ni Russell na ang Sangkakristiyanuhan ay nakatakdang madurog dahil sa sa kaniyang idolatriya at katiwalian. Kaya naman dahil dito ay may pagka-apurahang binuo ang Samahan ng Watchtower at ang Internasyonal na mga Estudyante ng Bibliya ay nagsagawa ng malawakang pangglobong kampanya ng pangangaral upang itawag pansin ang babala may kinalaman sa nakaambang kahatulan ng Diyos.

Bilang resulta ng kitang-kitang pagpapala ng Diyos sa gawaing pagsasauli, ang mga pangunahing katotohanan sa Bibliya ay nagsimulang sumikat muli. Ang mga paganong turo gaya ng Trinidad, imortalidad ng kaluluwa at ang malupit na doktrina ng habangbuhay na pagpaparusa sa impiyerno ay tahasang nabaliktad. Ang Katolikong kaugalian ng pag-uukol ng pagsamba sa mga santo at kay Maria na itinuturing na “Ina ng Diyos” sa katulad na paraan ay nalantad rin sa madla bilang mga kaugaliang nag-uugat sa paganong idolatriya. Tulad ng pagdurog at paglapastangang ginawa ni Josias sa ilang mga idolo at paganong altar na itinayo sa templo ni Jehova sa buong lupa, sa katulad na espiritu, ang idolatriya ng Sangkakristiyanuhan at ang mga huwad na turo nito ay dinurog at pinulbos ng masigasig at bihasang paggamit ng Bibliya.

Si Charles Russell rin ang bumuhay sa muling paggamit ng personal na pangalan ng Diyos- Jehovah sa Ingles. Ang ilang mahahalagang katotohanan tulad ng salig-Bibliyang pag-asa ng pagtawid ng buhay sa Armageddon at mabuhay ng walang hanggan sa lupa ay nagsimula ring maipakilala bilang tunay na mga turo ng Bibliya. Ang isyu ng pang-buong unibersong soberanya ni Jehova ay naunawaaan rin sa unang pagkakataon at nagpaliwanag rin nang husto sa matagal nang kalituhan ng mga Kristiyano sa kung bakit ang Diyos ng pag-ibig ay matagal nang nagtitiis ng kasamaan at kung bakit niya hinayaan ang mga lingkod niya na dumanas ng matitinding pag-uusig. Ang Samahan ng Watchtower ay nagsimulang kumilos sa paraang tulad ng unang siglong Kristiyanong kongregasyon- “bilang haligi at tagapagtaguyod ng katotohanan.”

Isa pang kamangha-manghang pagkakatulad ang umiiral may kinalaman sa pagkadiskubre ni Josias sa aklat ng tipan. Ang ulat ng 2 Hari kabanata 23 ay umulat ng isang malaking pagdiriwang ng paskuwa na ginanap pagkatapos na ang templo ay muling maitayo: “Ang hari ngayon ay nag-utos sa buong bayan, na sinasabi: ‘Magdaos kayo ng isang paskuwa kay Jehova na inyong Diyos ayon sa nakasulat sa aklat na ito ng tipan.’ Sapagkat walang paskuwa na tulad nito ang idinaos mula nang mga araw ng mga hukom na humatol sa Israel, ni nang lahat ng mga araw man ng mga hari ng Israel at ng mga hari ng Juda. Ngunit nang ikalabingwalong taon ni Haring Josias ay idinaos ang paskuwang ito para kay Jehova sa Jerusalem.”

Tulad nga ng pagganap ng malaking pagdiriwang ng paskuwa upang muling itatag ang tipan at ipagdiwang ang mga repormang naisagawa sa ilalim ng paghahari ni haring Josias, lumilitaw na para bang ang bagong tipan na orihinal na naitatag ni Jesu-Kristo sa kaniyang mga apostol ay muli ring naitatag may kinalaman sa mga Estudyante ng Bibliya; pinatutunayan ito hindi lang ng pagpapalaganap ng katotohanang alam nila kundi maging sa muling pag-iral ng mga pinahirang nakikibahagi na dahil sa kanilang nakahihigit na pagpapahalaga sa sakripisyo ni Jesus ay nagpasimula ng pagdiriwang ng isang malaking kristiyanong paskuwa na nagpapatuloy maging hanggang sa araw na ito. At kahit na sila ay kumikilos sa ilalim ng maraming maling mga pag-aakala, katulad rin ng mga apostol at sinaunang mga Kristiyano, dahil sa muling paglitaw ng pinahirang kongregasyon ni Kristo, napagtanto ng mga Estudyante sa Bibliya na oras at panahon na para ang kaharian ng langit ay magsimula ng pamamahala nito.

“SA KAPATAGANG LIBIS NG MEGIDO”

Sa kabila ng kaniyang sigasig para kay Jehova at ng mga repormang kaniyang isinulong, si Josias ay napatay sa isang trahedya dahil sa maling payong natanggap niya sa kaniyang kampaniyang militar laban kay Paraon Necoh. Ang ulat ng 2 Hari 23:29-30 ay kababasahan ng ganito: “Nang kaniyang mga araw, si Paraon Necoh na hari ng Ehipto ay umahon sa hari ng Asirya sa may ilog ng Eufrates, at pumaroon si Haring Josias upang salubungin ito; ngunit pinatay siya nito sa Megido nang makita siya nito. Kaya inilulan siyang patay ng kaniyang mga lingkod sa isang karo mula sa Megido at dinala siya sa Jerusalem at inilibing siya sa kaniyang dakong libingan. At kinuha ng bayan ng lupain si Jehoahaz na anak ni Josias at pinahiran siya at ginawa siyang hari bilang kahalili ng kaniyang ama.“

Kapansin pansin nga dahil sa maraming kadahilanan na ang pagkamatay ni haring Josias sa Megido ay hindi pangkaraniwan. Isang dahilan ay sapagkat ang salitang “Armadeddon” ay kinuha mula sa salitang Hebreong “Megido.” Ang bagay na ito ay hindi naman nangangahulugan na ang ulat ay may higit pang makahulang katuparan; subalit ang propesiya ng Zacarias, na siya ring pinaniniwalanag Hebreong patiunang ulat ng aklat ng Apocalipsis ay nagbibigay ng makahulang kahalagahan sa pagtangis sa kamatayan ni Josias na nagsasabi, “Sa araw na iyon ay magiging matindi ang paghagulhol sa Jerusalem, gaya ng paghagulhol ng Hadadrimon sa kapatagang libis ng Megido.“ (Zacarias 12:11)

Ano ang kaugnayan nito kay Josias? Ang tulad “encyclopedia” na aklat ng Kaunawaan sa Kasulatan ay nagsasaad ng mga sumusunod sa ilalim ng paksang Hadadrimmon:

“Maliwanag na isang lokasyon sa kapatagang libis ng Megido. Kadalasang ipinapalagay na ang Hadadrimmon ay ang Rummana, isang lugar na mga 7km (4.5mi) sa TTS ng Megido. Sa hula ni Zacarias, ang ‘matinding paghagulhol‘sa Hadadrimon ay tumutukoy marahil sa panaghoy para kay Haring Josias na napatay sa pagbabaka sa Megido”

Subalit, ang konteksto ng propesiya ni Zacarias ay may kinalaman sa pagtangis sa kamatayan ng Mesiyas- hindi ni haring Josias. Ang mesiyanikong aspekto ng propesiya ay kinumpirma ng pagkakapit ng apostol sa Zacarias 12:10 sa pagpatay kay Kristo. Ngunit tulad rin ng sa maraming pang ibang mga propesiya, malinaw na napaguugnay ni Zacarias ang aspekto ng una at ikalawang pagdating ni Jesus. Sa kalaunan, si Jesus ay dumating bilang tagadalisay at tagalinis ng kaniyang bayan. Gaya ni Josias, siya rin ang nagpasimula ng pagtatanggal ng mga idolo “mula sa lupa.”

Ang Zacarias 13: 1-3 ay humuhula: ‘ “Sa araw na iyon  ay magkakaroon ng isang balon na nakabukas sa sambahayan ni David at sa mga tumatahan sa Jerusalem para sa kasalanan at para sa nakamumuhing bagay. “At mangyayari sa araw na iyon,” ang sabi ni Jehova ng mga hukbo, “na papawiin ko ang mga pangalan ng mga idolo mula sa lupain, at hindi na sila aalalahanin pa; at ang mga propeta at ang espiritu ng karumihan ay palalayasin ko rin mula sa lupain. At mangyayari nga na kung manghuhula pa ang isang tao, ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, yaong mga nagpangyari ng kaniyang kapanganakan, ay magsasabi rin sa kaniya, ‘Hindi ka mabubuhay, sapagkat kabulaanan ang sinasalita mo sa pangalan ni Jehova.’ At uulusin siya ng kaniyang ama at ng kaniyang ina, niyaong mga nagpangyari ng kaniyang kapanganakan, dahil sa kaniyang panghuhula.’ “

Ang “balon na nakabukas sa sambahayan ni David” ay may kinalaman sa pagpapatupad sa kabuuan ng pambayad-salang probisyon ng sakripisyo ni Kristo; hanggang sa punto na maisagawa ng lubusan ang pagtatanggal ng mga kasalanan sa “sambahayan ni David”, samaktuwid nga, ang 144,000 na kasamang mamahala ni Kristo.

Malinaw na ang panahong tinutukoy – “sa araw na iyon” ay hindi tumutukoy sa unang siglong kongregasyon. Iyan ay malinaw dahil sa punto na ang kahatulan ng Diyos sa Kristiyanong kongregasyon noon ay hindi naglinis “sa lupain” ng mga idolo at bulaang propeta. Sa kabaligtaran, ang mga apostol ay espesipikong nagbabala sa mga Kristiyano noon na mag-ingat laban sa bulaang propeta sa loob ng kongregasyon. Karagdagan pa, ang ulat ng 1 Juan ay nagtatapos sa biglaang pagpapayo sa mga anak ng Diyos: “Mumunting mga anak, bantayan ninyo ang inyong sarili mula sa mga idolo.”

Maliwanag, ang ultimong katuparan ng propesiya ni Zacarias ay may kaugnayan sa pagtatatag ng kaharian ng Diyos- kung saan sa wakas ay, “Isusugo ng Anak ng tao ang kaniyang mga anghel, at titipunin nila mula sa kaniyang kaharian ang lahat ng mga bagay na sanhi ng ikatitisod at yaong mga gumagawa ng katampalasanan. ” Saka lamang na ang kongregasyon ni Kristo ay magiging malaya mula sa mga batong katitisuran ng mga bulaang propeta at idolatriya.

Subalit kung paano nga na hindi permanenteng nailihis ng taimtim na pagsisikap ni Josias ang kahatulan ng Diyos, gayundin naman na hindi mababago ng pagsisikap ng Samahan ng Watchtower sa gawaing pagsasauli, ang determinasyon ng Diyos na ituwid ang mga bagay-bagay  “sa kapatagan ng libis ng Megido.” Tunay nga na ang pangangailangan ng Diyos na ituwid ang mga bagay ay mas kinakailangan ngayon higit kailanman. Sa dahilang, kahit na inabandona ng mga Saksi ni Jehova ang hayagang babilonikong idolatriya ng Sangkakristiyanuhan, sa proseso nito, ang Watchtower mismo ay naging tulad gintong guyang organisasyon. At habang ang Samahan ng Watchtower ay nagsulong ng muling pagsasauli ng mga pangunahing doktrinang Kristiyano, ang mga Saksi ni Jehova ay nagpapatuloy sa paglilingkod sa ilalim ng pabigat ng huwad na propesiya. Walang kaduda-duda na yamang ang Watchtower at ang lahat ng mga Saksi ni Jehova ay “nagsalita sa pangalan ni Jehova.” gaya nga ng nabanggit sa itaas, tayo nga ang higit na may pananagutan sa nagdadala ng pangalang iyan higit kaninuman.

Ang hula ni Zacarias ay nagpapatuloy sa pagsasabi tungkol sa nakaambang kahatulan ng Diyos: “’At mangyayari sa araw na iyon na mahihiya ang mga propeta,  ang bawat isa dahil sa kaniyang pangitain kapag siya ay nanghuhula; at hindi sila magbibihis ng opisyal na kasuutang balahibo  sa layuning manlinlang. At tiyak na sasabihin niya, ‘Ako ay hindi propeta. Ako ay isang taong nagsasaka ng lupa, sapagkat binili ako ng isang makalupang tao mula pa sa aking pagkabata.’  At may magsasabi sa kaniya, ‘Ano itong mga sugat sa iyong katawan sa pagitan ng iyong mga kamay?’ At sasabihin niya, ‘Yaong mga isinugat sa akin sa bahay ng aking mga masidhing mangingibig.’ ”

Ang teksto sa itaas ay sinusundan ng utos na saktan ang pastol at hayaang mangalat ang mga tupa. Ang aspektong iyon ng Zacarias ay siyempre pa, natupad noong si Jesus ay maaresto at maipako at ang kaniyang mga apostol at mga tagasunod ay pansamantalang nangalat. Ngunit, ang konteksto ng hula ay kumakapit rin sa mas malaking katuparan sa pagbabalik ni Kristo. Dahil nga rito ang “propeta” na nakatakdang masugatan at “masaktan sa bahay ng aking mga masisisidhing mangingibig” ay tumutukoy sa tapat at maingat na alipin ni Kristo; na ayon sa Lucas 12:48, ay makatatanggap ng kaunting palo dahil sa kaniyang pagiging ignorante at pagpapapabaya kapag si Kristo ay bumalik upang husgahan ang sambahayan ng Diyos.

Ang Bethel na bahay ng Diyos, ay nag-aangking boses ng propetang uring Jeremias at Ezekiel. Subalit ang mga ebidensiya na nakasaad sa aklat na ito ay naglalayong maipakita na karamihan sa mga makahulang interpretasyon ng Watchtower ay kung hindi man maling naka patungkol sa Sangkakristiyanuhan, ay mali namang nakapatungkol sa panahong 1914-1919. Makatuwiran lamang na ang mga Saksi ni Jehova  ang bukod tanging mga tao kung saan ang mga sumusunod na salita ay posibleng nakapatungkol: “kayong sumusumpa sa pangalan ni Jehova at bumabanggit sa Diyos ng Israel, hindi sa katotohanan at hindi sa katuwiran.”

Sa dahilang ang Watchtower ay nagdulot ng matindiing kadustaan sa pangalan ng Diyos- na para bang “sumusumpa sa pangalan ni Jehova”- makatuwiran lamang na sila ang opisyal na propeta na “mapapahiya” dahil sa mga kamalian at panlilinlang na isinagawa nila sa pangalan ni Jehova. Karagdagan pa, gaya nga ng institusyunal na pagsamba na minsang sumentro sa Jerusalem noong panahon ni Kristo, ang Watchtower rin ay nakapagsakatuparan ng layunin ng Diyos. Ngunit sa pagsasagawa nito, nakatakda din itong lumipas at ngayon ay malapit nang tuluyang mabura mula sa pag-iral.

Sa kabilang banda naman, gaya nga noong mapalitan ang pormalistikong relihiyong nakasentro sa Jerusalem ng isang nakahihigit na uri ng pagsamba batay sa kabuuang sukat ng espiritu ng Diyos at ng katotohanan, ang kasalukuyang kaayusan ay nararapat rin at hindi maiiwasang magbigay daan sa kabuuang kapahayagan ng espiritu ng Diyos at ng katotohanan, maging si Jesus ay sumiguro sa lahat ng umiibig sa katotohanan nang kaniyang sinabi: “Malalaman ninyo ang katotohanan at ang katotohanan ay magpapalaya sa inyo.”




2: Mga Panahong Gentil

“Kinilala ni brother Russell ang taong 1914 bilang ang hudyat ng katapusan ng Mga Panahong Gentil… Hinikayat niya ang iba na suriing maigi ang kaniyang mga sulat at ikumpara ito sa kinasihang salita ng Diyos nang sa gayaon ay mapanatag sila na ang kanilang natututuhan ay lubusang kasuwato nito."

-Kingdom Proclaimers ng mga Saksi ni Jehova-


Noong Oktubre 2, 1914 ang tagapagtatag ng Watchtower and Bible Tract Society na si Charles Taze Russell ay kumpiyansang pumasok sa silid kainan ng Bethel at nagpahayag ng isang kagulat-gulat na anunsiyo sa mga tauhan ng punong himpilan: “Nagwakas na ang mga Panahong Gentil; tapos na ang maliligayang araw ng kanilang mga hari.” At anong pang malayuang epekto ang naidulot ng nakagigitlang kapahayagang iyon sa makabagong panahong kilusan ng mga Saksi ni Jehova! Pamula nang kapahayagang iyon, halos 100 taon na ang lumipas, ang pananampalataya ng mga Saksi ni Jehova ay umikot sa pangunahing paniniwala na si Jesu-Kristo ay nagsimula nang mag-hari sa kaniyang makalangit na trono mula pa noong 1914. Pamula noon, sinuportahan ng Watchtower ang proklamasyong: “Si Jehova mismo ay naging hari!”


Walang duda na ang 1914 ay taon ng mahahalagang pangyayaring bumago sa kasaysayan ng daigdig. Dahil sa kronolohiya, ang mga Internasyunal na mga Estudyante sa Bibliya ay umaasa na ng nakayayanig mundong mga pangyayari na magaganap noong 1914, ang pasimula ng Digmaang Pandaigdig I ay para bang kinumpirma ang kanilang inaasahan. Sa katunayan marami sa mga Estudyante ng Bibliya ang sigurado na na ang Armageddon ay nalalapit na. Ngunit ang petsa bang iyon, na ngayon ay halos isang siglo na mula ng makalipas, ang “pinakamahalagang araw para sa lahat ng tao?” gaya nga ng minsang inangkin ng Watchtower?

Ang tanong na iyon ay hindi kailangang bumangon buhat sa kakulangan ng pananampalataya sa sagradong pangako ng Diyos. Sa kabaligtaran, ang mga Saksi ni Jehova ay dapat lamang na sumunod sa payo ng apostol na “tiyakin ninyo ang lahat ng mga bagay.” Dapat nga na pangunahin nating naisin na malaman, hanggang sa abot ng ating makakaya bilang tao, kung si Jehova ba ay naging hari noong 1914 o kung ang napakahalagang pangyayaring iyon ay nakatakdang maganap pa sa hinaharap. Sa espiritu mismo ng panghihikayat ni Charles Russell, ating suriin nang–maingat--ang mga turo ng Watchtower laban sa kinasihang Salita ng Diyos nang sa gayon ay matiyak natin kung ang ating paniniwala may kinalaman sa mga Panahong Gentil ay lubusan nga bang kasuwato nito.

Ano nga ba ang mga Panahong Gentil, gaya nga ng pangkaraniwang tawag dito? Ang eksaktong pananalitang “Ang mga Panahong Gentil”, o ang “takdang panahon ng mga bansa,” gaya nga ng pagkakasalin dito ng Bagong Sanlibutang Salin, ay matatagpuan sa iisang lugar lamang sa Bibliya. Sa Lucas 21:24, sinabi ni Jesus ang mga sumusunod: “At yuyurakan ang Jerusalem ng mga Gentil, hanggang sa matupad ang mga panahon ng mga Gentil.” (NIV) (Ang Biblia)

Ang mga mag-aaral ng Bibliya ay matagal nang kinilala na ang propesiya ni Jesus ay may higit pang katuparan kaysa sa sinaunang lunsod ng Jerusalem lamang, na hindi lang sa isang pagkakataon niyurakan ng mapangwasak na mga mananakop. Ang Jerusalem ayon na rin sa mga propeta at apostol ay sumasagisag sa mismong kaharian ng Diyos yamang ito ay nasa literal na lunsod ng Jerusalem kung saan ang Davidikong kaharian ay orihinal na itinatag. At bilang lehitimong tagapagmana ng trono ni David, si Jesus ay nagpresenta rin ng kaniyang sarili bilang ang mesyanikong hari sa mga mamamayan ng Jerusalem kung saan siya pumasok sa lunsod na nakaupo sa bisiro ng asno. Kaya nga ang Jerusalem ay kinilala bilang ang kapital ng lunsod ng maharilikang kaharian ni Jehova. Sa dahilang iyan, ang lunsod ng Jerusalem ay ginamit sa hula upang kumatawan sa ibat-ibang aspekto ng makalangit na kaharian ng Diyos.

Naunawaan ng mga Saksi ni Jehova na ang kasalukuyang sistemang pulitikal na namuno sa mundo ng mga 4000 taon na ay sa isang punto ay magbibigay daan sa pamamahala ng kaharian ng Diyos. Kaya sa konteksto ng paparating na paghawak ng kapangyarihan ng kaharian ng langit, na mismo ngang tinutukoy ni Jesus sa ika-21 kabanata ng Lucas, ang mga Panahong Gentil ay naunawaan bilang ang pagitan ng panahon kung kailan ang pamamahala ng kaharian ng Diyos ay pipigilan ng mga bansa at ang katapusan ng panahong iyon ng Gentil na pamumuno ay nauunawaan naman bilang ang katapusan ng panahong inilaan para pamunuan ng mga bansa ang mundo.


Gaya nga ng alam na ng mga Saksi ni Jehova, ang Watchtower ay naguugnay sa “pitong panahon” sa ika-4 na kabanata ng Daniel sa tinatawag na “takdang panahon ng mga bansa,” na tinalakay ni Jesus. Ayon sa Watchtower, ang takdang panahon para yurakan ang Jerusalem ng mga bansa ay nagsimula 600 taon bago pa man ito banggitin ni Jesus sa kaniyang propesiya- noon pang 607 BCE, noong winasak ng mga taga-Babilonya ang Jerusalem at ang kaharian ng Juda. Si Zedekias ang nakatakdang maging huling hari ng linya ni David na uupo sa trono hanggang sa maibigay sa Mesiyas ang makalangit na kaharian. Ang mga Saksi ni Jehova ay naniniwala na ang itinakdang panahon ng mga bansa para mamahala bilang kahalili ng haring iniluklok ng Diyos ay natapos na 2,520 taon ang nakalipas, noong 1914. Ang pagputok ng Digmaang Pandaigdig I na sinundan ng nakahihindik na Trangkaso Espanola- at ang iba pang mga kaganapan pamula noon- ay nagpangyaring kumumbinsi sa mga Saksi ni Jehova na ang tanda ng di-nakikitang presensiya ni Jesus ay nagsimulang magpakita ng sarili nito noong 1914.

May ilang dahilan kung bakit natin dapat kuwestyunin ang pagkakapit ng Watchtower sa pitong panahong pagtaya at kasama na rin ang kronolohiya na ginamit upang iugnay ang pitong panahon sa taong 607 BCE. Ngunit kung isasantabi ang kronolohiya upang ang iba ay makipagkatuwiranan,, ang lohikal na tanong na dapat itanong ay, kung ang kaharian ng mundong ito ay nagbigay daan para sa kaharian ni Kristo noong 1914, bakit patuloy pa ring napamumunuan ng mga bansa ang mundo? Ano ang nagbago mula noong 1914? Malinaw, may kinalaman sa ginagawa ng mga pulitikal na bansa ng mundong ito na ginagawa pa rin ang anumang kanilang naisin, walang nagabago.

Siyempre pa, ang mga Saksi ni Jehova ay naniniwala na ang katapusan ng mga Panahong Gentil ay nangangahulugan lamang na ang mga bansa ay hindi na maaring makialam pa sa mga gawain ng mga tunay na Kristiyano, pero sila ay malaya pa rin namang pamunuan ang sangkatauhan tulad noon. Ngunit ang kamalian ng matagal nang pinanghahawakang paniniwala ng mga Saksi ni Jehova na ang kaharian ng Diyos ay naitatag na noong 1914 ay nagiging malinaw kapag tayo ay nangatuwiran gamit ang Kasulatan. Bilang halimbawa, ang ikalawang kabanata ng Awit ay tumutukoy sa reaksiyon ng mga bansa sa pagbibigay ni Jehova sa kaniyang Mesiyas ng pamamahala sa buong mundo. Ang Awit 2:1-2 ay nagsasabi: “Bakit nagkakagulo ang mga bansa at ang mga liping pambansa ay patuloy na bumubulung-bulong ng walang-katuturang bagay? Ang mga hari sa lupa ay tumitindig at ang matataas na opisyal ay nagpipisan na tila iisa laban kay Jehova at laban sa kaniyang pinahiran…”

Ang makahulang ikalawang kabanata ng Awit ay isa sa marami pang mga propesiya na ikinakapit ng Watchtower sa 1914. Dapat nga na ang Awit ay natupad nang ang mga bansa ay nagkagulo noong Digmaang Pandaigdig I at nang napilitan silang magkaisa laban sa kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng pagsasamasama upang buuin ang Liga ng mga Bansa. Subalit, may ilang mga problema sa interpretasyon na iyan.

Pangunahin na sa mga kahinaan ng Watchtower sa pagpapaliwanag ay na ang Awit ay nagsasaad na kapag ang mga bansa ay nagtatangkang kumawala mula sa mga gapos na inilagay sa kanila, si Jehova ay agad na kikilos sa kaniyang galit. Ang Awit 2:4-6 ay nagpapatuloy sa pagsasabi: “Ang mismong Isa na nakaupo sa langit ay magtatawa; Ilalagay sila ni Jehova sa kaalipustaan. Sa panahong iyon ay magsasalita siya sa kanila sa kaniyang galit at sa kaniyang matinding pagkayamot ay liligaligin niya sila, na sinasabi: “Ako, ako nga, ang nagluklok ng aking hari sa Sion, na aking banal na bundok.”

Nangangatuwirang muli sa pagkakapit ng Watchtower sa Awit, kung iniluklok ni Jehova ang kaniyang hari sa makalangit na bundok Sion noon pang 1914 at ang mga bansa ay lumalaban sa kaniyang kaharian pamula pa noon, paano kung gayon natin dapat na mauunawaan ang mga salita ng Awit na nagsasaad na liligaligin niya sila sa “panahong iyon?” Ayon nga sa pananalita ng ikalawang kabanata ng Awit, ang kahatulan ng Diyos laban sa lumalabang mga bansa ay kagyat na darating. Gayunman, halos isang siglo na ang nakalipas mula nang ang mga bansa ay dapat sanang nagkagulo at “nagpisan na tila iisa” upang wasakin ang kaharian ng Diyos ngunit maging hanggang sa ngayon, hindi pa rin sila nililigalig ni Jehova sa kaniyang “matinding pagkayamot.”

Ang kabanata 17 ng Isaias ay isang kaugnay na hula na naglalarawan ng pagkaligalig ng mga bansa na inihahalintulad ang kanilang pagkakagulo sa “ingay ng malakas na tubig.” Ang Isaias ay kababasahan ng ganito: “Aha dahil sa kaguluhan ng maraming bayan, na dumadaluyong na gaya ng pagdaluyong ng mga dagat! At dahil sa ingay ng mga liping pambansa, na humuhugong na parang ingay ng malakas na tubig! Ang mga liping pambansa ay huhugong na parang ingay ng maraming tubig. At Kaniya ngang sasawayin iyon, at iyon ay tatakas sa malayo at itataboy na gaya ng ipa sa mga bundok sa harap ng hangin at gaya ng gumugulong na dawag sa harap ng bagyong hangin. Sa oras ng gabi, aba, narito! may biglaang kakilabutan. Bago mag-umaga—iyon ay wala na. Ito ang bahagi ng mga nananamsam sa atin, at ang kahinatnan na nauukol sa mga nandarambong sa atin.”
Si Jesus ay gumamit ng kahalintulad na pananalita nang inihula niya ang magaganap na panggigipuspos ng mga bansa na hindi malaman ang gagawin dahil sa kalamidad na sumapit sa kanila, habang ang mga tgao ay nanlulupaypay dahil sa takot dahil sa pag-ugong ng dagat. Kahit pa ang ilan sanang higit na nakakaalam ay may kahangalang nagmungkahi na ang “pag-ugong ng dagat” ay may kinalaman sa literal na mga tsunami, ang propesiya ni Isaias ay malinaw na nagpapakita na ang umuungal at dumadaluyong na dagat ay isang simbolo lamang na naglalarawan sa mga “limping pambansa”, samakatuwid nga ang umuugong na dagat ay sumisimbolo sa pang-globong sibilasyon na nababalot sa matinding kaguluhan. At katulad rin ng ikalawang kabanata ng Awit, ang ika-17 kabanata ng Isaias ay nagpapakita kay Jehova na sumasaway sa mga bansa kaagad-agad pagkatapos nilang “dumaluhong”: na para bang sa “kinaumagahan pagkatapos ng “gabi” ng kanilang kaguluhan, ang mga bansa ay “wala na”.



Isa pang seryosong kahinaan sa doktrina ng 1914 ay na ang Liga ng mga Bansa ay isang halos walang kabuluhang organisasyon na nawala na rin sa pag-iral nang maglaon. Hindi lang iyan, kung hindi ang Estados Unidos ay hindi man lang miyembro nang ligang iyon. Kaya papaano masasabing ang kasulatan ay natupad may kinalaman sa matataas na opisyal ng mundo at mga limping pambansa na nagpipinsan na tila iisa? Sa realidad, hindi naman lahat ng mga bansa ay napasa-ilalim ng Liga ng mga Bansa at ang walang silbing liga ay hindi man lang nagkaron ng uri ng impluwensiya sa mundo gaya ng maaring inaasahan ng isa mula sa pulitikal na katauhan na inaakalang nakipagbaka kay Kristo para sa pandaigdig na kapangyarihan. Karagdagan pa, ilang beses ba na ang mga bansa at ang kanilang mga pinuno ay matitipong magkakasama na lubusang tinututulan ang paghahari ni Jehova? Malinaw  nga na iisa lamang ang pagkakataong matitipon o magsasama-sama ang lahat ng mga kaharian ng mundo sa pakikipagdigma sa Diyos. At ayon sa ika-16 kabanata ng Apocalipsis, ang lahat ng mga hari sa lupa ay natipong magkakasama dahil sa maka-demonyong kampanya upang labanan ang Diyos sa isang lugar na tinatawag na Har-mageddon.

Ayon sa hula ng ika-7 kabanata ng Daniel, kapag ibinigay na ng Diyos ang kaharian sa Anak ng Tao, at sa banal na bayan, pagkatapos isang maikling yugto ng panahon na lamang ang ibibigay sa tulad-mabangis na hayop na sistemang pulitikal, kung saan ang banal na bayan ay “ibibigay sa kaniyang kamay sa loob ng isang takdang panahon, mga panahon at kalahati.” Ang takdang panahon na isinulat nang palihim bilang “isang takdang panahon, mga takdang panahon at kalahati,” ay maaring isipin bilang ang pagpapalit ng tanod. Ang Daniel 12:7 ay bumabanggit sa gayunding tagal ng panahon na nagsasabing: “At kapag natapos na ang pagdurog sa kapangyarihan ng banal na bayan, ang lahat ng mga bagay na ito ay darating sa kanilang katapusan.”

“Ang lahat ng mga bagay na ito” na tinutukoy ng propeta ay lohikal lang na may kinalaman sa katapusan ng sistema ng mga bagay ng tao at ng lubusang pagsasalin ng soberanya sa mga kamay ni Jesu-Kristo at sa kaniyang mga kasamang tagapamahala. Sabagay, iyan naman ang tema ng aklat ng Daniel. Pero kung ang banal na bayan ay dapat sanang nagkapira-piraso noon pang panahon ng 1916-1919 na panahon ng digmaang pag-uusig gaya ng itinuturo ng Watchtower, bakit kung gayon na “ang lahat ng mga bagay na ito” ay hindi pa dumating sa kanilang katapusan?

Ang ika-walong kabanata ng Daniel ay humuhula sa kahalintulad na paraan kung paanong ang banal na bayan ay ipapahamak at ang banal na dako ay yuyurakan sa isang takdang panahon na aabot sa 2,300 “gabi at umaga,” na ikinakapit ng Watchtower sa panahon noong Digmaang Pandaigdig II. Ngunit muli ang tanong ay,- Kung ang makasagisag na Jerusalem ay natapos nang yurakan ng mga bansa noong 1914, bakit na ang mga bansa ay nagpapatuloy pa rin sa pagyurak sa mga anak ng kaharian sa loob ng itinakdang panahon pagkatapos na ang sinasabing pagyurak ay dapat na natapos na?

Tunay nga na ang itinuturo ng Watchtower ay isang magkakasalungat at nakalilitong pagtatagpi-tagpi ng propesiya na nagsasabing ang itinakdang panahon ng mga bansa para yurakan ang kaharian ng Diyos ay nagtapos noong 1914; ngunit ang doktrina ng Watchtower ay nagtatalaga ng karagdagan pang tatlo at kalahating taong panahon noong Digmaang Pandaigdig I noong ang mga bansa ay muling lumigalig at yumurak sa mga lingkod ng Diyos. Ngunit hindi pa iyan ang lahat: ang Watchtower ay muling nagkapit ng isa pang propesiya sa isang panahon noong Digmaang Pandaigdig II, kung saan ang mga Saksi ni Jehova ay muli nanamang niyurakan ng mga kapangyarihang pulitikal.

Sa pamamagitan ng mga hindi makatuwirang pagpapakahulugan ng mga propesiya, ang Watchtower ay para bang nagwalangsaysay sa mga salita ni Kristo may kinalaman sa katapusan ng mga Panahong Gentil.  Iyan ay dahil sa kung ang takdang panahon ng mga bansa ay nagtapos noong 1914, subalit taon kada taon matapos nito, ang mga bansa ay pinahihintulutan pa ring magpatuloy sa kanilang normal na mga gawain katulad noon, maari nating ipagpalagay na ang kaharian ni Jesus ay isang walang kapangyarihang institusyon o mas makatuwiran, na ang kaharian ng mundong ito ay hindi pa naibibigay kay Kristo.

Ano Ang Mga Panahong Gentil?

Ang isang maingat na pagsusuri sa konteksto ng hula may kinalaman sa Jerusalem na yuyurakan hanggang sa ang takdang panahon ng mga bansa ay matapos ay nagpapakita na si Jesus ay hindi man lang bumanggit sa pagkawasak ng Jerusalem mula sa mga kamay ng Babilonya, mahigit limang siglo na ang nakalipas. Ang dahilan kung bakit deretsyahang nagtanong ang mga apostol kay Jesus para sa tanda ay dahil sinabi na sa kanila ng kanilang panginoon maaga pa lamang, na ang templo ay lubusang mawawasak hanggang sa punto na hindi maiiwan dito ang isang bato sa ibabaw ng kapuwa bato na hindi babagsak. Ang pagkawasak ng templo ni Solomon 500 taon na ang nakalipas ay hindi isang agarang alalahanin para sa mga apostol. Ang hinaharap ang gusto nilang malaman-hindi ang nakalipas. Si Jesus nga ay malinaw na humuhula tungkol sa isang panahon sa kinabukasan kung saan ang templo at ang banal na lunsod ng Jerusalem ay matitiwangwang dahil sa mga hukbong Romano.

Bukod pa diyan, waring nakaligtaan ng Watchtower ang isang napakahalagang katotohanan, iyon nga ay na ang Jerusalem at ang templo ay muling itinayo pagkatapos ng pananakop ng Babilonya. Kahit na maaring sabihin na ang mga mangungukob na Caldeo ay yumurak at pumulbos sa Jerusalem, si Jehova ay namagitan at binaligtad ang kalagayan. Kahit na totoo na ang Jerusalem ay habang buhay nang nanatili sa ilalim ng awtoridad ng humaliling mga Gentil na kaharian, kasama na ang Persya, Gresya at Roma noong panahon ni Kristo, ngunit ayon sa mga propeta, nang ang Babilonya ay malupig ni Ciro, ang pinarusahang tulad babaeng organisasyon ay bumangon mula sa alikabok at muling ipinagkaloob ni Jehova sa Jerusalem ang dati nitong karangalan. At kahit na ang mga Judio noong panahon ni Jesus ay maarihing namuhi sa kanilang mga Romanong mangungukob, malamang dahil sa nga buwis at tributo na ipinapataw sa kanila, ang katotohanan nga ay na ang mga Judio ay binigyan ng malawakang  kalayaan, partikular na sa mga bagay may kinalaman sa pagsamba. Ang pinaka mahalaga, ang kanilang pagsamba kay Jehova sa Jerusalem ay hindi nahadlangan. Kaya nga nagkaroon ng matinding kaguluhan nang ang Romanong “kasuklam-suklam na bagay” ay lumapastangan sa Judiong templo noong 66 C.E bilang katuparan ng hula ni Jesus.

Kaya imposible na maunawaan ng mga apostol ang sinabi ni Jesus na mangahulugang ang mga bansa ay yumurak na sa Jerusalem mula pa noong panahon ni Nabucodonosor.

Kaya nga, walang makakasulatang batayan sa pagkakapit ng pitong panahon ni Daniel sa “takdang panahon ng mga bansa” na tinalakay ni Jesus. Gayundin naman na walang makakasulatang indikasyon na ang “takdang panahon ng mga bansa” ay nagsimula noong ang mga hukbo ng Imperyong Romano ay yumurak sa banal na dako ng Judio noong 70 C.E.

Malinaw na ang propesiya ng pagkawasak ng Jerusalem ay may mas malawakan pang pagkakapit, nagbabadiya nga ito ng makabagong panahong kasuklam-suklam na bagay na magdudulot ng pagkatiwangwang sa isang banal na dako sa para sa Diyos. Kaya nga wasto nating mauunawaan na ang takdang panahon ay may kinalaman sa yugto ng panahon na ang Diyos ay magpapahintulot na ang simbolikong Jerusalem at ang banal na dako ay mayurakan at maging tiwangwang. Karagdagan pa, may nakahihimok na dahilan para maniwala na ang takdang panahon ng mga bansa ay magaganap pa lamang sa hinaharap.

Sa Mateo 24:15-16 si Jesus ay nagsaad na ang pagyurak at pagkatiwangwang ng banal na dako sa Jerusalem ay kasuwato ng katuparan ng propesiya ng Daniel. Espesipikong sinabi ni Jesus: “Kaya nga, kapag nakita ninyo ang kasuklam-suklam na bagay na sanhi ng pagkatiwangwang, na tinukoy sa pamamagitan ni Daniel na propeta, na nakatayo sa isang dakong banal, (gumamit ng kaunawaan ang mambabasa,)  kung magkagayon yaong mga nasa Judea ay magsimula nang tumakas patungo sa mga bundok.”

Ang nakauunawang mambabasa ay tiyak na makakapansin na ang hula ay nagsasaad sa ilang lugar na ang banal na bayan at ang “lunsod ng kagayakan” kasama na ang banal na dako, santuaryo at ang “palagiang handog” ay mawawasak at mayuyurakan ng mga bansa sa loob ng isang espesipikong panahon.

Ngunit ang mga Saksi ni Jehova ay naniniwala na ang Sangkakristiyanuhan ay ang makabagong panahong banal na dako dahil lang sa dahilan na ang sinaunang Jerusalem ay hindi naging tapat sa Diyos, kung kaya nga nagdesisyon ang Diyos na dapat siyang mawasak. Kung totoo nga iyan, bakit sa kahalintulad na bersiyon ng propesiya ni Jesus sa aklat ng Marcos ay sinasabi na ang kasuklam-suklam na bagay ay “nakatayo kung saan hindi dapat?” Kung ang banal na dako ay talaga ngang ang di-banal na lugar ng Sangkakristiyanuhang puno ng nagkakasalungatang mga pangkat at mga sekta, hindi ba nararapat lang na ang pulitikal na kasuklam-suklam na bagay ay makatanggap ng “maligayang pagdating” sa halip na “nakatayo kung saan hindi dapat.”

Ang nangingibabaw na paniniwala ay na bilang isang organisasyon, ang Watchtower at ang mga Saksi ni Jehova ay nasa isang sinangayunang katayuan sa harap ng Diyos. Ngunit dahil ihinula ni Jesus na ang banal na dako ay matitiwangwang bilang resulta ng paglalapat ng hatol ng Diyos, sa dahilang iyan may kawalang-unawang ipinagpalagay na ang banal na dako ay malamang na nangangahulugan ng isang bagay bukod sa esperituwal na templo na binubuo ng banal na bayan ng Diyos. Ngunit ilang bersikulo pa pababa, sa katulad na katulad na konteksto, nagsalita si Jesus ukol sa Jerusalem na niyuyurakan sa loob ng isang takdang panahon, na binigyang kahulugan ng Watchtower bilang kumakatwan sa makalangit na kaharian ng Diyos. Maliwanang nga na ito ay magkakasalungat at nagpapahiwatig ng isang artipisyal na pagpapakahulugan ng mga salita ni Kristo para magkapit ang Watchtower ng dalawang magkaibang interpretasyon ng kung ano ang inilalarawan ng Jerusalem at ng banal na dako, lalung higit dahil ang pagkatiwangwang ng banal na dako at ng Jerusalem at ang takdang panahon ng mga bansa upang yurakan ang Jerusalem ay magkakakonteksto.

Higit pa riyan, si Kristo mismo ay kumilala sa Jerusalem bilang ang banal na lunsod. Tinawag pa nga niya ang Jerusalem na “ang lunsod ng dakilang Hari.” Hindi lang iyon kundi, nilinis din ni Jesus ang templo ni Jehova sa dalawang magkaibang okasyon na tinatawag itong “ang bahay ng aking ama.” Kaya nga kahit na ang Judiong relihiyon nang panahong iyon ay tiwali, hindi minalas ni Jesus ang mismong templo at ang isinasagisag nito bilang isang bagay na hindi banal. Kung hindi gayon, bakit pa mag-aabala si Jesus na palayasin ang mga tagapalit ng salapi palabas ng templo? Bilang isang matapat na Judio, si Jesus ay nagpakita ng matinding paggalang para sa templo ng Diyos. Labis siyang nagdalamhati nang kinailangan niyang magpahayag ng kaabahan laban sa Jerusalem at sa maganda nitong templo. Sa huling pagdalaw niya sa banal na lunsod, si Jesus ay lumuha habang tinitiningnan niya ang templo mula sa malayo. Kung pagbabasihan ang pangmalas at damdamin ni Jesus ukol sa Jerusalem at sa templo, hindi nga kaayon nito na isiping pinatutungkol niya ang kaniyang mga pagtukoy tungkol sa banal na dako at sa Jerusalem sa hindi banal na Sangkakristiyanuhan.

Hayaang ang mambabasa ay magbigay pansin sa okasyon noong si Jesus ay lumuha dahil sa Jerusalem, kaniya ring ihinula na “Sapagkat ang mga araw ay darating sa iyo na ang iyong mga kaaway ay magtatayo sa paligid mo ng kuta na may mga tulos na matutulis at palilibutan ka at pipighatiin ka sa bawat panig… sapagkat hindi mo naunawaan ang panahon ng pagsisiyasat sa iyo.”

Kung kukunsultahin ang mga Hebreong propeta, kung saan ibinatay ni Jesus ang kaniyang sariling mga turo, ang ika-29 kabanata ng Isaias ay nagsisimula sa pagpapahayag ng kaabahan laban sa lingkod ng Diyos na si Ariel. Ang unang bersikulo ay kababasahan ng ganito, “Sa aba ng Ariel, ng Ariel, ang bayan na pinagkampuhan ni David” Ang bayan kung saan nagkampo si David ay walang iba kung hindi nga ang lunsod ng Jerusalem, na sinakop ni David mula sa mga Jebusita upang magawa niya itong sentro ng kaharian ng mga Israelita. Kaya nga tinawag ang Jerusalem na “lunsod ni David.”

Ang ikatlong bersikulo ay nagpapatuloy sa pagsasabi: “At ako ay magkakampo sa magkabi-kabila laban sa iyo, at kukubkubin kita ng bakod na mga tulos at magtatayo ako laban sa iyo ng mga kayariang pangubkob. ”

Ang pakahulugan ng diksyunaryo sa “palitada” ay “isang bakod ng tulos.” Hindi nagkataon na sa Lucas 19:43. Iyan ang eksaktong sinabi ni Jesus na gagawin ng kaaway sa Jerusalem.

Ang tanong ay bumabangon: Si Isaias ba ay humuhula ng pagkawasak ng Jerusalem sa kamay ng mga Romano? Hindi. Ang bahagi bang ito ng propesiya ni Isaias ay tumutukoy sa pagwasak ni Nabucodonosor sa Jerusalem? Hindi rin. Ang dahilan ay sapagkat sa mga sumusunod na bersikulo, sa ika-pito at walo ang hula ay naglalarawan sa mananalakay bilang maraming mga bansa. Sa maikli, ang mga bersikulong iyon ay kababasahan ng ganito: “At ito ay mangyayari na parang panaginip. May kinalaman sa pulutong ng lahat ng mga bansa na nakikipagdigma laban sa Ariel, at ang lahat nga ng nakikipagdigma laban sa kaniya,… gayon ang mangyayari sa pulutong ng lahat ng mga bansa na nakikipagdigma laban sa bundok Sion.”

Kahit saan man, kinukumpirma ng mga propeta na isang kombinasyon ng lahat ng mga bansa ang dadambong sa espirituwal na Jerusalem. Bilang halimbawa, ang Zacarias 14:2 ay nagsasabi: “At titipunin ko ang lahat ng mga bansa laban sa Jerusalem para sa digmaan; at ang lunsod ay bibihagin…” Ang kahalagahan ng kasuwatong propesiya sa Zacarias ay na ang propesiya ay ibinigay pagkatapos na wasakin ng mga taga-Babilonya ang Jerusalem. Ang mga pagmamalupit na isasagawa laban sa mga lingkod ng Diyos sa pagatake na iyon sa Jerusalem ay ang sa wakas magpapakilos sa nakakikilabot na galit ni Jehova at sa pagwasak sa lahat ng mga bansa sa makasagisag na larangan ng digmaan ng Armageddon. Ang Isaias 29:5-6 ay nagbubunyag na si Jehova ay kaagad na kikilos pagkatapos na salakayin ang Ariel sa pamamagitan ng lubusang paggapi sa mga manlulusob sa pamamagitan ng sobre natural na hukbo.

At dahil si Jesus ay bumanggit ng halos salita por salita mula sa mga propesiya ni Isaias noong siya ay nagpapahayag ng kaabahan laban sa Jerusalem, at dahil hindi winasak ng Diyos ang Imperyong Romano o ang hukbo nito bilang tugon sa kanilang pagwasak sa Jerusalem at sa Judiong templo, maliwanag na ang dalawang hula ay kumakapit sa esperituwal na Israel. Iyan ay nangangahulugan na ang banal na dako na nakatalaga para sa pagkatiwangwang sa darating na pambuong daigdig na dakilang kapighatian ay ang makalupang organisasyon ni Jehova at hindi ang Sangkakristiyanuhan.

Dahil sa kaalamang ito, ngayon ay nauunawaan natin kung ano ba talaga ang kahulugan ng takdang panahon ng mga bansa.

Yamang walang propesiya ng kasulatan ang nag-uugat mula sa sariling pagpapakahulugan, gaya nga ng isinulat ni Pablo, ang sariling salita ng Diyos ang siyang dapat magbigay pakahulugan sa sarili nito. Isaalang-alang: Sa aklat ng Apocalipsis, na isinulat mahigit dalawangpung taon matapos na ang Jerusalem ay mayurakan ng mga Romano, ibinunyag ni Kristo na mayroon ngang takdang panahon para yurakan ng mga bansa ang banal na dako ng Diyos. Ang takdang panahon ay apatnapu’t dalawang buwan. Ang Apocalipsis 11:2-3 ay nagsasaad: “Ngunit kung tungkol naman sa looban na nasa labas  ng santuwaryo ng templo, lubusan mo itong pabayaan at huwag mong sukatin, sapagkat ibinigay na ito sa mga bansa, at yuyurakan nila ng kanilang mga paa ang banal na lunsod sa loob ng apatnapu’t dalawang buwan. At ang aking dalawang saksi ay pangyayarihin kong manghula nang isang libo dalawang daan at animnapung araw na nadaramtan ng telang-sako.”   

Ang apatnapu’t dalawang buwan at ang 1,260 araw ay katumbas ng tatlo at kalahating taon. Ang propesiya sa ika-pitong kabanata ng Daniel ay humula ng kahalintulad na tatlo at kalahating taong panahon kung saan ang mga anak ng kaharian ay yuyurakan ng mabangis na hayop.

Kataka-taka na ang Watchtower ay nagtuturo na ang apatnapu’t dalawang buwan na panahon ng pagyurak ay nangyari kara-karaka pagkatapos na ang takdang panahon ng mga bansa ay sinasabong natapos noong 1914. Ngunit, dahil nga ang tanging tunay na pakahulugan ng “takdang panahon ng mga bansa” ay nagtuturo sa tatlo at kalahating taong panahon at hindi ang gawa-gawa lamang na 2,520 taong panahon, walang malinaw na basehan para iugnay ang wakas ng Panahong Gentil sa 1914. At sa wakas, yamang ang aklat ng Apocalipsis ay nagsasaad na ang pagyurak sa banal na dako ay magaganap dali-dali bago gawin ng Diyos na “ipahamak yaong nagpapahamak sa lupa,” maliwanag nga hindi lang na hindi pa natatapos ang takdang panahon ng mga bansa kung hindi, hindi pa nga ito nagsisimula!







Kabanata 3- Ang Pag-aani

“Ang pag-aani ay katapusan ng isang sistema ng mga bagay, at ang mga manggagapas ay mga anghel.”
                          
                             -Jesu-Kristo -


Mayroon man o wala ang pitong panahong kronolohiya, ang mga Saksi ni Jehova ay lubusang kumbinsido na ang panahon ng kawakasan at ang inihulang panghuling pag-aani ay nagsimula na noong 1914. Subalit, ang kabanatang ito ay masusing sumusuri sa ilang mahigpit na mga pinanghahawakang maling pag-aakala at ang nasasangkot sa isang panghinaharap na panahon ng pag-aani. Ano ang pag-aani?
Inihalintulad ni Jesus ang ministeryong Kristiyano sa isang pag-aani. Sa Mateo 9:36-38, si Jesus ay nagsalita tungkol sa potensyal para sa pagtitipon ng malalaking bilang ng mga tao at sa pangangailangan para sa mga manggagawa sa sakahan na sinasabi: “Oo ang aanihin ay marami, ngunit ang mga manggagawa ay kakaunti. Kaya nga magsumamo kayo sa Panginoon ng pag-aani na magpadala ng mga manggagawa sa kaniyang pag-aani.” Ayon sa ilustrasyon ni Jesus, ang pag-aani ay nagaganap na noon pa.

Subalit, sa ika-13 kabanata ng Mateo, si Jesus ay nagsalita tungkol sa isa pang pag-aani, isa na magaganap sa katapusan ng sistemang ito. Espesipikong sinabi ni Jesus: “Ang pag-aani ay katapusan ng isang sistema ng mga bagay, at ang mga manggagapas ay mga anghel.” Maliwanag na ipinahayag ni Jesus ang ilustrasyon ng pag-aani sa isang pangkalahatang paraan upang ilarawan ang gawaing gagampanan ng mga ministrong Kristiyano, ngunit ginamit rin niya ang paghahalintulad sa isang napaka-espesipikong paraan upang ilarawan ang mga magaganap sa pangwakas na paghatol. Ang dalawang ilustrasyon ay nagkakaiba sa isang malaking paraan:  sa panghuling pag-aani ang mga manggagapas ay ang mga anghel, hindi mga ministrong Kristiyano.

Magkagayunman, ang mga Saksi ni Jehova ay patuloy pa ring naniniwala na ang mga anghelikong mang-aani ay ipinadala na sa sakahan. Iyan ay kasuwato ng pagsunod sa turo ng Watchtower na ang tinutukoy ng kasulatan na panahon ng katapusan ng sistemang ito ay nagsimula noong 1914. Hindi naman ibig sabihin na walang saganang ebidensiya na ang mga anghel ay nangangasiwa at umaalalay sa mga ministrong Kristiyano, subalit ang tanong ay kung tunay nga ba o hindi na nagaganap na ang pang-huling pag-aani. Kung titingnan, hindi ba ang ebanghelyong gawain ng mga Saksi ni Jehova ay higit na maihahalintulad sa gawaing pag-aani na isinagawa rin ng mga unang siglong Kristiyanong alagad- kaysa sa pang-huling pag-aani? Mayroong nakahihimok na mga dahilan upang paniwalaan iyan yamang maraming aspekto ng parabula ni Jesus ay hindi pa lumilitaw sa panahong ito.

Bilang halimbawa, si Jesus ay malinaw na nagsaad na ang mga anghel ay hahayo muna at titipunin ang mga panirang damo mula sa mga trigo. Sinabi ni Jesus: Hayaan ninyong kapuwa sila lumaking magkasama hanggang sa pag-aani; at sa kapanahunan ng pag-aani ay sasabihin ko sa mga manggagapas, Tipunin muna ninyo ang mga panirang-damo at bigkisin ang mga iyon sa mga bungkos upang sunugin ang mga iyon, pagkatapos ay tipunin ninyo ang trigo sa aking kamalig.”

Ang pagpapakahulugan ng Watchtower sa ilustrasyon ay lumalabag sa simpleng pagkakasunod-sunod ng mga pangayayring ibinalangkas ni Jesus. At upang masuportahan ang walang batayang paniniwala na ang pag-aani ay nagsimula na noong 1919, ang Watchtower ay napilitang pilipitin ang mga sinalita ni Jesus upang masabi na ang mga trigo ay tinitipon at inihihiwalay mula sa mga panirang damo. Maingat na pansinin ang isyu ng Agosto 1, 1981 kung saan nagkomento ang Watchtower:

“Kailan, pagkatapos ng 1914 ginawa ng Anak ng tao na “isugo ang kaniyang mga anghel” upang ibukod ang mga “anak ng kaharian” mula sa “mga anak ng isa na balakyot,” ang huwad na “trigo,” samakatuwid nga, “ang mga “taong gumagawa ng katampalasanan” at kasama na rin ang “taong tampalasan,” ang mga relihiyosong lider ng huwad na Kristiyanismo? Ang sagot ay dapat na tumugma sa mga katotohanan at ang mga ito ay nagpapakita na noong 1919 nang ang mga iniluwal sa espiritung pinahirang “mga anak ng kaharian,” na inilalarawan ng “trigo” ay nagsimulang mapalaya mula sa mga “panirang damo” o mga huwad na Kristiyano, na namumuno sa relihiyosong sakahan ng sangkatauhan...”

Si Jesus ay naging malinaw sa pagsasabi na ang pag-aani ay maisasakatuparan kapag inalis na ng mga anghel ang mga balakyot mula sa mga matuwid. Subalit sa kasalukuyang turo ng Watchtower ukol sa parabula ay nagpapalagay na ang matuwid na “trigo” ay una munang ihihiwalay mula sa mga panirang damo. Subalit malinaw na sa parabula, ang mga mang-aaning anghel ay sinasabing magsasagawa ng lubusang paglilinis sa pamamagitan ng pag-aalis at pag-wasak sa lahat ng mga tiwaling impluwensiya mula sa loob ng kaharian ni Jesus. Si Jesus ay nagpatuloy sa pagpapaliwanag ng kahulugan ng parabula: Samakatuwid, kung paanong ang mga panirang-damo ay tinitipon at sinusunog sa apoy, gayon ang mangyayari sa katapusan ng sistema ng mga bagay.Isusugo ng Anak ng tao ang kaniyang mga anghel, at titipunin nila mula sa kaniyang kaharian ang lahat ng mga bagay na sanhi ng ikatitisod at yaong mga gumagawa ng katampalasanan, at kanilang ihahagis sila sa maapoy na hurno. Doon mangyayari ang kanilang pagtangis at ang pagngangalit ng kanilang mga ngipin. Sa panahong iyon ang mga matuwid ay sisikat nang maliwanag na gaya ng araw sa kaharian ng kanilang Ama. Siya na may mga tainga ay makinig.”

Sa ilustrasyon, ang “kaniyang kaharian” ay maari lamang tumukoy sa kongregasyon ni Kristo. Bilang halimbawa, ang Colosas 1:13 ay tumutukoy sa pagkaligtas ng mga Kristiyano mula sa mundo ng espirituwal na kadiliman at inililipat ni Jehova “sa kaharian ng Anak ng kaniyang pag-ibig”. Ang tanong ay: Kung ang mga panirang damo sa ilustrasyon ay sumasagisag sa mga Kristiyano sa Sangkakristiyanuhan, paano kung gayon masasabi na ang gayong mga indibiduwal ay nasa kaharian rin ng Diyos?- Pakisuyong bigyang pansin: Sinabi ni Jesus na ang mga panirang damo ay titipunin “mula sa kaniyang kaharian”.

At papano magiging totoo na naalis na ng mga anghel “ang lahat ng mga bagay na sanhi ng ikatitisod at yaong gumagawa ng katampalasanan” mula sa kaharian ni Kristo? Pannong ang isang bagay na tulad niyan ay maisasagawa noong 1919? Tiyak namang hindi sinasabi ni Kristo na ipadadala niya ang kaniyang mga anghel upang linisin ang mga bagay na sanhi ng ikatitisod at ang mga gumagawa ng katampalasanan mula sa Sangkakristiyanuhan, hindi ba? Higit pa rito, kung ang mga anghel ay nagsagawa na ng pag-aalis ng gayong mga bagay mula sa mga tunay na anak ng kaharian noon pang 1919, bakit kung gayon ay mayroon pa ring mga sanhi ng katitisuran at mga taong gumagawa ng katampalasanan sa pagitan ng mga Saksi ni Jehova hanggang sa kasalukuyang panahon?

Bilang halimbawa ng sanhi ng katitisuran, isang hayag na katotohanan na noong mga dulong taon ng mga 1960, ang mga tagapagsalita ng Watchtower ay nagsimulang pumukaw ng pag-asa sa mga Saksi ni Jehova na ang Armagedon ay darating na noong mga humigit kumulang 1975. Sa mga sumunod na mga taon pagkatapos ng nakahihiyang kabiguang iyon, libo-libong mga nabigong mga Saksi ang umalis sa organisasyon. Para sa kanila, ang isterismo ng 1975 ay isang nakapagbabaliktad ng espirutuwal na sanhi ng katitisuran. Nito lamang huli, ang organisasyon ay napilitang ilalag ang turo na ang mga inidbiduwal mula sa henerasyon ng 1914 ay mabubuhay pa upang personal na masaksihan ang katapusan ng sistemang ito. Muli ay di-mabilang na mga miyembro ng mga Saksi ni Jehova ang natisod, malamang maging ang ilan ay mula pa sa mga pinahirang anak ng kaharian.

At higit pang kasalukuyan, ang mapagpaimbabaw na pakikipang relasyong NGO ng Watchtower ay napatunayan rin bilang isang sanhi ng katitisuran para sa ilang Saksi ni Jehova. Gayundin naman isa pa ring suliranin ang di-mabilang na mga tampalasan sa espirtuwal na mga indibiduwal sa pagitan ng mga Saksi ni Jehova- sobrang dami na ilang pung libong mga imoral na mga Saksi ang natitiwalag kada taon. At siyempre, marami pang ibang mga problema ang nagpapahirap sa mga kongregasyon. Kaya papaano magiging totoo na pinasimulan na ng mga anghel ang pag-aani na magtatanggal sa lahat ng mga masasama mula sa kaharian ni Kristo? Ang mga makakapangyarihan bang mga mang-aaning anghel ni Jehova ay ganoon ka-walang bisa?

Karagdagan pa, kung ang pag-aani ay tunay ngang naganap na nong 1919 at dapat nga ay ang lahat ng mga huwad na mga Kristiyano ay tinipon na upang ihagis sa apoy noon pa man, bakit kung gayon ay wala pang nagaganap na gayong pagkawasak? Sa halip, ang buong henerasyon ng mga inakalang tulad-panirang damong mga indibiduwal ay lumipas na at nawala- malinaw na napalitan na ng mga panibagong malalaking uri ng panirang damo. Isa pa, ang may katinuang pangangatuwiran ay nagtuturo na ang pang-huling pag-aani ay hindi isinasagawa sa loob ng ilang dekada, kundi isasagawa sa loob ng maikling yugto ng panahon mula sa mga natipon nang “pananim”.

Upang mapahalagahan ang ibig sabihin ng parabula ng pag-aani, makatutulong na isaalang-alang ang sinabi ni apostol Pablo tungkol sa mga bagay na ito. Sa 1 Corinto 3:9, ang apostol ay sumulat: “Sapagkat kami ay mga kamanggagawa ng Diyos. Kayo ang sakahang bukid ng Diyos, ang gusali ng Diyos.” Sa paghahalintulad sa kongregasyon ni Kristo sa isang gusaling nasa proseso ng pagtatayo, at sa sakahan na nasa ilalim ng paglilinang, si Pablo ay naglaan ng pantulong upang maunawaan ang parabula ni Kristo tungkol sa pag-aani. Papaano? Si Pablo ay nagpatuloy sa paglalarawan sa nagaganap na kasalukuyang pagtatayo ng “gusali ng Diyos” sa pamamagitan ng paghahalintulad sa kontribusyon ng bawat isa sa ibat-ibang uri ng materyales sa pagtatayo na sinasabi: Ngayon kung ang sinuman ay nagtatayo sa ibabaw ng pundasyon ng ginto, pilak, mahahalagang bato, mga materyales na kahoy, dayami, pinaggapasan, ang gawa ng bawat isa ay mahahayag, sapagkat ang araw ang magpapakita nito, dahil ito ay masisiwalat sa pamamagitan ng apoy at ang apoy ang siyang magpapatunay kung anong uri ang gawa ng bawat isa.”

Kinilala ng apostol na kapuwa ang kanais-nais at di-kanais-nais na mga bagay ay bahagi ng pinahirang kongregasyon, o ng kaharian ni Kristo at na kapuwa ang mga mababang uri ng materyales at ang mga mamahling mga metal at bato ay magkasamang iiral sa parehong gusali o organisasyon hanggang sa ang araw ng apoy ay magdala sa gawain ng bawat isa sa pagsubok. Ang ilang mga tao at mga bagay ay mananatili at ang iba ay matutupok. Ang mga bagay na madaling masunog (kahoy, dayami, pinaggapasan)ay maihahalintulad sa mga panirang damo sa ilustrasyon ni Jesus. Ang dahilan kung bakit ginamit ni Pablo ang ilustrasyon, unang una sa lahat ay sapagkat ang ilan mula sa mga taga-Corinto ay sumusunod sa mga tao lamang at may tendensiyang bumuo ng mga sekta. Ang ilan ay nagsasabing sila ay kay Pablo, ang ilan naman ay kay Apolos at ang iba pa ay kay Caipas, kay ganoon at kay ganito. Ang ilustrasyong inilahad ni Pablo ay ginamit upang ipakita na kahit na ang ilang inidbiduwal ay parte ng kongregasyon, kung ang kanilang pananampalataya ay hindi matibay na natatag sa pundasyon ni Kristo, sila nga ay nagtatayo gamit lamang ang kahoy, dayami at pinaggapasan at ang kanilang mga gawa ay hindi tatagal sa maapoy na pagsubok na naghihintay sa hinaharap.

Sa isa pang ilustrasyon, si Pablo sa katulad na paraan ay tumukoy sa kongregasyon bilang isang malaking bahay na naglalaman kapuwa ng mararangal at di-mararangal na mga sisidlan. Kaya ang punto ay- may kaugnayan sa ilustrasyon ni Kristo, kapuwa ang mga trigo at ang panirang damo ay umiiral sa loob ng Kristiyanong kongregasyon hanggang sa araw ng apoy. Nangangahulugan ito na ang mga trigo at mga panirang damo ay hindi nakapangalat sa ibat-ibang mga mga pangkat ng Babilonyang Dakila; sa halip, ang dalawang uring ito ay umiiral na sa loob ng Kristiyanong kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova.

Na ang trigo at mga panirang damo ay inaani mula sa iisang Kristiyanong organisasyon ay mababatid rin mula sa pitong liham ng Apocalipsis; na nakapangalan sa pitong kongregasyon sa araw ng Panginoon. Ang payo ni Jesus sa mga kongregasyon ay maliwanag na nagpapakita na ang ilang indibiduwal na mga miyembro mula sa mga kongregasyong iyon, bagaman pinahiran, ay hindi nangangahulugan na sinasangayunan sila at na hindi nila maipapasa ang pagsubok hanggat hindi sila nagsisisi. Bilang halimbawa, sinabi ni Jesus sa kongregasyon ng Sardis: “Maging mapagbantay ka, at palakasin mo ang mga bagay na nalalabi na malapit nang mamatay, sapagkat ang iyong mga gawa ay hindi ko nasumpungang lubusang naisagawa sa harap ng aking Diyos. Kung gayon, patuloy mong isaisip kung paano mo tinanggap at kung paano mo narinig, at patuloy mong tuparin ito, at magsisi ka. Tiyak nga na malibang gumising ka, darating ako na gaya ng magnanakaw, at hindi mo na malalaman pa kung anong oras ako darating sa iyo.”

Partikular na kapansin-pansin na tinapos ni Jesus ang bawat liham niya sa mga kongregasyon sa pamamagitan ng pagsasabi sa kanila: “Ang may tainga ay makinig sa sinasabi ng espiritu sa mga kongregasyon.” Tinapos rin ni Jesus ang kaniyang ilustrasyon ng mga trigo at panirang damo sa isang kahalintulad na babala: “Siya na may mga tainga ay makinig.”

“ANG KAHARIAN NG LANGIT AY TULAD NG ISANG LAMBAT NA PANGUBKOB”

Isa pang aspekto na dapat isaalang-alang ay na sinabi ni Jesus na ang mga panirang damo ay makararanas ng “pagtangis at pangangalit ng ngipin.” Ano ang kahulugan nito?

Ang mga pananalitang “Doon mangyayari ang kanilang pagtangis at ang pangangalit ng kanilang mga ngipin” ay laging ginagamit ni Jesus upang ilarawan ang desperadong kondisyon na mararanasan ng mga hindi sinang-ayunan kapag itinapon na sila sa labas ng kaharian. Ang espesipikong mga pananalita ay hindi kailanman ginamit bilang pagtukoy sa kahatulan sa mundo sa kabuuan. Bilang halimbawa sa Mateo 8:12, sinabi ni Jesus: “samantalang ang mga anak ng kaharian ay itatapon sa kadiliman sa labas. Doon mangyayari ang kanilang pagtangis at ang pagngangalit ng kanilang mga ngipin.”

Sa katulad na paraan, sa ilustrasyon ng kasal ng anak ng hari, na maliwanag na naglalarawan sa kasal ng Kordero, ang lalaki na pinapasok sa piging ng kasalan, ngunit sa kinalaunan ay nasumpungang hindi nadaramtan ng kasuotang pangkasal ay ginapos at itinapon sa kadiliman sa labas kung saan naganap ang kaniyang pagtangis at ang pangangalit ng kaniyang ngipin.

Tulad rin nito, sa ilustrasyon ng tapat at maingat na alipin, ang masamang alipin ay sinasabing tatangis at mangangalit ang mga ngipin kapag itinapon na siya sa labas ng sambahayan ng Diyos sa panghuling pagsisiyasat. Higit pa riyan, ang balakyot at makupad na alipin na nagmalabis sa mga pag-aari ng kaniyang panginoon ay nakatakdang dumanas ng katulad na kapalaran.

Ginamit rin ni Jesus ang mga pananalitang pagtangis at pangangalit ng ngipin sa isa pang ilustrasyon. Sa konteksto ng parabula tungkol sa mga trigo at mga panirang damo sa ika-13 kabanata ng Mateo, si Jesus ay nag-ugnay ng isang kaparehong ilustrasyon na inihahalintulad ang kaharian ng langit sa lambat na pangubkob ng mangingisda na sinasabi: “Muli ang kaharian ng langit ay tulad ng isang lambat na pangubkob na inihulog sa dagat at nagtitipon ng bawat uri ng isda. Nang mapuno ito ay hinatak nila ito sa dalampasigan at, pagkaupo nila, tinipon nila ang maiinam sa mga sisidlan, ngunit ang mga di-karapat-dapat ay itinapon nila. Ganiyan ang mangyayari sa katapusan ng sistema ng mga bagay: lalabas ang mga anghel at ibubukod ang mga balakyot mula sa mga matuwid at ihahagis sila sa maapoy na hurno. Doon mangyayari ang kanilang pagtangis at ang pagngangalit ng kanilang mga ngipin.”

Ano ang isinasagisag ng lambat na pangubkob? Ayon sa Hunyo 15, 1992 isyu ng Bantayan, ang lambat na pangubkob ay sumasagisag kapuwa sa Sangkakristiyanuhan at sa tunay na kongregasyon ni Kristo. Ganito nga ang mababasa natin:

“Kaya nga ang lambat na pangubkob ay sumasagisag sa makalupang instrumento na nag-aangking kongregasyon ng Diyos at nagtitipon ng isda. Kasama rito kapuwa ang Sangkakristiyanuhan at ang kongregasyon ng mga pinahirang Kristiyano, na ang huling nabanggit ay nagpapatuloy sa pagtitipon ng mainam na isda, sa ilalim ng patnubay ng di-nakikitang mga anghel…”

Subalit, si Jesus ay hindi nagbigay ng anumang indikasyon na ang lambat na pangubkob ay sumasagisag sa maraming organisasyon na basta na lamang nag-aangkin bilang ang kongregasyon ng Diyos. Sinabi niya: “ang kaharian ng mga langit ay parang isang lambat na pangubkob.” Iyan ay nangangahulugan na ang lambat ay sumasagisag sa makalupang kongregasyon ng Diyos- hindi ang mga tulad Babel na institusyon na malamang na nag-aangkin ring kongregasyon ng Diyos.

Ang interpretasyon ng Watchtower ay kapos rin sa isa pang paraan.

Kung ang makasagisag na lambat na pangubkob ay simbolikong hinila sa tabing-dagat at ang hinulang pagbubukod ay nagsimula na noong 1919 gaya ng iginigiit ng Watchtower, nangangahulugan iyon na ang paghatol ay nagsimula na noon. Hindi ba sinabi ni Jesus na ang hindi karapat-dapat na isda ay ihahagis sa maapoy na hurno? Ngunit halos lahat ng mga nabuhay noong panahong iyon ay namatay na. At sapagkat mayroong magaganap na pagkabuhay muli ng kapuwa matuwid at di-matuwid sa isang libong taong paghahari ng kaharian ng Diyos, anong layunin ang maaring naisagawa ng mga anghel sa pagbubukod ng mga matuwid sa hindi matuwid kung sila naman ay magkakasama-sama sa libingan at pagkatapos ay bubuhayin ring muli sa lupa- o sa langit, sa kaso ng mga pinahirang indibidwal?

Ang parabula ni Jesus tungkol sa lambat na pangubkob ay naglalarawan ng isang tiyak at pangwakas na pagbubukod na magpapasiya ng pang-habangbuhay na kapalaran ng mga taong nabubuhay sa isang espesipikong panahon. May kinalaman naman sa parabula ng mga trigo at panirang damo, espesipikong binanggit ni Jesus na ang mga anghel ang gagawa ng gawaing pagbubukod- hindi ang mga tao lamang na ginagabayan ng mga anghel, gaya ng naunang ipinahayag ng Watchtower. Karagdagan pa, kung ang di-kanais-nais na isda ay hindi pa nahihahagis sa maapoy na hurno, na malinaw ngang hindi pa talaga nangyari, gayundin naman na ng mainam na isda ay hindi pa natipon.

Ang mga tauhan sa departamento ng pagtuturo at pagsusulat ng Bethel ay dapat ngang makahanap ng sagot sa tanong na: Ilan nga bang tiyak at permanenteng pagbubukod ang mayroon? Iyan ang angkop na katanungan kung isasaalang-alang ang katotohanan na ayon sa Watchtower, mayroong dalawang tulad pag-aaning mga pagbubukod. Ang isa ay sinasabing nagaganap pamula pa noong 1919 patuloy at ang isa pa ay nakatakdang maganap pa lang sa hinaharap. Ngunit talaga bang ang mga turo ng Watchtower ay gayong nagkakasalungatan? Oo, sa kasamaang palad, ganoon nga. Isaalang-alang ang isa pang pagsisipi na kinuha mula sa 1992 isyu ng Bantayan na tinatalakay ang lambat na pangubkob:

“Malamang na alam na ninyo na pagkalipas ng 1919 ang mga pinahirang nalabi ay naging abala sa gawaing pangangaral sa pakikipagtulungan kasama ang mga anghel, na nagpapatuloy sa paggamit ng makasagisag na lambat upang humila ng isda papunta sa tabing-dagat upang ibukod ang mga mainam sa mga di-kanais-nais. Ang estadistika mula sa panahong iyon ay nagpapakita na ang paghuli ng mainam na isda para sa pagpapahid ng espiritu ng Diyos ay nagpatuloy hanggang sa ang huling mga miyembro ng 144,000 ay matipon ng makasagisag na lambat. Ngunit pagdating ng kalagitnaan ng 1930, ang pagtitipon ng maiinam na isda para sa pagpapahid ng banal na espiritu ay natapos na. Ang kongregasyon ba ng mga pinahirang nalabi ay maari na lamang isantabi ang lambat, at umupo habang hinihintay ang kanilang makalangit na gantimpala? Siyempre hindi!”

Ayon sa komentaryo sa itaas, ang gawaing pagbubukod ay nagaganap na pamula 1919. Gayunman, noong 1995 inabandona ng Watchtower ang turo na ang mga tupa at kambing ay hinihiwalay sa panahong ito. Sa isyu ng Oktubre 15 ganito ang mababasa natin:

“Matagal na naming nadama na ang parabula ay naglalarawan kay Jesus na nakaupo bilang hari noong 1914 at pamula noon ay gumagawa ng mga paghatol- buhay na walang hanggan para sa mga tao na napatunayang tulad-tupa, permanenteng kamatayan naman para sa mga kambing. Subalit ang muling pagsasaalang-alang ng parabula ay nagtuturo sa panibagong pagkaunawa ng oras nito at ng inilalarawan nito. Ang pagdadalisay na ito ay nagpapatibay sa kahalagahan ng ating gawaing pangangaral at ng kahalagahan ng pagtugon ng mga tao.”

Ano kung gayon ang inilalarawan ng parabula? Inilalarawan nito ang isang paghatol at pagbubukod sa hinaharap. At sa pagnanais na patunayan ang kanilang bagong katayuan at ang “pagbabago sa pagkaunawa,” hindi namalayan ng Watchtower na sinasalungat at pinawawalang bisa nila ang lahat ng kanilang naunang mga itinuro may kinalaman sa kung kailan naganap ang mga kaugnay na parabula ng mga trigo at panirang damo at ang lambat na pangubkob. Ang Bantayan ay nagpapatuloy:

“Kung ating susuriin ang pagkilos ni Jesus sa parabula, atin siyang mamamasdan na sa wakas ay humahatol sa lahat ng mga bansa. Ang parabula ay hindi nagpapakita na ang gayong paghatol ay nagpapatuloy sa loob ng mahabang yugto ng panahon na para bang bawat taong mamatay noong mga nakalipas na dekada ay nahatulan nang makatanggap ng walang hanggang kamatayan o walang hanggang buhay. Waring karamihan sa mga namatay noong nakalipas na mga dekada ay napunta sa pangkaraniwang libingan ng tao. Ngunit, ang parabula ay nagpapakita ng panahon kung kailan si Jesus ay hahatol sa mga tao mula sa “lahat ng mga bansa” na nabubuhay sa panahong iyon at nahaharap sa pagpapatupad ng kaniyang hudisyal na kahatulan.”

Sa madaling salita, ang parabula ay nagtuturo sa hinaharap kung kailan ang Anak ng tao ay darating sa kaniyang kaluwalhatian. Siya ay uupo upang hatulan ang mga taong nabubuhay sa panahong iyon. Ang kaniyang paghatol ay batay sa kung ano ang ipinakita nila. Sa panahiyong iyon “ang kaibahan ng matuwid mula sa isa na balakyot” ay malinaw na maitatatag. Ang aktuwal na paghahayag at pagpapatupad ng kahatulan ay isasagawa sa loob ng limitadong oras. Si Jesus ay magpapatupad ng makatarungang mga desisyon base sa kung ano ang napatunayan mula sa bawat indibiduwal.

Sa kabilang banda naman, ang Watchtower ay tama sa pangangatuwiran na ang paghatol sa mga bansa ay hindi magaganap sa loob ng “mahabang yugto ng panahon.” Sa pagdating sa konklusyon na iyan, ang Watchtower ay may kaunawaang kinilala na ang parabula ay nagtuturo na ang paghatol ni Jesus ay magaganap kaagad-agad bago ang pinal na “pagpapatupad ng kaniyang hudisyal na kahatulan.” Ngunit taliwas dito, ang Watchtower ay nagtuturo rin na ang kahatulang pag-aani ay nagsimula halos isang siglo na ang nakalipas at nagpapatuloy pa rin!

Ano kaya ang kadahilanan sa likod ng nakababaliw na paraan ng pagpapakahulugan ng Watchtower sa mga propesiya, kung saan ibat-ibang mga pakahulugan ang pinalilitaw mula sa halata namang magkakaugnay na mga teksto? Ang bukod-tanging makatuwirang paliwanag sa hayagang magkakasalungatang mga turo ng Watchtower ay na determinado silang itatag ang kasinungalingan na si Jesus ay nagsimula nang maghari sa mundo noong 1914- kahit na ano pa ang maging resulta nito sa kanilang kredibilidad. Ang tanging dahilan lamang na ang parabula ng mga trigo at ng panirang damo at ang lambat na pangubkob ay iniugnay sa 1919 ay sapagkat sinabi ni Jesus na ang mga parabulang iyon ay naglalarawan sa kung ano ang magaganap sa katapusan ng sistemang ito ng mga bagay. Kung susundin ng Watchtower ang sarili nitong makatuwirang pagpapakahulugan na ikinapit sa parabula ng mga tupa at ng kambing, mapipilitan silang aminin na ang katapusan ng sistemang ito ng mga bagay ay hindi pa talaga nagsisimula. Iyan ay malinaw na hindi katanggap-tanggap sa pamumuno ng mga Saksi ni Jehova. Ang Bethel ay mistulang kumpiyansa na karamihan sa mga Saksi ni Jehova ay hindi makakapansin sa kanilang mapanlinlang na mga interpretasyon; nakalulungkot sa kasalukuyan, waring iilan lamang nga ang nakakapansin.

May kaugnayan sa interpretasyon ng Watchtower, ang balintuna ay na ang parabula ng tupa at kambing ay naglalagay sa kaganapan ng pagbubukod sa panahon kapag si Jesus ay nagi nang hari: ang Mateo 25:31 ay kababasahan ng: “Kapag ang Anak ng tao ay dumating sa kaniyang kaluwalhatian, at ang lahat ng mga anghel na kasama niya, kung magkagayon ay uupo siya sa kaniyang maluwalhating trono. At ang lahat ng mga bansa ay titipunin sa harap niya, at pagbubukud-bukurin niya ang mga tao sa isa’t isa, kung paanong ibinubukod ng pastol ang mga tupa mula sa mga kambing.”

Upang makapagtagpi nanaman ng isa pang pagkakasalungatan, ang Watchtower ay nagpapaliwanag sa parabula ng mga tupa at kambing sa diwa ng pag-upo ni Kristo sa kaniyang tronong pangkahatulan- hindi ng kaniyang makaharing trono- na para bang mayroong dalawang magkaibang okasyon kung kailan iluluklok si Jesus. Subalit malinaw, mayroon lamang isang pinal na paghatol at pagbubukod ng mga matuwid at mga balakyot.

At si Jesus ay humula rin na magaganap iyon nang hindi inaasahan, kapag ang Panginoon ay dumating, at magaganap iyon sa loob ng isang maikling yugto ng panahon. Sa Mateo 24: 40-42 sinabi ni Jesus: “Kung magkagayon dalawang lalaki ang mapapasabukid: ang isa ay kukunin at ang isa naman ay iiwan;  dalawang babae ang maggigiling sa gilingang pangkamay: ang isa ay kukunin at ang isa naman ay iiwan. Patuloy kayong magbantay, kung gayon, dahil hindi ninyo alam kung anong araw darating ang inyong Panginoon.”

“ANG AANIHIN SA LUPA AY LUBUSANG HINOG NA”


Upang higit pang maitatag ang turo ng Bibliya may kinalaman sa bagay na ito at upang maitaob ang “malalim nang nakaukit” na doktrinang sumusuporta sa 1914, ang kabanata 14 ng Apocalipsis ay naglulugar sa pangkalahatang pag-aani na nagaganap sa panahon ng dakilang kapighatian. Papaano? Gaya nga nang tinatalakay saanman sa publikasyong ito, ang pagbubukas ng ika-anim na tatak ay ang magpapasimula ng mga nakayayanig-mundong kaganapan may kaugnayan sa tinatawag ni Kristo na dakilang kapighatian. Subalit, ang kapighatian ay hindi deretsahang humahantong sa Armagedon. Sa halip, ang ika-pitong kabanata ng Apocalipsis ay nagsasaad na ang mga anghel ay mamamagitan upang hawakang mahigpit ang apat na hangin ng mapangwasak na kahatulan ng Diyos hanggang sa ang lahat ng nalalabing miyembro ng 144,000 ay matatakan. Si Jesus ay deretsahang nagsalita tungkol sa isang katulad na kaganapan nang kaniyang sinabi: “Sapagkat kung magkagayon ay magkakaroon ng malaking kapighatian gaya ng hindi pa nangyayari mula nang pasimula ng sanlibutan hanggang sa ngayon, hindi, ni mangyayari pang muli. Sa katunayan, malibang paikliin ang mga araw na iyon, walang laman ang maliligtas; ngunit dahil sa mga pinili ay paiikliin ang mga araw na iyon.”

Ang mahigpit na paghawak sa apat na hangin ay humahanay sa pagpapaikli ng kapighatian alang-alang sa mga piniling kabilang sa 144,000. Malinaw na ang dakilang kapighatian ay ipagpapaliban upang ang panghuling pagtatak ay maisagawa. Dahil nga diyan, ang ika-14 kabanata ng Apocalipsis ay nagtatatag ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari pagkatapos ng panghuling pagtatatak. Iyan ay malalaman natin sapagkat ang pangitain ng 144,000 na nakatayo sa Bundok Sion ay maari lamang mangahulugan na ang mga nalabi ni Kristo sa wakas ay natatakan na sa puntong iyon, kaya naman sa wakas ay kumpleto na ang kaharian. Ang kanilang pagtayo sa Bundok Sion kasama ng Kordero ng Diyos ay kahalintulad ng trigo na tinitipon sa makalangit na kamalig. Taliwas sa mga pag-aakala ng nakararaming mga Saksi ni Jehova, ang layunin ng Diyos ay hindi pa umaabot sa puntong iyon.

Ang pangitain ng Apocalipsis ay nagbubunyag na pagkatapos na ang mga huli sa 144,000 na mga anak ng kaharian ay matipon sa kamalig, saka darating ang oras upang hatulan ang mga tupa at kambing. Kaya sa Apocalipsis 14:6,7 ay kababasahan ng: “At nakakita ako ng isa pang anghel na lumilipad sa kalagitnaan ng langit, at mayroon siyang walang-hanggang mabuting balita na ipahahayag bilang masayang pabalita doon sa mga tumatahan sa lupa, at sa bawat bansa at tribo at wika at bayan, na nagsasabi sa malakas na tinig: “Matakot kayo sa Diyos at magbigay sa kaniya ng kaluwalhatian, sapagkat dumating na ang oras ng paghatol niya, kaya sambahin ninyo ang Isa na gumawa ng langit at ng lupa at dagat at mga bukal ng mga tubig.”

Kaagad-agad pagkatapos ng pag-aani ng mga “bagay sa langit” at ng anghelikong anunsiyo ng sagradong kahatulan, saka kung gayon magsisimula ang “pag-aani sa lupa”: “At isa pang anghel ang lumabas mula sa santuwaryo ng templo, na sumisigaw sa malakas na tinig sa isa na nakaupo sa ulap: “Gamitin mo ang iyong karit at gumapas ka, sapagkat dumating na ang oras upang gumapas, sapagkat ang aanihin sa lupa ay lubusang hinog na.” At isinulong ng isa na nakaupo sa ulap ang kaniyang karit sa lupa, at ang lupa ay nagapasan.”


Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa Apocalipsis ay tumutugma sa pagkakasunod-sunod ng mga kaganapang inihula ni Kristo na magaganap sa katapusan. Ang paghatol ay magsisimula muna sa mga inaasahang tagapagmana ng kaharian. Sa kaniyang pagtalakay sa tanda ng kaniyang presensiya at ng katapusan ng sistemang ito ng mga bagay sa ika-24 at ika-25 kabanata ng Mateo, si Jesus ay nagbigay ng serye ng tatlong parabula upang ilarawan ang mismong mga bagay na iyon: samakatuwid nga, ang ilustrasyon ng tapat at di-tapat na alipin; ang parabula ng maingat at mangmang na mga dalaga at ang parabula ng mga talento. Pagkatapos humula tungkol sa kung paanong ang balakyot at makupad na alipin ay paalisin mula sa sambahayan ng Diyos, si Kristo ay sumunod na nagbigay ng ilustrasyon ng mga tupa at kambing, na may kaugnayan sa paghatol sa lahat ng mga bansa. Makatuwiran ngang ipagpalagay na ang mga tupa ay yaong mga nagsagawa ng kabutihan sa mga kapatid ni Kristo sa panahon ng kaguluhan at pag-uusig na naghuhudyat ng pasimula ng paghatol sa bahay ng Diyos.






Kabanata 4- Ang Paghatol

“Ang sangkatauhan ay pumasok sa isang yugto ng paghatol…  isang paghatol sa mga organisasyong nag-aangking Kristiyano na naging malinaw pamula nang “ang mga huling araw” ay nagsimula sa pamamagitan ng malawakang pagpatay ng Digmaang Pandaigdig I.”

-Abril 1, 1996 Ang Bantayan


Ilang buwan matapos mailubog ni Juan na tagapagbautismo, si Jesus ay nagsagawa ng kaniyang unang pagdalaw sa Jerusalem bilang ang Mesiyas. Pagkatapos niyang makarating para sa kapistahan ng Paskuwa, si Jesus ay nagpunta sa looban ng templo at pinalayas ang mga mangangalakal at itinaob ang mga mesa ng mga tagapagpalit ng salapi na nagtayo ng kanilang mga tindahan doon na sinasabi sa kanila: “Alisin ninyo rito ang mga bagay na ito! Huwag na ninyong gawing bahay ng pangangalakal ang bahay ng aking Ama!”

Sa kaniyang huling paglalakbay sa Jerusalem, sa kapistahan rin ng Paskuwa, na siyang humantong sa kaniyang pagka-aresto, paglilitis at pagkabitay, muling pinalayas ni Jesus ang mga tagapagpalit ng salapi at mga mangangalakal mula sa bahay ng kaniyang Ama. Walang duda sa pagkagulat ng kaniyang mga alagad, kaagad bago ang kaniyang paglilinis ng templo sa pangalawang pagkakataon, si Jesus ay nag-anunsiyo ng magaganap na pagkawasak kapuwa ng Jerusalem at ng templo. Ang sinabing dahilan ay: “Sapagkat hindi mo naunawaan ang panahon ng pagsisiyasat sa iyo.” Bilang ang itinalagang Mesiyas, si Jesus ang tagapagsuri sa bahay ng kaniyang Ama at dahil sa kanilang kalunos-lunos na kawalan ng pananampalataya, ang karamihan sa mga Judio ay nabigong maipasa ang pagsisiyasat na iyon.

Gayunman, isang bagong templo ang itatayo. Hindi, hindi isa pang templo na gawa sa kahoy at mga bato- sa pagkakataong ito isa na espirituwal. Si Jesus ay nagsalita na noon tungkol sa bagong “templo” na ito sa okasyon karakaraka pagkatapos niyang palayasin ang mga tagapalit ng salapi palabas ng bahay ng kaniyang Ama; nang ang mga Judio ay humiling na makakita ng tanda mula sa kaniya bilang patunay ng kaniyang awtoridad mula sa Diyos, sinabi ni Jesus sa kanila: “Gibain ninyo ang templong ito, at sa tatlong araw ay itatayo ko ito.” Syempre pa, inakala ng mga Judio na si Jesus ay nagsasalita tungkol sa pisikal na kayarian ng templo ni Herodes kaya naman sila ay sumagot: “Ang templong ito ay itinayo sa loob ng apatnapu’t anim na taon, at itatayo mo ba ito sa ng tatlong araw?” Ngunit si apostol Juan na malamang na nakasaksi sa pag-uusap ay nang maglaon ay nilinaw kung ano ba ang talagang ibig sabihin ni Jesus. Sa Juan 2:21-22 mababasa natin ito: “Ngunit nagsasalita siya tungkol sa templo ng kaniyang katawan. Gayunman, nang ibangon siya mula sa mga patay, naalala ng kaniyang mga alagad na dati na niya itong sinasabi; at pinaniniwalaan nila ang Kasulatan at ang pananalitang sinabi ni Jesus.”

Gaya nga ng alam ng mga Saksi ni Jehova, si Jesus ay hindi nagsasalita sa literal na pamamaraan nang siya ay nagsalita tungkol sa “templo ng kaniyang katawan.” Si Jesus ay tumutukoy sa katotohanan na ang tradisyunal na uri ng pagsambang nakasentro sa templo sa Jerusalem ay magiging lilipas na. Pagkatapos ng kaniyang pagkabuhay-muli si Jesus mismo ay magiging ang pangunahing katauhan sa isang ganap na bagong uri ng pagsamba- sa diwa siya ang magiging templo, o kahit man lang ang batong panulok ng isang dakilang espirituwal na tulad templong organisasyon.

Ang apostol na si Pedro ay naghalintulad sa espirituwal na kongregasyon ni Jesus sa isang literal na batong templo nang sumulat siya sa 1 Pedro 2:4-6, na nagsasabi: “Sa paglapit sa kaniya gaya ng sa isang batong buháy,  itinakwil, totoo nga, ng mga tao, ngunit pinili, mahalaga, sa Diyos, kayo rin mismo gaya ng mga batong buháy ay itinatayo bilang isang espirituwal na bahay sa layuning maging isang banal na pagkasaserdote, upang maghandog ng espirituwal na mga haing kaayaaya sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Kristo. Sapagkat nakalagay sa Kasulatan: ‘Narito! Inilalatag ko sa Sion ang isang bato, pinili, isang pundasyong batong-panulok, mahalaga; at walang sinumang nananampalataya rito ang sa anumang paraan ay hahantong sa kabiguan.’” 

Ang apostol na si Pablo ay gumamit rin ng eksaktong katulad na paghahalintulad sa Efeso 2:20-22 na sinasabi: “at kayo ay itinayo na sa pundasyon ng mga apostol at mga propeta, samantalang si Kristo Jesus mismo ang pundasyong batong-panulok. Sa pagiging kaisa niya ang buong gusali, palibhasa’y magkakasuwatong pinagbubuklod, ay lumalaki upang maging isang banal na templo para kay Jehova. Sa pagiging kaisa niya ay itinatayo rin kayong sama-sama bilang isang dakong tatahanan ng Diyos sa espiritu.”

Gaya nga ng pagdaan ng literal na templo sa Jerusalem sa pagsisiyasat ng Langit, ang Diyos ay sisiyasat rin sa espirituwal na templo sa katapusan ng sistema ng mga bagay. Sa katunayan, binanggit ni apostol Pedro na ang lahat ng mga inaasahang mga bato sa templo ay patuloy na nasa ilalim ng paghatol ng Diyos.

Iyan ang dahilan kaya isinulat ni Pedro ang mga sumusunod: “Sapagkat ito ang takdang panahon upang ang paghatol ay pasimulan sa bahay ng Diyos. Ngayon kung ito ay nagsisimula muna sa atin, ano kaya ang magiging wakas niyaong mga hindi masunurin sa mabuting balita ng Diyos?”


Ayon sa konteksto ng liham ni Pedro, ang mga pag-uusig, pagdurusa at kahirapan na nararanasan ng lahat ng mga Kristiyano ay bahagi ng paghuhugis-bato at pagpapakintab na proseso na nilayon ng Diyos para sa mga inaasahang miyembro ng kaniyang espirituwal na estraktura. Inilarawan ni Jehova ang kaniyang paraan ng pakikitungo sa kaniyang mga anak sa Oseas 6:5: “Kaya naman dapat ko silang putulin sa pamamagitan ng mga propeta; dapat ko silang patayin sa pamamagitan ng mga pananalita ng aking bibig. At ang mga kahatulan sa iyo ay magiging gaya ng liwanag na sumisinag.”

Gayunman, malinaw na bagaman sa isang diwa ang itinakdang panahon para sa paghatol sa bahay ng Diyos ay nagsimula na noong unang siglo at nagpapatuloy, ang Kasulatan ay humuhula tungkol sa isa pang pang-wakas na panahon ng paghatol kasabay ng katapusan ng buong balakyot na sistema ng mga bagay. Kaya nga sa ikalawang kabanata ng parehong sulat si Pedro ay sumulat ukol sa isang araw ng pagsisiyasat sa hinaharap, na sinasabi: “Panatilihing mainam ang inyong paggawi sa gitna ng mga bansa, upang, sa bagay na sinasalita nila laban sa inyo na gaya ng mga manggagawa ng kasamaan, luwalhatiin nila ang Diyos sa araw ng kaniyang pagsisiyasat bilang resulta ng inyong maiinam na gawa na dito sila ay mga saksi.” Lohikal lang na ang “araw ng kaniyang pagsisiyasat” ay ang paunang kaganapan kaagad bago maging hari si Jehova sa pinaka ganap na diwa.

Ayon sa artikulo ng Bantayan na sinipi sa susing paksa ng kabanatang ito, si Jehova ay dapat sanang naging hari noong 1914 at maikling panahon pagkatapos nito ang paghatol ay inakalang nagsimula na- hindi lang para sa sambahayan ng Diyos, ngunit maging sa mga “organisasyong nag-aangking Kristiyano” ay humanay na rin para sa paghatol. Ngunit higit pa rito, ang Watchtower ay nag-aangkin rin na ipinataw na rin ng Diyos ang paghatol sa buong Babilonyang Dakila noong pang 1918-19, kabilang na rin dito ang mga hindi Kristiyanong mga relihiyon. Hindi pa natatagalan nito lamang 1989, ang Bantayan ay nagsaad ng ganito: “Pagsapit ng 1919, malinaw na si Jehova ay nagpataw na ng kahatulan sa Sangkakristiyanuhan- at tunay nga maging sa lahat ng huwad na relihiyon.”

Ipinawawalang bisa ang sarili nilang turo, sa realidad ang Watchtower ay hindi nagsasaad ng pagkakaiba sa pagitan ng paghatol na magsisimula sa bahay ng Diyos at sa panahon ng paghatol sa lahat ng mga relihiyon sa mundo. Ang pag-aakala ng Watchtower na pagsapit ng 1919 ang Diyos ay nagpataw na ng kahatulan sa lahat ng relihiyon ay batay lamang sa dahilan na ilang mga prominenteng klero ay minsang nagtanghal sa Liga ng mga Bansa bilang “ang pulitikal na kapahayagan ng kaharian ng Diyos sa lupa.”

Ngunit makatuwiran ba na ang paghatol ng Diyos ay nagsimula na noon pang 1918-1919? Higit pa rito, totoo ba ito? Una, makabubuting itatag muna kung ano nga ba ang dapat na maganap kapag si Kristo ay dumating upang saliksikin ang espirituwal na bahay ng kaniyang Ama; saka kung gayon mas malinaw na matutukoy kung ang mga bagay bang iyon ay nangyari na.

Ang propesiya ni Malakias ay naglalarawan sa pagdating ng mensahero ni Jehova sa templo sa madaling maunawaang mga simbolikong termino. Ang Malakias 3:1-5 ay kababasahan ng ganito: ‘“Narito! Isinusugo ko ang aking mensahero, at hahawanin niya ang daan sa harap ko. At biglang darating sa Kaniyang templo ang tunay na Panginoon, na hinahanap ninyo, at ang mensahero ng tipan na siyang kinalulugdan ninyo. Narito! Siya ay tiyak na darating,’ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo. Ngunit sino ang makatatagal sa araw ng kaniyang pagdating, at sino ang tatayo kapag nagpakita siya? Sapagkat siya ay magiging gaya ng apoy ng tagapagdalisay at gaya ng lihiya ng mga tagapaglaba. At siya ay uupong gaya ng tagapagdalisay at tagapaglinis ng pilak at lilinisin niya ang mga anak ni Levi; at dadalisayin niya silang parang ginto at parang pilak, at kay Jehova sila ay magiging bayan na nagdadala ng isang handog na kaloob sa katuwiran. At ang handog na kaloob ng Juda at ng Jerusalem ay magiging kasiya-siya kay Jehova,  gaya ng mga araw noong sinaunang panahon at gaya ng mga taon noong unang panahon. ‘At lalapit ako sa inyo ukol sa paghatol, at ako ay magiging mabilis na saksi laban sa mga manggagaway, at laban sa mga mangangalunya, at laban sa mga sumusumpa nang may kabulaanan, at laban sa mga gumagawi nang may pandaraya sa kabayaran ng bayarang manggagawa, sa babaing balo at sa batang lalaking walang ama, at sa mga nagtataboy sa naninirahang dayuhan, samantalang hindi nila ako kinatatakutan,’ ang sabi ni Jehova ng mga 
hukbo.”

Ang pagdating ng “mensahero ng tipan” ay tiyak ngang isang napakahalagang pangyayari sa pagsasagawa ng layunin ng Diyos. Ang inihulang “mensahero ng tipan” ay maari lamang tumukoy walang iba kundi kay Jesu-Kristo, yamang siya ang mensahero at tagapamagitan ng isang bagong tipan sa mga pinahirang Kristiyano. Ang kaniyang pagdating bilang tagapaglaba at tagapagdalisay ay walang kaugnayan sa kaniyang unang pagdating sa lupa halos 2000 taon na ang nakalipas.

Gaya ng ipinahihiwatig ng teksto sa itaas, ang pagdating ng mensahero ay “ukol sa paghatol.” Ngunit ang unang bahagi ng paghatol ay hindi ang paghatol sa sangkatauhan sa kabuuan, gaya ng ipinagpapalagay sa Abril 1, 1996 na Bantayan. Ang propesiya ay nagsasalita “sa mga anak ni Levi”- samakatuwid nga, ang paglilinis ay kumakapit sa pinahirang kongregasyon ni Kristo. Sila ay inihalintulad sa “mga anak ni Levi”- ang mga Levitikong saserdorte- yamang sila ang magsisilbing mga saserdote sa kaharian ng Diyos. Kaya bilang sagot sa ibinangong tanong sa kung ano ang mangyayari kapag si Kristo ay dumating upang siyasatin ang bahay ng Diyos, ang sagot ay na si Jesus ay magpapasimula ng isang puspusang paglilinis at pagdadalisay ng kaniyang kongregasyon.

Kataka-taka man, ang Watchtower nga ay nagtuturo na ang hula ni Malakias ay natupad na. Nito lamang taong 2000, ang Watchtower ay naglathala ng sumusunod na komento sa ikatlong kabanata ng Malakias:

“Ito’y tumutukoy sa panahong ang Diyos na Jehova ay magtutungo sa kaniyang espirituwal na templo kasama ng kaniyang “mensahero ng tipan,” si Jesu-Kristo. Ito’y maliwanag na nangyari sa pagtatapos ng Digmaang Pandaigdig I. Siniyasat ni Jehova ang lahat ng mga nag-aangking Kristiyano, na inihihiwalay ang totoo mula sa huwad.” (Tomo I ng komentaryo sa Isaias, pahina 34)

“Maliwanag” si Kristo ay dumating noong Digmaang Pandaigdig I upang dalisayin at linisin ang kaniyang bayan? Buhat sa anong ebidensya binatay ng Watchtower ang kanilang mapangahas na hinuha? Ang parehong komentaryo ay nagpapatuloy upang sumagot:

“Noong 1919, ang makabagong-panahong bayan ni Jehova ay umahon mula sa panahon ng pagsubok. Sila’y iniligtas mula sa espirituwal na pagkabihag sa Babilonyang Dakila, ang pandaigdig na imperyo ng huwad na relihiyon. Ang pagkakaiba ng tapat na pinahirang nalabi at ng apostatang klero ng Sangkakristiyanuhan ay lalong naging maliwanag.”

Totoo, ang pagdating ng mensahero ay may kinalaman sa paglilinis at pagdadalisay ng bayan ng Diyos mula sa kanilang sariling kamalian at espirituwal na karumihan. Subalit kung si Jesu-Kristo ay dumating na bilang ang inihulang tagapaglaba at tagapagdalisay noong Digmaang Pandaigdig I, ang aasahan nating makita ay isang organisasyon na malinis na mula sa lahat ng moral at espirituwal na katiwalian. Hindi ba?


Isa pang katanungan: Habang ang Watchtower ay nagaangkin na mayroong maliwanang na pagkakaiba sa pagitan ng “tapat na pinahirang nalabi at ng apostatang klero ng Sangkakristiyanuhan”- mayroon nga ba, talaga?

Bilang halimbawa, sa loob ng ilang dekada ang Watchtower ay matinding bumatikos sa mga klero ng Sangkakristiyanuhan sa kanilang suportang pulitikal para sa United Nations. Subalit gaya nga ng pagdokumento sa kabanatang “Strange Bedfellows” ang Samahan ng Watchtower ay nasangkot rin sa isang lihim na pulitikal na pakikipagsamahan sa United Nations sa pamamagitan ng pagsisilbi bilang associate level na NGO sa loob ng sampung taon. At yamang ang Watchtower ay nag-aangkin bilang ang boses ng pinahirang nalabi, ang tanging makikitang pagkakaiba lamang sa pagitan ng Sangkakristiyanuhan at ng pinahiran sa bagay na ito ay na maraming mga simabahan sa Sangkakristiyanuhan ang hayagang nag-iindorso sa United Nations, habang ang Watchtower naman ay gumawa nito sa isang lihim at-- mapagpaimbabaw na paraan.

Kunin ring halimbawa ang pangangalunya: Ang hula ng Malakias ay nagsasabi na ang mensahero ay “magiging mabilis na saksi laban… sa mga mangangalunya.” Ito ay kasuwato ng Hebro 13:4 na nagsasabing, “hahatulan ng Diyos ang mga mapakiapid at mga mangangalunya.” Kaya kung si Kristo ay naging “mabilis na saksi” laban doon sa mga nagsasagawa ng pangangalunya noon pang 1918, papaano kung gayon na ang organisasyon ngayon ay puno ng mga mapakiapid at mangangalunya? Maging ang Watchtower ay umamin na sampu-sampung libong mga Saksi ni Jehova ang natitiwalag kada taon dahil sa sekswal na imoralidad. Hindi mabilang pang iba ang may dobleng pamumuhay at hindi na nabubunyag pa. Kaya, sa anong paraan ba na si Kristo ay naging “mabilis na saksi” laban sa kanila?

Ang imoral na relasyong sekswal sa pagitan ng dalawang adultong may sapat na gulang ay masama na, ngunit sa nagdaang mga taon, libu-libong mga bata sa loob ng mga kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova ang naging biktima ng mga mahahalay na sekswal na maninila- mga Pedopilya na mga Saksi ni Jehova. Ang mas masama pa rito, maraming nagkaedad nang mga biktima at ang kanilang mga tagapagtaguyod ang nadaramang para bang ang mga patakaran ng Watchtower ang direktang responsible sa pagtatakip sa mga sekswal na maninila mula sa pagkahantad.

Hindi kapani-paniwala, na habang ang departamento sa pampublikong relasyon ng Samahan ay nagmamaliit sa ganitong uri ng mga krimen laban sa mga bata sa pamamagitan ng pag-aangkin na ang salot ng pedopilya ay walang pinagkaiba sa pagitan ng mga Saksi ni Jehova at ng ano pa mang ibang mga relihiyosong organisasyon, ang Watchtower ay hindi nahihiya at patuloy pa ring nag-aangkin bilang ang “malinis na organisasyon” ni Jehova na ibinukod mula sa marungis na mga relihiyonista ng Sangkakristiyanuhan.

Samantala, Ang nag-iisip na mga Saksi ni Jehova ay dapat na magtanong kung bakit ang panginoong Jesu-Kristo ay isang hindi epektibong tagapagdalisay at tagapaglinis ng espirituwal na bahay ng kaniyang Ama. Siyempre, ang mas mainam na pamalit sa gayong kalapastanganan ay na kilalanin na si Kristo ay hindi pa dumating bilang isang tagapaglaba. At tiyak naman, ang mga Saksi ni Jehova ay maraming “maruruming labahin” na nangangailang ng kaniyang pansin.

“AT TUTUNAWIN KO ANG IYONG MARUMING LINAB”

Ano ba ang ibig sabihin ng teksto na nagsasabing: “At siya ay uupong gaya ng tagapagdalisay at tagapaglinis ng pilak…at dadalisayin niya silang parang ginto at parang pilak?” Saanman sa propesiya, ginagamit ni Jehova ang eksaktong paghahalintulad upang ilarawan kung paano niya balak dalisayin ang kaniyang bayan mula sa kanilang tulad maruming linab na mga karumihan. Bilang halimbawa ang Isaias 1:25-28 ay nagsasabi: “At ibabalik ko sa iyo ang aking kamay, at tutunawin ko ang iyong maruming linab na waring ginamitan ng lihiya, at aalisin ko ang lahat ng iyong duming naipon. At muli akong magbabalik ng mga hukom para sa iyo gaya noong una, at ng mga tagapayo para sa iyo gaya noong sa pasimula. Pagkatapos nito ay tatawagin kang Lunsod ng Katuwiran, Tapat na Bayan. Sa pamamagitan ng katarungan ay tutubusin ang Sion, at yaong mga sa kaniya na bumabalik, sa pamamagitan ng katuwiran. At ang pagbagsak ng mga naghihimagsik at niyaong sa mga makasalanan ay magiging magkasabay, at yaong mga umiiwan kay Jehova ay darating sa kanilang katapusan.”


Tayo ay binigyang kabatiran ng Kaunawaan sa Kasulatan ng Watchtower na ang lihiya ng tagapaglaba ay ginagamit rin noon sa pagtunaw ng mga metal. Kapag dinadalisay ang pilak, para maihiwalay ito mula sa mga pangkaraniwang metal tulad ng lata at tanso, minsan ang tagapagdalisay ay magtatapon ng lihiya sa tunawan ng metal upang pagsamahin ang mga natunaw na metal na lumulutang sa ibabaw. Ang materyales na iyon ay inaalis bilang maruming linab at iniiwan ang purong tunaw na pilak.

Gaya ng inaasahan, ang Watchtower ay nagkakapit sa bahaging ito ng propesiya ni Isaias sa panahon ng 1918-19. Ngunit ang paghahalintulad ay hindi makatatayo sa masusing pagsusuri. Ang pinaka hayag na pagkukulang sa pagpapakahulugan ng Watchtower ay ang katotohanan na orihinal na naisagawa ni Jehova ang pagdadalisay ng kaniyang pambansang organisasyon sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa mga hukbong Babiloniko na lubusang wasakin ang masuwaying kaharian ng Judea. Yaong mga naghihimagsik laban kay Jehova ay basta nalamang pinatay. Sila ay inalis bilang ang napakaraming maruming linab. Tanging ang nadisiplina at nadalisay na mga nalabi ang pinayagang makabalik mula sa pagkatapon sa Babilonya upang muling itayo at tahanan ang Jerusalem.

Ngunit papaano naman iyon maihahalintulad sa mga nangyari noong 1918? Sa totoo lang, walang pagkakatulad. Bagaman totoo na ang Internasyunal na mga Estudyante sa Bibliya ay dumaan sa isang matinding panahon ng kaguluhan noon; ngunit, ang maikling pagkakabilanggo ng walong opisyal ng Watchtower ay hindi man lang maihahalintulad sa mga kapahamakan na dinala ni Jehova laban sa mga Judio noong ika-limang siglo at muli noong 70 C.E. Ang katotohanan ay, wala ni isa man sa mga Internasyunal na Estudyante ng Bibliya ang namatay noong panahon na ang maapoy na paglilinis ni Jehova ay dapat sanang naganap. At kung ang nakamamanghang paghatol ng Diyos ay naisagawa na noong 1918, bakit kung gayon na ang mga naghihimagsik at ang mga apostata ay hindi pa dumadating “sa kanilang katapusan,” gaya ng inilarawan ng hula?

Ginamit rin ni Jehova ang katulad na katulad na paglalarawan sa propesiya ni Ezekiel kung saan mababasa natin: “Anak ng tao, sa akin ay naging gaya ng maruming linab yaong mga nasa sambahayan ng Israel. Silang lahat ay tanso at lata at bakal at tingga sa gitna ng isang hurno. Sila ay naging makapal na maruming linab, yaong sa pilak. Kaya ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ‘Sa dahilang kayong lahat ay naging gaya ng makapal na maruming linab, kaya narito, titipunin ko kayo sa gitna ng Jerusalem. Gaya ng pagtitipon ng pilak at tanso at bakal at tingga at lata sa gitna ng isang hurno, upang hipan iyon ng apoy upang magpangyari ng pagkalusaw, gayon ko sila titipunin sa aking galit at sa aking pagngangalit, at ako ay hihihip at pangyayarihin kong malusaw kayo.  At pipisanin ko kayo at ihihihip sa inyo ang apoy ng aking poot, at malulusaw kayo sa gitna niya. Gaya ng pagkalusaw ng pilak sa gitna ng isang hurno, gayon kayo malulusaw sa gitna niya; at inyo ngang malalaman na ako mismo, si Jehova, ang nagbuhos sa inyo ng aking pagngangalit.’ ”

Bilang halimbawa muli ng pagkakasalungatan sa pagpapakahulugan, ang Watchtower ay nagkakapit sa propesiya ni Isaias tungkol sa “maruming linab” sa mga pangyayari na naranasan ng mga Estudyante sa Bibliya noong 1918, ngunit ikinakapit naman nila ang propesiya ni Ezekiel sa pagkawasak ng apostatang Sangkakristiyanuhan sa panahon ng huling kapighatian. Subalit wala ni isa man sa kanilang propetikong pagpapakahulugan ang kasuwato ng Bibliya.

Ang apostol na si Pablo ay sumulat sa katulad na paraan may kinalaman sa isang araw ng maapoy na pagsubok na nakatakdang sumapit sa kongregasyon ni Kristo- na tinutupok ang lahat ng mababang uri ng mga materyales: “Ngayon kung ang sinuman ay nagtatayo sa ibabaw ng pundasyon ng ginto, pilak, mahahalagang bato, mga materyales na kahoy, dayami, pinaggapasan, ang gawa ng bawat isa ay mahahayag, sapagkat ang araw ang magpapakita nito, dahil ito ay masisiwalat sa pamamagitan ng apoy; at ang apoy ang siyang magpapatunay kung anong uri ang gawa ng bawat isa. Kung ang gawa ng sinuman na itinayo niya sa ibabaw nito ay manatili, tatanggap siya ng gantimpala; kung ang gawa ng sinuman ay masunog, daranas siya ng kawalan, ngunit siya mismo ay maliligtas; magkagayunman, ito ay magiging waring sa pamamagitan ng apoy” (1 Corinto 3:12-15)
Ang ilustrasyon ng kinasihang apostol ay lubusang kasuwato ng propesiya ni Ezekiel. Kaya maliwanag na lahat ng Kristiyano na nabubuhay sa panahon ng pagsisiyasat ni Kristo ay “lulusawin” sa hurno ng nag-iinit na galit ng Diyos. Sa parehong ilustrasyon tanging ang mamahaling metal lamang ang matitira pagkatapos na ang paghatol ay mapagtibay. Walang duda na ang pinakamamahal ng Watchtower na doktrina ng 1914 ay matutupok bilang dayami at pinaggapasan sa araw ng apoy.

Tiyak namang wala ni isa man sa mga Saksi ni Jehova ang labis na hindi makatuwiran anupat igigiit na ang araw na iyon ng apoy ay nangyari na! Sa realidad, walang anumang pangyayari sa kasaysayan ng mga Kristiyano ang tumulad sa padron ng mga propesiya. Makatuwiran lang kung gayon, na ang maapoy na pagkatiwangwang at ang kasunod na pagsasauli ng antitipikong Jerusalem ay hindi pa nagaganap. Walang duda na ang kasuklam-suklam na bagay na nagdudulot ng pagkatiwangwang ay magiging kasangkapan sa pagsasakatuparan ng makabagong panahong kahalintulad.

Sa muling pagbabalik sa propesiya ni Malakias, isaalang-alang ang retorikal na tanong na ibinangon ng propeta: “Ngunit sino ang makatatagal sa araw ng kaniyang pagdating, at sino ang tatayo kapag nagpakita siya?” Inulit ni Jesus ang mga pananalitang iyon sa dalawang okasyon nang siya ay nagsalita tungkol sa mga pagsubok na may kinalaman sa kaniyang pangalawang pagdating. Bilang halimbawa, bilang babala sa kaniyang mga alagad may kinalaman sa tindi ng magaganap na kapighatian, sinabi ni Jesus sa Lucas 21:35,36 : “Sapagkat darating ito sa lahat ng mga nananahanan sa ibabaw ng buong lupa. Manatiling gising, kung gayon, na nagsusumamo sa lahat ng panahon na magtagumpay kayo sa pagtakas mula sa lahat ng mga bagay na ito na nakatalagang maganap, at sa pagtayo sa harap ng Anak ng tao. ”

Maging ang Watchtower ay hindi nagtuturo na ang dakilang kapighatian ay dumating na “sa ibabaw ng lahat ng nananahanan sa buong lupa,” gaya ng ihinula ni Kristo. Dahil nga diyan, sa hinaharap ay makikita natin kung sino ang magatatagumpay sa matapat na “pagtayo sa harap ng Anak ng tao.” Subalit kung gayon, bakit nagmamalaki ang Watchtower na ang hula ni Malakias ay matagal nang natupad noong ilang libong mga Estudyante ng Bibliya ang dapat sanang tumayo sa harap ni Kristo noong 1918?
Higit pa riyan, sa Lucas 18:8 si Jesus ay nagbangon ng katulad na tanong na makikita sa Malakias, nang siya ay nagtanong: “Kapag dumating ang Anak ng tao, talaga kayang masusumpungan niya sa lupa ang pananampalataya?”

Yamang ang Watchtower ay nag-aangkin na dumating si Jesus para sa paghatol noon pang 1914, at ang uring matapat na alipin ay nakatanggap ng kaniyang hindi karapat-dapat na pagsang-ayon noong 1919-yamang sila ay naatasan na sa lahat ng pag-aari ng Panginoon noon pa man- ang Watchtower ay walang kamalayang nagwalang-katuturan sa tanong ni Kristo. Gayon nga sapagkat sa pagsunod sa pangangatuwiran ng Watchtower sa kanilang lohikal na konklusyon, nangangahulugan ito na wala nang pangangailangan ang sino man sa mga inaasahang uring asawa ni Kristo para manatili pang mapagbantay para sa pagbabalik ng kanilang panginoon.

Siyempre pa, wala ni isa man sa mga Saksi ni Jehova ang aamin niyaon kahit kailan, ngunit dahil sa di-wastong pagkakapit ng napakahahalagang mga hula sa nakalipas na mga panahon, ang mga Saksi ni Jehova ay walang makakasulatang basehan upang maasahan ang paglalantad ng mga kahatulan ng Diyos sa hinaharap.

SINO ANG TAPAT AT MAINGAT NA ALIPIN?

Si Jesus ay paulit-ulit na nagbigay diin sa kahalagahan ng pananatiling gising at handa ng kaniyang mga alagad sa kaniyang biglaan at tulad-magnanakaw na pagdating. Sa Lucas 12:35-40, inilarawan ni Jesus ang kaniyang pagdating sa pagsasabi ng ganito: “Bigkisan ninyo ang inyong mga balakang at paningasin ang inyong mga lampara, at kayo mismo ay maging tulad ng mga taong naghihintay sa kanilang panginoon  kapag bumalik siya mula sa kasalan, upang sa kaniyang pagdating at pagkatok ay karaka-raka nilang mapagbuksan siya. Maligaya ang mga aliping iyon na sa pagdating ng panginoon ay masumpungang nagbabantay! Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Bibigkisan niya ang kaniyang sarili at pahihiligin sila sa mesa at lalapit at maglilingkod sa kanila.  At kung dumating siya sa ikalawang pagbabantay, kahit pa sa ikatlo, at masumpungan silang gayon, maligaya sila! Ngunit alamin ninyo ito, na kung nalaman lamang ng may-bahay kung anong oras darating ang magnanakaw, patuloy sana siyang nagbantay at hindi hinayaang malooban ang kaniyang bahay.  Kayo rin, manatiling handa, sapagkat sa oras na hindi ninyo sukat akalain ang Anak ng tao ay darating.”


Kahit na ang simpleng pagbabasa ng ilustrasyon ni Jesus ay malamang na makapagpapaunawa sa mambabasa na ang panahon ng kaniyang pagdating ay hindi maaring malaman at na si Jesus ay nagbibigay diin sa kaniyang mga alagad na ang araw ng pagtutuos at pagsusulit ay naghihintay sa hinaharap para sa mga miyembro ng samabahayan ng Diyos na naririto sa lupa kapag ang panginoon ay biglang dumating. Gayunman, gaya nga ng nailahad na may kaugnayan sa iba pang mga hula, ang pagpapakahulugan ng Watchtower sa simpleng ilustrasyon na ito ay nagpapa-walang saysay sa pagiging mapagbantay ng mga Kristiyano yamang ang mga Saksi ni Jehova ay naniniwala na ang tulad magnanakaw na pagdating ni Jesus ay naganap na noon pang 1914. Kahit na ang ilang mga artikulo ng Watchtower ay nagkakapit rin sa parabula sa pagdating ni Jesus sa hinaharap, ang pangunahing turo ay na ang tapat at maingat na alipin ay naatasan na sa lahat ng mga pag-aari ng kaniyang panginoon, malinaw na sumasalungat sa parabula ni Jesus.

Upang ilarawan ang punto, isang artikulo ng Bantayan na isinulat mahigit 50 taon na ang nakalipas ang nagsasabi ng ganito:

“Ang mga kaganapan sa daigdig mula noong A.D 1914, at partikular na ang mga kaganapan sa pagitan ng Bayan ni Jehova pamula A.D 1918, ay nagbibigay ng nakikitang patotoo na ang Panginoong Jesu-Kristo, na dumating sa kaniyang kaharian, ay dumating na sa espirituwal na templo ng Diyos upang isagawa ang pangwakas na paghatol sa “bahay ng Diyos” at sa kapahayagan ng kaniyang gawaing paghatol, siya ay nakasumpong ng “tapat at maingat na alipin” at inatasan siya sa lahat ng kaniyang mga pag-aari, lahat ng kaniyang nakikitang pang-kahariang interes sa lupa. Samakatuwid, upang maglaan ng ganap na pagkilala sa teokratikong organisasyon ngayon, kailangan nating kilalanin ang “tapat at maingat na alipin” na ito na inatasan ng nagbalik na Panginoon at Hukom sa lahat ng kaniyang mga pag-aari.” (Bantayan 9-1-1954)

Ang turo ng Watchtower ay hindi nagbago sa loob ng kalahating siglo. Kaya naman ang isang artikulo sa Enero 15, 2001 ay kababasahan ng ganito:

“Ang tapat na alipin ay ‘inatasan sa lahat ng mga pag-aari ng kaniyang panginoon.’ Kabilang dito ang mga pasilidad sa punong-tanggapan sa New York State, E.U.A., at sa 110 sangay na ngayo’y umiiral sa buong daigdig. Batid ng mga miyembro ng uring alipin na sila’y mananagot sa kung paano nila ginamit ang ipinagkatiwala sa kanila.”

Ang kapahayagan sa itaas ay hindi tumpak. Una, ang Watchtower ay nagsaad na ang tapat na alipin ay naatasan na sa lahat ng pasilidad ng Samahan. Ngunit kahit na ipagpalagay na ang Lupong Tagapamahala ang kumakatawan sa pang buong daigdig na katawan ng pinahirang Kristiyano, ang Lupong Tagapamahala ay walang kontrol sa iba’t ibang mga legal na entidad at pasilidad na nasa ilalim ng Watchtower Bible and Tract Society Incorportated. Noong 2000, ang Lupong Tagapamahala ay nagbitiw sa mga posisyon sa pitong miyembrong Lupon ng mga Direktor at ipinagkatiwala ang buong pamamahala at pagmamay-ari ng Samahan sa isang lupon na binubuo ng ekslusibo lamang na mga hindi pinahirang mga indibiduwal. Bilang halimbawa, si Don Adams- isang hindi miyembro ng Lupong Tagapamahala- ang kasalukuyang presidente ng Watchtower Bible and Tract Society ng New York Incorporated. Ang Lupong Tagapamahala ay wala nang anumang legal na awtoridad may kinalaman sa pagpapatakbo at pagmamay-ari ng Watchtower Bible and Tract Society Inc.

Ang implikasyon ng ganitong mga pagkilos ay na ang Lupong Tagapamahala ay nagpasailalim sa pinahirang kongregasyon ni Kristo, na dapat sanang naatasan na sa lahat ng mga pag-aari ng panginoon, sa isang Lupon ng mga Direktor ng Watchtower Inc. Ngunit ang tanong ay: Gaano kaposible kaya na si Jesus ay sasang-ayon sa pagbibitiw ng kaniyang tapat na alipin sa kanilang kontrol sa “kaniyang mga pag-aari” sa mga taong ni hindi man lamang nag-aangking kabilang sa tinatawag na uring alipin? Mahirap isipin na si Kristo ay magpapahintulot ng gayong mga pagkilos.

Habang ang mga opisyal ng Watchtower ay matibay na naninindigan na sila ay naatasan na “sa lahat ng kaniyang mga pag-aari,” ang makatuwirang pagpapakahulugan ng Kasulatan ay nagtuturo ng kabaligtaran. Ayon sa tuwirang pagbasa ng ilustrasyon ni Jesus, mayroong dalawang pag-aatas ng alipin, subalit isa lamang pagdating ng panginoon. Ano ang ibig sabihin niyaon? Isaalang-alang: Pagkatapos payuhan ni Jesus ang kaniyang mga alagad na manatiling mapagbantay at handa sa kaniyang pagbabalik, si Pedro ay nagtanong kay Jesus kung patungkol kanino kumakapit ang ilustrasyon. Bilang tugon si Jesus ay nagtanong: “Sino talaga ang tapat at maingat na alipin na inatasan ng kaniyang panginoon sa kaniyang mga lingkod ng sambahayan, upang magbigay sa kanila ng kanilang pagkain sa tamang panahon? Maligaya ang aliping iyon kung sa pagdating ng kaniyang panginoon ay masumpungan siyang gayon ang ginagawa! Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Aatasan niya siya sa lahat ng kaniyang mga pag-aari.”

Sa siniping teksto sa itaas ang pananalitang “aatasan” ay lumilitaw ng dalawang ulit. Ang unang pag-aatas ng panginoon ay nag-aatas sa kaniyang alipin “sa kaniyang mga lingkod ng samabahayan upang magbigay sa kanila ng kanilang pagkain sa tamang panahon.” Batay sa kung naging tapat ang alipin o hindi sa kaniyang atas, ang panginoon kung gayon ay mag-aatas sa alipin “sa lahat ng kaniyang mga pag-aari” – ang ikalawang pag-aatas. Ang napakahalagang katanungan ay ito: Kailan ba aatasan ng kaniyang panginoon ang alipin “sa lahat ng kaniyang mga pag-aari?” Ang teksto ay malinaw na nagsasaad na ang ikalawang pag-aatas ay magaganap sa “pagdating” ng panginoon na tulad ng magnanakaw sa gabi. Isa pang mahalagang katanungan ay ito: Ilang beses ba “darating” ang panginoon? Makatuwiran lang, na mayroon lamang isang pagdating.

Sa orihinal na ilustrasyon tungkol sa pagbabalik ng kasintahang lalaki mula sa kasalan, ginamit ni Jesus ang mga pananalitang “pagdating,” “dumating,” at “darating.” Ang punto ay upang maikintal sa kaniyang mga alagad ang pangangailangang manatiling umaasa sa pagdating ng panginoon sa kinalaunan. Tanging ang mga alipin lamang na nasumpungang matapat na naghihintay ang siyang aatasan sa lahat ng pag-aari ng Panginoon. Kaya ang pagpapakahulugan ng Watchtower ay may kamalian. Kung ang tulad magnanakaw na pagdating ni Jesus ay hindi pa nagaganap, na tiyak namang hindi pa talaga- kung gayon maging ang pag-aatas ng panginoon sa kaniyang matapat na alipin “sa lahat ng kaniyang mga pag-aari” ay hindi pa rin nagaganap.

Higit pa rito, kapag ang alipin sa wakas ay naatasan na sa lahat ng pag-aari ng kaniyang panginoon, ang pag-aatas na iyon ay hindi na mababawi. Si Jesus ay nagbigay ng marami pang ibang mga ilustrasyon, gaya ng parabula ng mga talento na nagsasaad na ang mga pinahirang alagad ni Kristo ay pagkakatiwalaan sa pera ng kanilang panginoon at hahatulan batay sa kanilang katapatan sa paghawak ng pilak ng panginoon habang siya ay wala. At gaya rin ng ilustrasyon ng matapat at maingat na alipin, ang mga alipin na nahatulan bilang matapat ay pagkakatiwalaan sa higit pang mga pag-aari ng panginoon. Karapat-dapat ding bigyang pansin na pinasimula ni Jesus ang parabula ng mga talento sa pagsasabi ng: “Patuloy kayong magbantay kung gayon, sapagkat hindi ninyo alam ang araw ni ang oras.”

Isa pang mahalagang pagkakatulad sa pagitan ng parabula ng mga talento at ng ilustrasyon at ng ilustrasyon ng tapat at maingat na alipin na parehong propetikong istorya ay nagtatanghal ng balakyot na alipin na lubusang kinondena at lubusang tatanggalan ng kaniyang mga pribilehiyo at itatapon sa labas kung saan siya tatangis at mangangalit ang ngipin- gaya ng di-tapat na si Judas bago niya winasak ang kaniyang sarili. Sa kabila ng lantarang pagkakatulad sa pagitan ng dalawang ilustrasyon,  ang Watchtower ay nagkakapit sa katapuran ng parabula ng tapat at maingat na alipin ay naganap na noong 1918. Lalu pang kasalungat, ang 2001 Bantayan, na siyang sinipi kanina ay nagsabi:

“Batid ng mga miyembro ng uring alipin na sila’y mananagot sa kung paano nila ginamit ang ipinagkatiwala sa kanila.”

Tiyak ngang mayroong isang araw sa hinaharap ng pagsusulit sa harap ni Jehova,  ngunit kung “ang mga miyembro ng uring alipin” ay naatasan na sa lahat ng mga bagay, gaya ng inaangkin ng Watchtower, kung gayon ayon sa ilustrasyon ni Kristo kapuwa ang tapat at di-tapat na mga alipin ay nagsulit na ng kanilang mga sarili sa harap ni Jesus.

Muli, ano ang kadahilanan sa likod sa nagkakasalungatang interpretasyon ng Watchtower ng mga parabula ni Kristo? Mayroong ilang mabibigat na salik. Una, ang organisasyon ay tila lumabis na mula sa nakasulat sa pagnanais na magtatag ng lubos na awtoridad sa pagpapakahulugan sa ibabaw ng mga Saksi ni Jehova. Sa pamamagitan ng pagaangking naatasan na sa lahat ng pag-aari ng panginoon, sa halip na maging mapagpakumbabang alipin, ang Watchtower ay desidido sa pagtatag ng hindi matututulang awtoridad bilang ang tanging pinagmumulan ng komunikasyon ni Jehova.

Ang kilalang paniwala sa pagitan ng mga Saksi ni Jehova ay na ang sinuman na hindi tumanggap sa bawat pananalita ng Watchtower bilang totoo ay tumatanggi sa awtoridad ng alipin, na hindi naman talaga gayon.

Pangalawa, kung ang ilustrasyon ay naituro nang tama, ito ay nagsasaad na ang tapat na alipin ay hindi pa naatasan sa lahat ng mga pag-aari ng Panginoon, mapipilitan rin silang harapin ang katotohanan na hindi lahat ng alipin sa bahay ng Diyos ay matapat.

Ang totoo ay, ang kongregasyon ni Kristo ay pinamumunuan ng kapuwa tapat at di-tapat na mga alipin hanggang sa mismong oras na ang panginoon ay dumating para sa pagsisiyasat. Hindi nakakapagtakang tinapos ni Jesus ang kaniyang pagtalakay sa mga alipin ng samabahayan sa anyo ng nakapagpapaisip na katanungan: “Sino talaga ang tapat at maingat na alipin?”


Ang kasugutan ay hindi magiging malinaw hanggang sa si Jesus mismo ang kumilala sa kaniyang tapat na alipin at magpaalis sa di-tapat na alipin sa unang bahagi ng pagkanaririto at ang paghatol sa bahay ng Diyos.

No comments:

Post a Comment